Rosas.
Nagkayayaang mag road trip kami sa Iloilo. Dumating kasi ang anak ng caretaker na nagaaral sa pinakasentro ng Iloilo. Marine ito at alam ang pasikot sikot sa buong lugar.
"Manang? Kayo nalang po muna ang bahala dito ah!" Sigaw ni Sandrex. Masayang tumango si Manang at kinawayan lang kami. Sakay kami ng isang Van at si Harold ang nagda drive.
Pfft. Hindi pa nga sana sasama iyan kung hindi lang siya namin pinilit. Nag promise kasi kami sa kanya na papakainin talaga siya ng tunay na pagkain kapag sumama lang.
Pang lima na naming araw ito ngayon at puro de lata lang ang nakakain namin. Kaya nga ng magdala si Manang care taker ng gulay na laging niluluto dito ay naparami ang kain naming lahat.
Napanguso pa nga ako nun. Masarap naman ang niluto ko nun. Mga adik lang talaga sila. Hindi sila kumakain ng mga pampoging pagkain. Ang aarte amputik.
"Oh? Juan? Saan ba tayo?" Excited ko na tanong. Bar kasi would mean chicks, drinks and dance floor to me. Sayang nga't hindi ko maisusuot ang lucky brief ko. Langya kasing Sandrex yan, minanstahan.
"Sa smallville nalang po. Yan po ang lugar dito na puro bar at restaurant ang nakapalibot." Magalang na wika nito. Pfft. Natatawa pa nga ako dahil may bahid pa ng bisaya ang paraan ng pagsasalita nito ng tagalog. Tumahimik nalang ako at hindi na nagsalita pa.
"Buti nga umuwi ka eh. Kung hindi, baka hindi na kami makarating sa smallville na tinatawag mo." Kumikislap rin ang mga matang wika ni Warson. Tss. Malalaman mo talaga sa amin kung sino ang mahilig mag bar.
"Ano ba ang magandang pasukin na bar dun?" Tanong ni Kzer. Katabi ko siya at nasa likod naman si Sandrex at Warson na sitting pretty na nakaupo. Nasa harapan si Harold na driver at si Juan bilang tour guide.
Mga 2pm kami umalis ng bahay. At puro kahoy o kagubatan ang nadadaanan namin.
"MO2 Ice po. Magaling mag mix ng songs yung mga DJ at maraming dumadayo dun. Kahawig kasi nito ang mga bar rin sa Manila." Paliwanag nito. Tumango nalang ako at tumingin sa bintana. Puro bundok kasi ang nadadaanan namin dito. Ngayon ko lang talaga naapreciate ang ganda ng kalikasan. Puro kapogian ko kasi lagi ang nakikita ko. You know, nakakasawa na rin paminsan minsan. Pfft.
"Malapit lang ba ang mga malls dun? Tingin ko kasi di appropriate ang suot ko ngayon." Tanong ni Sandrex. Lumingon ako sa likod at tinaasan siya ng kilay. Naka leather jacket siya na black at white T-shirt underneath. Black shoes at black pants. Pfft. Mukha siyang bad boy na dadalaw sa patay.
"Okay na naman yan Kuya. Sigurado akong pagtitinginan ka dun." Nakangiti naman sagot ni Juan. Kita mo 'to, ang galing rin sumipsip eh.
Inabot pa kami ng ilang oras bago narating ang sinasabi niyang sentro ng Iloilo. Tangna' nakarating na kami dito eh. Yung time na hinahanap namin si Sam pero si Maegan na kakambal nito ang nakita namin.
Kinalabit ko si Warson at tila natigilan ng makapasok ang van namin sa arc ng small ville. "Dito sa lugar na ito natin nalaman kung nasaan sila Sam noon diba?" Natutuwang wika nito.
Tumikhim si Harold at umiwas ng tingin. "Pare? Nu problema mo?" Tanong sa kanya ni Sandrex na natatawa. Umiling ito at pinatay na ang makina. Ng makababa kami ay nag inat agad kami. Ang tagal kaya naming umupo.
"Whooo! Kain muna tayo ng matinong pagkain!" Sigaw ni Kzer at nagkatawanan kaming lahat. Napagpasyahan namin na kumain sa Ramboy's Lechon. Ito ang itinuro ni Juan dahil masasarap daw ang pagkain dito. Mabuti na lamang at tumatanggap sila ng payment through credit cards. Libre ulit kami ni Harold. Pfft.
Marami rami rin kaming in order at pinaka marami ata ay ang kanin. Grabe naman kasi, kung hindi sunog ay lata naman ang kanin namin. Pinaliwanag ko naman na sa kanila na nagmamanage lang ako ng restaurant doesn't mean na marunong na agad akong magluto. Pfft. Batok lang ang isinagot nila sa akin.