Sandrex

93 4 0
                                    

Sandrex.

"May pinapainom na ibang gamot kay Warson kaya hindi siya magising gising." Paliwanag ni Tita Bettina sa amin ni Kzer.

Ito ang nalaman niya ng minsang nag 50 50 ang buhay ni Warson. Nahuli na rin ang nurse na nagbigay dito pero bago pa ito makapagsalita ay pinatay na nito ang sarili nito.

Fvck it. Buti nalang hindi natuluyan si Warson. Hindi pa rin namin kilala ang gustong ipapatay kami.

"Paano ba nakapasok ang nurse na yun Ma." Tanong ni Kzer sa kanya. Matagal bago nakapagsalita si Tita Bettina. Nagkatinginan kami ni Kzer. Lately ay siya na ang palagi kong kasama dahil hindi pa rin gising si Warson. Si Harold ay hindi pa rin nagpaparamdam at nasa hospital naman ang anak ni Rosas.

Sa dami ng problema namin sa buhay ay hindi na nga kami makapagtrabaho ng maayos. Tangna. Kapag nakita talaga kung nasaan ang mga taong yun hindi ako magdadalawang isip na patayin sila gamit ng baril ko.

"Ayon sa hospital ay hindi talaga nila empleyado ang nurse na iyon. Nakipagpalit lang siya at binayaran ang isang on duty nurse. Pumayag naman ang isa dahil sinabi nito na kilala nito si Warson at nagpakilalang kaibigan nito."

Napailing nalang ako sa nalaman. Wala na ba talagang matinong gagawin ang tao ngayon.

Walang ni isa mang nagsalita sa amin. Hanggang sa magulat kami sa nagbukas ng pinto.

"Harold!!!" Sigaw namin ni Kzer.

Dire diretso itong umupo sa tabi ko at ininom ang tubig sa harap ko. Magulo ang buhok nito at may tumutubo na ring balbas. He looked like 2 times older than his age.

"Harold.. Saan ka naman nanggaling?" Tanong ni Tita Bettina sa kanya.

Tumingin ito at nakita namin kung gaano kapula ang mata nito. Sinindihan niya ang yosi na hawak niya at dire diretsong hinithit ito.

"Rest." Tipid na wika nito.

Lumunok ako ng mapabaling ang tingin niya sa akin. Ginapangan kasi ako ng takot pero hindi ko pinahalata. Nakakatakot naman talaga kasi si Harold dati pa.

"Pare, buti naman bumalik kana. Ang dami na kasing nangyari dito simula nung umalis ka." Wika ko.

Kumunot ang noo nito pero hindi ako pinansin. Fvck. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Harold.." Pagtawag ni Tita Bettina sa kanya. Tumayo ito at bago lumabas ng pinto ay narinig ko siyang nagsalita.

"I'll be gone for a month. Wag niyo akong hanapin. Bye." Wika nito at iniwan kaming naka nganga sa kanya.

Kakaalis lang niya at sasabihin niyang mawawala ulit siya? Abnormal ba yun? At saka di ba niya kakamustahin man lang si Warson? Nahanap niya na ba si Megan? Tss! Ang gulo talaga!

-----

"Sandrex.. " Lumingon ako sa pinto ng room ni Warson at nakita ko si Sandra na nakasilip dito. Napangiti ako at inalalayan siyang pumasok.

"What brings you here?" Nakita ko ang pag nguso niya at naalala ko ulit ang madalas niyang reaksyon kapag inaasar ko siya noon.

"I want some root beer, remember what were doing before?" Nanlaki ang mata ko na napatingin sa kanya. Nakangiti ito ng malaki sa akin. Naalala na niya ba ang lahat?

"N-naalala mo na ba ang lahat?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

Dahan dahan itong tumango sa akin at parang sumabog ang puso ko sa sobrang kagalakan. Tangna! Nananaginip ba ako?! Lord! Ayoko ng magising!

"Yes." She said happily. Hindi ko napigilan na mapatalon sa mukha at yakapin siya ng mahigpit. Tangna!

Tawa siya ng tawa habang iniikot ko siya ng iinikot. Ng bigla itong bumagsak at nakita ko ang pagtagas ng dugo sa ulo nito.

THE CHICKBOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon