Poging Labandero

112 5 3
                                    

Sandrex.

Kinuha ko ang lahat ng mga used clothes nila at inilagay sa tray. Hinubad ko na rin ang T-shirt ko at boxer nalang ang itinira. Tss. Mapapasubo tuloy ang tunay na kagwapuhan ko dito. Pfft.

Kinuha ko rin ang mini radio na nakita ko para sound trip mamaya. Langya kasi, hindi ako nakaangal kay Harold. Mas trip ko sanang mag shopping at least may makikita akong mga chicks.

Naabutan kong naka upo si Harold sa sofa at tila nasa malalim na pag iisip. May hawak itong walis at dust pan sa magkabilang kamay. Pfft. Huhulaan ko, di niya alam kung paano gagamitin yan no?

Pfft. Buti nalang ako. Hindi rin marunong gumamit niyan. Ang tunay na gwapo, ipinapaubaya ang lahat ng gawain sa babae. Pfft. Pwera nalang kay Sand- Tss. Nevermind.

Dumiretso ako sa likod ng rest house. Dito daw sila naglalaba. Naku naman. Buti nalang at may nakita akong washing machine. Napangiti ako. Di rin pala ako mahihirapan kasi alam ko 'tong gamitin. Anong akala niyo sa akin? Puro kagwapuhan lang? Well, gwapo ako pero marunong rin akong gumamit nito. Pfft. Oo nalang.

Binasa ko ang lahat ng damit nila. Damit pala namin kasi meron rin ako diyan. Hindi ko na siya tinanggal sa basket kasi hassle lang. Hehe. Mababasa rin naman yan. Binuksan ko ang washing machine at nilagyan ito ng tubig. First step palang 'to huh. Sabi ko naman sa inyo eh. Marunong akong maglaba. I'm Sandrex, the handsome laundryman. Pfft.

Naghanap ako ng sabon na panlaba. Hinalukay ko ang cabinet doon at hinanap ang sabon. May nakita ako. Ariel powder at bareta. Ang talino ko talaga! Alam ko pagkakaiba ng dalawa diba?

Pero ano nga ba ang inilalagay sa washing machine? Yung bareta ba o ang powder? Inilagay ko ang kamay ko sa ilalim ng baba ko. Kapag ganito ang mga nangyayari dapat natin paganahin ang meanie meanie mini mo. Tama.

"Meanie meanie mini mo. Ano kaya ang pipiliin ko dito. Babalik babalik sa kanya. Heto na." Napangiti ako ng tumapat ito sa bareta. Agad ko itong binuksan at natigilan ng may mabasa ako sa washing machine. Dapat daw ay parang pulbos ang ilalagay dito. Aaah..

Kaya kumuha ako ng bato at pinukpok ko ng pinukpok ang bareta hanggang sa naging pino ito. Kamuntik ko na ngang halikan ito dahil sa sobrang successful ng ginawa ko. Tangna' ang gwapo at ang talino ko. San ka pa?

Agad kong inilagay sa loob ng washing machine ang bareta na dinurog ko. Binasa ko ang transaction. Pagkatapos pala nito ay dapat haluin at ilagay na ang mga damit. Tss. No sweat.

Hinalo ko ang tubig na may bareta at agad na inilagay ang mga damit. Ipinaikot ko agad ito at umupo na sa gilid. Ganun lang pala kadali ang maglaba? Pfft, another achievement for Sandrex Manalo!

Binuksan ko ang radyo at naghanap ng magandang tugtog. Kaso mapaglaro ata ang panahon at wala akong nakitang may maganda na istasyon. Di ko pa maintindihan ang sinasabi nila kasi puro bisaya ang sinasabi. Tungnu lungs.

Hinayaan ko nalang siya tumugtog at inabangan na matapos sa pagikot ang washing machine. 5 minutes lang naman ang hihintayin ko at matatapos na rin ito kaagad.

Ano kayang magandang gawin habang naghihintay? Hmmn. Sumayaw? Pfft. Magaling kaya akong sumayaw.

"Watch me whip now watch me nae nae".

Watch me whip now watch me nae nae".

Ginaya ko ang sayaw ni Pareng Vhong at Billy sa showtime. At ganalingan ang pagsayaw. Aba. Nung high school ako, sasali dapat ako ng dance contest kaso umayaw ako bigla kasi naniniwala ako sa kasabihang "give chance to others." Pfft. Baka mamaya maimbitahan pa ako kay Ellen kapag sumikat na ako.

Napatigil ako ng tumigil sa pagtunog ang washing machine. Napanguso ako. Badtrip. Nag i-enjoy na nga ako ng pagsayaw natigil pa.

