Sandrex.
Nagising akong wala na sa tabi ko si Sandra. Bumuntong hininga ako at nagbihis ng damit. Umalis na naman siya? Tss.
Sandra stayed here last night matapos ko siyang kunin sa bar na iyon. Hindi ko mapigilan na mapangiti ng maalala ang nangyari sa amin kagabi. Yun yung isa sa mga gabi na hinihiling kong sana ay hindi na natapos. I wish we could stay forever cuddling and kissing each other.
I sighed when I know how impossible it is to happen. She is married for fvcking sake! Ni hindi ko nga naisip ang possibility na mabuntis siya.
Alam kong mali itong nangyari sa amin dahil may asawa na siya pero hindi ko napigilan. Hindi ko napigilan yung damdamin na bumalik pagkakita ko ng nakakaawa niyang itsura.
Ikinuyom ko ang palad ko ng maalala ang pagsayaw niya sa harap ng maraming tao. Ano ba talagang nangyari sa kanya? Naiinis talaga ako tuwing maaalala ito. They are disrespecting my girl. Kung sana may magic lang ako, buburahin ko yung alaala nila ng makitang nakahubad si Sandra.
Napabuntong hininga ako ng may realize. Kasal si Sandra at hindi sa akin. Ang lupit talaga ng tadhana. Napakalupit.
----
"Sandrex! I have a story to tell!" I can imagined her giggling while saying those words. Ngumiti ako at isinandal ang sarili sa sandalan.
"Hmm. What is it?" I said while sipping my coffee. I sit cross legs.
"Waaaah! Kami na ni Kzer! You know what everything seems so magical. Kahit na hindi ito yung pangarap ko na love story pero okay na rin kasi sa taong mahal ko pa rin ako napunta. This is what most important right? Yieeeh!" Inilayo ko ang tenga ko ng marinig ang malakas na sigaw niya. Hindi ko mapigilan na mapangiti sa nangyayari sa kanila.
Sa haba kasi ng lahat ng pinagdaanan nila at pagkakagulo ng isip at puso nila. Sa huli ay sa piling pa rin ng isa't isa nila nakikita ang sarili nila.
Ibinalik ko sa tenga ko ang phone ng marinig ang sigawan ng dalawa sa kabilang linya.
"K! Kinakausap ko pa si Sandrex!"
"No! Ako muna!"
"Ang bastos huh! Give me back my phone K!"
"Wait B, I have something to ask about the company."
"Psssh! Sandrex is on vacation! Why are you bothering him anyway?"
"Tss! It is important B. Sit down and wait for me on the kitchen."
"Pssh! You are really annoying. I hate you K!"
"W-wait B-b!" Then I heard the door slammed. "Tss! Sandrex! It is your fault!"
Ngumisi ako. Kahit papano ay namiss ko rin ang ugok na to. "Nah. Lagot ka." I laughed when he cursed me. He keeps on mumbling words I can't understand.
Maya maya ay tumikhim ito at kinamusta ako. "When are you coming back Sandrex?" Natigilan ako.
"Bakit? May problema ba?" I asked then he take a deep breath.
"None. Rosas and I can handle the company. It is about Warson." Kumunot ang noo ko. Hindi ko na rin kasi sila nakakausap simula ng lumayo ako at pumunta dito.
"What about Warson? Nagising na ba?" I aksed. Alam ko naman na gising na si Warson.
"Nothing. Hindi ko alam kung totoo ba yung nakita ko pero parang nakita ko kasi siyang naglakad nung dumaan ako sa kwarto niya sa hospital. Ewan ko nga ba, parang namamalikmata lang ata ako." Sunod sunod na wika nito.