Sandrex.
Dahil sa sobrang inis sa nangyari ay lumabas ako ng kwarto ni Warson. Nagpaalam na rin kasi si Rosas at may gagawin pa daw ito sa bahay nila. Tss. Tatay na kasi kaya ganyan.
Umakyat ako sa rooftop ng hospital at napamangha ng makita ang stars na nagkakalat sa kalangitan.
Sumalubong rin sa akin ang malamig na hangin na nagbigay ng lamig sa buo kong katawan. Hinawakan ko ang railings at tinanaw ang buong syudad.
Napabuntong hininga ako. Gusto kong sumigaw ng pagkalakas lakas. I wanted to shout what I am feeling. Kaso nakakabading kaya hindi ko nalang ginawa.
I remember again what happened earlier. Nagkita muli kami ni Sandra at ganun pa rin yung tibok ng puso ko kapag nakikita siya. Tss. Seriously?Naka move on na nga ako diba?
Hindi niya ako kilala kaya sumuko na rin ako. Ayoko ng ipilit pa ang sarili ko sa taong kinalimutan ako ng ilang taon. Oo nga at may sakit siya pero hindi naman sapat yun para makalimutan na ako ng tuluyan. Nandyan ang mga magulang niya para sabihin ang tungkol sa amin pero hindi nila ginawa.
"Hay buhay! Parang life!" Tumingala ako at inihilamos ang kamay ko sa mukha. Tss. Hindi ko alam pero nababanas talaga ako ngayon. Pasuntok nga ako.
Dumagdag pa si Harold. Tama ba na hiwalayan niya si Irish dahil hahanapin niya ang kapatid niya? Cool off na nga sila diba? Nakakaawa lang kasi.
Kailan ba kasi kami liligayang lahat? Hanep kasing tadhana yan, lakas mantrip. Sabay sabay binibigay mga problema namin.
"Any problem?" Napahawak ako sa dibdib ko ng may nagsalita sa likod ko. Lumingon ako and then I saw Sandra holding a root beer.
Hindi ko siya sinagot at hinayaan siyang magsalita. Wala akong paki. Mabuti na nga lang at hindi na ito muli pang nagsalita.
"I'm sorry." Basag niya sa ilang minuto naming katahimikan. Lumingon ako sa kanya at nakayuko itong pinaglalaruan ang root beer na hawak. Napangiti ako sa ideyang hindi pa rin pala nagbabago ang hilig niya. Buti pa nga yun natatandaan niya. Habang ako hindi.
"Bakit ka nagso sorry?" I asked her.
Humugot ito ng malalim na paghinga at nagsalita. "Kasi kahit hindi kita kilala talaga feeling ko may kasalanan ako sayo. Kapag nakikita kitang kasama ng ibang babae ay kay bigat bigat ng pakiramdam ko. Bakit ganun? Parang dinudurog ang puso ko kapag nakikita kitang nalulungkot." Mataman itong nakatitig sa akin habang sinasabi ang bawat kataga na iyon.
Kahit ganun ay apektado pa rin ako ng pinagsasabi niya. I can still feel the same abd familiar pain I felt when she left me before.
Lumapit siya sa akin at napapikit ako sa ginawa niyang paghaplos sa mukha ko.
"Sandrex.. Ano ba talaga kita dati? Are we really connected? O baka bunga lang to ng mga magulong imahinasyon ng utak ko?." Mahinang usal niya pero sapat na para marinig ko. Mas lumapit pa siya sa akin at naamoy ko na ang pabangong kinaadikan ko noon.
Naamoy ko rin ang mabango niyang hininga at ang mabining pagtaas baba ng kanyang paghinga. Wala sa sariling napapikit ako. I wanted to kiss her right now.
"Sandrex.." Pagtawag nito sa akin sa mahina niyang boses. Kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko. Ayokong may nangyari na baka pagsisihan rin namin sa bandang huli.
Tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa mukha ko at humakbang paatras. No, hindi dapat ako magpadala sa tukso. Hahalikan ko lang siya kapag maayos na ang lahat sa amin. Iginagalang ko naman siya kahit papano.
Kitang kita sa mukha nito ang sakit na naramdaman nito. I can also feel that Sandra. Gusto kong sabihin sa kanya pero walang lakas ang bibig kong magsalita. Tila napipi ito sa nangyayari.