Habang kinukuha ang mga labahan na nasa loob ng washing machine ay napasayaw ako ng marinig ang pamilyar na tugtugin.

"Finally, Ariel happened to me. One wash clean sa laba coz its just 7.50. Finallyyyyy.. Whooooo! Finallyyyyy!"

Sumasabay ako sa indak at kumkembot pa. Nahawakan ko ang brief ni Rosas at pinaikot pa ito sa kamay ko. Pfft. Tungnu. Ilang beses niya kayang sinuot 'to? Pfft. Pati ba naman 'to di sila marunong maglaba? Mga adik talaga.

Ng matapos ay inilagay ko naman ang next batch. Dalawang basket ang labahan namin. Pambihira kasi, dalawang araw- I mean pangatlong araw na to namin pero daig pa ang mga babae sa dalas ng pagpalit ng damit. Tss. Ang tunay na gwapo lang dapat ang gumagawa nun. Pfft.

Plinano kong maya maya nalang rin banlawan ang lahat ng iyon. Dapat kasi, nagtitipid rin tayo ng tubig. Maya maya ay natigil na ang pag andar nito. Kinuha ko agad ito at inilagay sa basket. Nakita ko kasi 'to dati sa katulong nila Mom.

Dapat banlawan ang lahat kapag natapos na. Pfft. Ibinuhos ko ang laman ng washing machine at nilagyan ulit ito ng tubig. Babanlawan 'to diba? Pfft, ng mapuno ang washing machine ng tubig ay agad kong inilagay ang lahat ng nilabhan at agad na pinaikot ito.

Napasigaw ako ng matalsikan ako ng tubig. Tungnu. Nabasa ang hot ko na katawan! Pinatigil ko ang washing machine at inilabas ang lahat ng labahan. Inilagay ko siya sa isang batya na puno ng tubig. Isa nalang ang alam kong pwedeng gawin.

Hinugasan ko ang paa ko at inapakan ang labahan. Alam ko 'to eh. Napapanood ko 'to sa TV. Pfft. Sinabayan ko pa ito ng sayaw ng umulit sa pagtugtog ang Ariel craze. Pfft.

Ng matapos ay sinampay ko ito sa sampayan. Tila tinakasan ng kulay ang mukha ko ng makita ang resulta ng nilabhan ko. Tungnu! Bakit naging color black at red at puting polo ni Warson?!

Yung white jersey short ni Harold ay nahaluan ng black color stain! Yung T-shirt ni Kzer na namanstahan rin. Yung brief ni Rosas naman ay may nahaluan ng kulay pula at ang paborito kong polo shirt na binili ko na nagkakahalaga ng 10,000 dollar ay nahaluan ng kulay dilaw na stain! Waaaaaah!

Lahat ng nilabhan ko ay may mansta! Waaaah! Nanghihinang napaluhod ako sa harap ng mga nilabhan ko. Hindi maari 'to! Hindi! Kailangan may gawin ako. Tama.

Tumayo ako at inilagay ang daliri ko sa ilalim ng baba. Naglakad ng parito't pabalik. Tungnu, katapusan na ba ito ng maliligayang araw ko sa mundo?

Mawawalan na ba sila ng nagpapatunay ng tunay na kagwapuhan dito sa earth? Paano nalang ang buhay ng mga chicks na umaasa sa aking sarili kung mawawala na ang makisig na si Sandrex?

Hindi. Hindi maari ito.

May nakita akong pintura sa gilid ng washing machine. Teka? Wala naman ito kanina. Ipinilig ko ang ulo ko. Alam ko naman na ito ang sagot ng langit sa aking napaka laki na problema.

Agad kong kinuha ang brush at agad na in-apply ang pagiging artistic ng gwapong katulad ko. Ito na talaga ang tunay na gwapo. Matalino at makisig pa. Pfft.

Nangingiti akong pumasok sa loob ng bahay. Oras na para tulungan ng napaka kisig na si Sandrex ang nangangailangan ng tulong na si Harold.

Nakasimangot ito at pawisan. Umupo ako sa tabi niya at bago pa ako makapagsalita ay may sumigaw sa labas.

"Tangna! Anong nangyari sa damit ko!" Humahangos na wika ni Kzer.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa kwarto ko. Pero napabilis ang lakad ko ng biglang sumigaw rin si Harold. Tangna' ang tunay na gwapo, hindi nagpapahuli sa mga taong kinauutangan niya ng paliwanag. Pfft. Bahala sila diyan. Hahaha!

=======

THE CHICKBOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon