Sandrex
Iminulat ko ang mata ko. Unang sumalubong sa akin ang puting kisame at ang mahina na tunog ng makina. Kunot noo kong inilibot ang mata ko. Paano ako napunta sa hospital? Sino ang nagdala sa akin?
Pinilit ko ang sarili ko na umupo. Ramdam ko ang pagsakit ng likod at dibdib ko. Fvck.
Saka ko lang napansin ang mukha ng natutulog na lalaki na malapit sa sofa. Kumilos ito at nanlaki ang mata ng makita ako. Naguguluhan na tumayo siya at lumapit sa akin.
"S-sir! Gising na kayo! May masakit po ba sa inyo o ano? Teka lang po!... " Nagsisigaw ito at tumawag ng doctor. "Doc! Gising na po siya! Gising na siya!"
Pumasok ang mga doctor. Pero hindi ko inaalis ang mata ko sa batang lalaki. Familiar kasi ang mukha nito at iniisip ko kung saan ko nakita ang pagmumukha niya.
Saka ko lang naalala na siya ang lalaki na naghatid ng kahon sa kwarto ko. Naalala ko ang lahat ng nangyari. Nanlaki ang mata ko at agad na hinanap ng mata ko ang presensiya ni Sandra.
"Nasaan si Sandra? Nasaan si Sandra?!" Sigaw ko. Inilibot ko ang paningin ko at nagsisigaw ng hindi ito makita. Agad akong nilapitan ng mga nurse at pinipigilan ang paggalaw ko. Fvck! Kailangan kong makita si Sandra! Mapapahamak siya kay Harvey!
"Sandra! Sandra! Sandra!" Patuloy ko na pagsigaw. Pinipilit kong tumayo pero hindi ko magawa dahil sa malakas na paghawak nila sa magkabilaan kong braso. Nakadagdag pa sa pagka lungkot ko ang kaalaman na nakuha na muli ni Harvey si Sandra. Fvck! Magbabayad talaga sa akin si Harvey kapag sinaktan niya ito.
Nanghihina na napayuko ako. Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko sa pisngi.
Fvck. Ang hina hina ko. Hindi ko mapigilan na kamuhian ang sarili ko. Wala akong nagawa! Ang hina ko!
Pinahiga nila ako at tinurukan ng pang patulog. Wala na akong nagawa kundi mapapikit sa dahan dahan na pag gupo ng antok sa katawan ko.
Hindi ko alam kung tama ang nakita ko pero naaninag ko pa ang mukha ni Warson. Dahan dahan kong ibinuka ang bibig ko para humingi ng tulong ngunit bigla nalang akong nakatulog.
----
I was awaken by a loud noise coming from my room. Unti unti ay iminulat ko ang mata ko at nakita ko ang masayang mukha ng mga kaibigan ko.
Inilibot ko ang paningin ko. Napag alaman ko na nasa hospital pa rin ako. Bumuntong hininga ako dahilan para mapansin nila ako.
Unang lumapit sa akin si Rosas. "Gising ka na Buhangin!" Lumabas si Kzer para tawagin marahil ang doctor. Pinalibutan ako ni Warson, Rosas at Baifrincess.
"Gising ka na. Musta tulog mo 'pre? Buti di ka natuluyan?" Nakangising tanong ni Rosas.
Hindi ako sumagot at napatingin sa orasan. Ilang oras ba ako nakatulog? Napansin ni Warson ang pagtingin ko sa orasan kaya nagsalita ito.
"Dalawang araw ka ng tulog Sandrex."
Bumalik ito sa pagkaka upo at dumi kwatro. Kinuha ang magazine at inilipat lipat ito.
Napayuko ako. Ikinuyom ang palad dahil sa frustration. Napaka walang kwenta ko talaga. Ano ng mangyayari kay Sandra? Sigurado akong inilayo na ito ni Harvey at mahihirapan akong muli na hanapin siya.
Nangako ako sa sarili ko na aalagaan ko siya alang alang sa magiging anak namin. Pero anong nangyari?
Napa angat ako ng tingin ng maramdaman ang pagtapik sa balikat ko. I saw Baifrincess smiling at the right side and Rosas grinning on the other side.