Mrs. Manalo

99 4 0
                                    

Sandrex

Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang love story. Mayroong nagkakatuluyan na mag bestfriend katulad ni Kzer at Baifrincess. Marahil ay sila talaga ang itinadhana para sa isa't isa. Natagalan nga lang ang process bago na realize ni Baifrincess ang totoong nararamdaman niya para kay Kzer.

Mayroon ding magkababata at nagkatuluyan. Magkaaway dati na naging maging magkaibigan at naging mag asawa sa huli.

Mayroon ding pinagbuklod ng mga anak kaya nagmahalan. Katulad nila Rosas at ng mga anak niyang sila Nico at Daisy. Alam ko naman na mahal niya ang ina ng mga ito. Pero hahayaan kong siya ang maka realize nun.

Mahirap ang magmahal. Totoo iyon. Pero maganda rin naman ang kakalabasan sa huli.

Ako? Unang kita ko palang kay Sandra alam ko ng siya ang itinadhana sa akin. Dumaan man ang ilang taon na hindi kami nagkasama ay hindi pa rin nawala ang pagmamahal ko na iyon sa kanya.

Para kina Rosas, ang lovestory ko daw ang pinaka komplikado sa lahat. Bakit? Kasi sa aming dalawa ni Sandra, ako daw ang mas lubos na nagbibigay ng pagmamahal at pag uunawa. Komplikado dahil sa sitwasyon at sakit ni Sandra.

Pero para sa akin, wala lang iyon. Tingin ko kasi ay ito ang paraan ng pagsubok ng diyos sa tibay ng pagmamahal ko kay Sandra. Kung gaano kataas ang pag unawa at tibay ng loob ko sa kahaharapin na pagsubok sa buhay.

Mabuti na lamang at hindi ako sumuko. Well, kamuntikan na nga pala ng akala kong si Baifrincess na ang itinadhana ng diyos sa akin. Nakakatawang isipin na muntik na akong mahulog sa kanya. Wala sana silang happy ending ni Kzer.

"Hoy! Takte naman oh! Lumilipad na naman yang isip mo buhangin! Para kang timang! " Lumingon ako kay Rosas na biglang pumasok sa kwarto ko. Nakakunot ang itsura nito ng lumapit sa akin.

Ngumisi ako. Naalala ko na naman kasi ang ginawa nilang pag acting noong nasa hospital ako ng nakaraan na buwan.

Sa tuwing maaalala ko ito ay napapangiti na lamang ako. Kung hindi marahil nila ginawa iyon ay hindi nila makikita ang pag e-emote ko.

What happened in that hospital room was all planned by this guy Rosas. Sumakay naman ang iba at natatawa ako dahil napaniwala talaga nila ako.

Yeah. Sandra is not really missing. Sa katunayan ay nandun lang ito sa kabilang kwarto at nagpapahinga. Matapos kasi ang ginawang pag raid sa bahay ni Harvey noon ay bigla nalang itong nahimatay. Doon din nalaman na nakunan ito at nawala ang little angel namin.

Umiyak ito ng umiyak. Ngayon ay pinapagpatuloy pa rin ang pagpapagamot dito. Masyado na itong depressed at nakadagdag pa ng depression niya ang pagkawala ng anak niya.

Nakakalungkot nga lang isipin na minsan ay umaatake ang sakit nito at hindi niya kami matandaan na lahat. Hindi niya alam ang pangalan ko at ng barkada.

Ngunit kahit ganun ay hindi ako nagsasawa na ipaalala sa kanya ang lahat. Siya ang mahal ko at kahit na tumanda kami ay gagawin ko pa rin lahat para lang maalala niya ako. Maalala niya lahat lahat. Simula sa kung paano kami nagkakilala at hanggang sa maikasal.

Di rin totoo na nagalit sila Rosas sa akin. Na offend lang sila sa sinabi ko. Humingi naman ako ng paumanhin sa kanila sa lahat ng sinabi ko. Ngayon ay patuloy pa rin ang paghahanap nila sa anak ni Rosas at kay Maegan. Harold is also missing pero may lead na kami kung saan siya nagpunta.

Warson on the other hand is also busy from his business and other stuffs. Ilang buwan rin kasi siyang na "coma" at patuloy rin ang paghahanap niya sa taong nagpapadala ng death threats sa amin.

Ikinuyom ko ang palad ko. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa amin ang lahat.

Napangiwi ako sa sakit ng maramdaman ang paghampas ng isang bagay sa balikat ko. Ng lumingon ako ay nakita ko si Rosas na hawak ang unan ko at picture frame sa kaliwang kamay.

THE CHICKBOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon