Started with a Kiss

118 7 2
                                    

Kzer.

Mabilis akong nagtago sa likuran ng isang matabang babae ng lumingon sila patalikod. Napahawak ako sa dibdib kong ma-muscle.

"Muntik na ako dun ah". Bulong ko sa sarili ko. I breathe in and out bago napagpasyahan na sumulip ulit sa kanila. Pumasok sila sa isang ice cream parlor.

Naglakad ako papunta doon at sinuot ang shades ko. I also bought a cap na matatago ang mukha ko. Hindi dapat nila malaman na sinusundan ko sila ngayon.

Umupo ako mabait sa pwesto nila. Inagaw ko sa natutulog na panot ang dyaryo na pinapantakip niya sa mukha niya. Eww talaga. Dito niya pa napili na magkalat ng laway niya. Pinantakip ko ang dyaryo hanggang sa ilong ko. Bale kita pa naman ang naggagandahang mata ko.

"What's your order Bai?" Sandrex asked on her. Napakuyom ako ng palad ng makitang hinawakan ni Sandrex ang kamay nito. Tangna. Wala naman akong karapatan na magalit eh. Alam ko naman na engage na sila. Pero kasi.. Fvck!

Ano bang nagustuhan ni B sa kanya? Mas macho naman ako sa kanya at lamang ako ng maraming palagi kesa sa kanya. Fvck talaga.

"Gelato, any flavor my labs." Muntik na akong masuka dahil sa tinawag ni B sa kanya. Hindi naman bagay sa kanya ang tawag na my labs. Mas bagay kaya sa akin yun.

Nagngitian pa ang dalawang 'to na akala mo ay may nakakatuwa sa paligid. Langya! Di ba nila alam na habang nagngingitian sila diyan ay may isang macho na lalaking nagtitiis na sumilip nalang sa kanila dahil sa selos?! Hustisya!

"So, where do you want to go next?" He asked while still smiling at her. Tss. Maghahanap na ako ng mga mangkukulam para papangitin si Sandrex. Ng hindi na siya mahalin ng Bai ko at ng ako nalang ang makita niyang pinaka gwapong lalaki sa lahat.

"Uhmm. Saan kaya maganda? Manood nalang kaya tayo ng sine my labs?" Nagningning pa ang mata nito ng sabihin nito ito. Tss. Ako dapat ang nandyan sa lugar ni Sandrex eh. Ako dapat ang tinitingnan niya ng ganyan.

"Sure, anything for you my labs." Sagot ni Sandrex dito. Sa sobrang tuwa ay napatayo si Bai at mabilis na yumakap kay Sandrex.

Agad kong inilayo ang tingin ko sa kanila. Tiningnan ko ang dyaryo at nagbasa kahit wala naman akong naiintindihan dito. Bakit ba ganun? Sana kapag may mahal ka, mahalin ka nalang rin niya para wala ng problema. Wala na ring masasaktan na ibang tao at tatanggapin ng iba ang kasawian nila.

Bakit ba ako nandito? I am making sure na mahal talaga nila ang isa't isa at sa oras na malaman kong hindi naman sila nagpapanggap ay papabayaan ko na rin si Bai. Hindi ko na siya guguluhin at ibibigay ko sa iba ang atensyon ko. Kahit masakit sa bandang dibdib ko.

"My labs? May dumi ka dito sa bandang pisngi." Tumingin ulit ako sa kanila at nakita kong pinupunasan na ni Sandrex ang pisngi ni Bai. Nagkalat kasi ang kinakain nito sa pisngi.

Biglang namula si Bai at iniba ang direksyon ng tingin. Pero tumingin rin ito kay Sandrex at nakita kong may dumi rin sa mukha ni Sandrex. Tangna' sinasadya niya yan eh!

"My labs, meron ka ring dumi dito oh." Mahinang wika niya. Tinuro nito ang ilalim na parte ng labi nito.

Alam ko na sinasadya lang ni Sandrex na lagyan ng dumi yung labi niya tapos kunwari pa na hindi niya alam kung saan. Alam ko yan eh! Napapanood ko sa mga movie! Hinihintay niya lang siguro na halikan siya ni Bai para maka points! Tangna' talagang lalaki 'to!

"Dito kasi oh." Lumapit ng kaunti si Bai dito at pinunasan ang ilalim ng labi nito gamit ang daliri. Napatigil ito ng hinawakan ni Sandrex ang kamay nito at nagkatitigan sila.

Tangna'! Napatayo ako dahilan para malaglag ang tasa na nasa tapat ko. Naagaw nito ang atensyon ng lahat at nakita kong nakatingin sa direksyon ko sila Sandrex. Nagmadali akong lumabas ng ice cream parlor habang nagtatago sa dyaryo na hawak ko.

THE CHICKBOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon