Harold.
"Ana?" Napakislot ako at mabilis na nag ayos ng damit. Isinuot ko ang malaki kong glasses at isinuot ang tsinelas kong may tatak na dragon.
Binuksan ko ito at nakita ko si Irish na nakangiti. "Bakit po?" Tanong ko sa matinis na boses. Itinaas nito ang kahon na may pangalan ko. Ana Magaslaw. Napasimangot ako ng mabasa ito, ang bantot talaga ng pangalan na pinili nila para sa akin. Tss.
Ngumiti ito ng pagkalaki laki. "Ayieeh. Kabago bago mo pa lang dito pero may admirer ka na agad. Ayieeh." Nagtataka na kinuha ko ang regalo. Napatalon ako ng sinundot niya ang tagiliran ko. "Pfft. Ganda babae." Pang aasar pa nito.
Ngumiti ako ng pilit at inilapag nalang ito sa kama ko. "Oh? Hindi mo ba titingnan muna ang laman nun?" She asked while not leaving her glance on it.
Tiningnan ko ulit ito at lumabas ng pinto. Hinila ko rin siya palabas. Sa ilang araw na nagkasama kami sa bahay na ito ay naging palagay na ang loob nito sa akin.
Lagi nga siyang sumasabay sa akin sa pagkain at lagi akong inaasar. But she never mentioned my name - the real one. Naging malikot na rin ito at mas marami pa ngang oras ang naibibigay niya sa akin kumpara sa pasyente niya.
Mas okay nga yun. At least, hindi siya maiinlove dun sa baldado na yun.
"Ana! Ititirintas ko ulit ang buhok mo para umayos ka naman tingnan." She said happily. Hindi ko pinahalata ang pagsimangot ko at ng humarap sa kanya ay masayang ngumiti ako.
Nagtatalon ito sa tuwa. Hayss. Sana hindi siya magalit kapag nalaman niya ang katotohanan. Sinuklay niya ang mahaba kong buhok at nagsimula ng i-braid.
"Irishhh!" Sigaw na nanggaling sa taas. Tumingala ito at nakita niya si boy baldado na tinutulak ang sariling wheelchair. Kailan kaya yan makakatayo ng hindi na niya kailanganin pa ng private nurse.
"Naku. Tinatawag na ako ng amo ko. Mamaya ko nalang itutuloy Ana." Paalam nito. I nodded and watched her leaving me. Naalala ko na naman ang ginawa niyang pagpili kay Jacob noon. Ipinilig ko ang ulo ko para huwag ng isipin pa ito muli.
"Alam mo Ana, kung hindi ka lang babae iisipin ko na may gusto ka kay Ma'am Irish. Hindi ka naman mukhang lesbian." Wika ni Jenny. Napahawak ako sa dibdib ko ng magulat. Kung may heart problem lang ako nagka heart na talaga ako.
Ngumiti lang ako sa kanya at piniling huwag siyang sagutin. Pero hinawakan niya pa ang braso ko para paharapin ng tinalikuran ko siya. "Wag mo akong tatalikuran Ana." Mariin nitong wika. Hindi ko mapigilan mag taas ng kilay. What the hell?
"Paumanhin Jenny. Pinapatawag po ako sa itaas." Seryoso kong wika. Matagal nito akong tinitigan bago ako tuluyan na binitawan. Hindi na siya nagsalita at hinayaan ako sumunod kay Irish sa itaas.
Kahit hindi naman ako ay tinatawag ay pupuntahan ko nalang siya. Pfft. Baka mamaya kung ano pa ng gawin ni baldadong Jacob na yun. Tss.
Umakyat ako at kumatok sa pintuan ng kwarto ni Jacob. May hawak akong walis at dustpan. Para may alibi ako sa pagkatok na ginawa ko. Pero ilang beses na akong kumakatok pero wala pa ring nagbubukas.
My heartbeat accelerates at parang hindi na ako makahinga sa sobrang bilis. Fvck! Ano na bang ginagawa nila?! Mas binilisan ko pa ang pagkatok at maya maya au binuksan na rin ito ni Irish.
"Ma'am, maglilinis lang po ako." Napansin ko ang namamasa niyang mata. Did she cried? Yumuko ito ng mapansin nito ang pagkakatitig ko sa kanya.
"Tss. Sino ba yan?" Wika ng naiinis na tinig sa likod ko. Nakita ko si Jacob na half naked. Wala itong suot na damit pang itaas. Nagpalipat lipat ang tingin ko kay Irish na nakayuko at tila pinipigilan ang pag iyak.