Father and Son

137 5 0
                                    

Rosas.

Inii scan ko ang mga reports na ibinigay sa akin ng manager sa restaurant namin ng makita ko si Mommy. Papasok ito ngayon sa opisina ko.Napakunot ang noo ko. Ano naman kaya ang gagawin niya dito?

Tumayo ako para pagbuksan siya. "Mommy." Bati ko sabay halik sa pisngi nito. Ipinaghila ko siya ng upuan sa harap ng working table ko.

"What brings you here Mom?" I politely asked. Itinabi ko muna ang papers at kinausap muna siya. "Juice or coffee?" Tanong ko.

"Coffee please." Utos nito. Tumawag ako sa phone sa kitchen at sinabi ang gusto ni Mom. Humarap ako sa kanya pagkatapos.

"Why are you here Mom?" Tanong ko.

Luminga ito at kumunot ang noo. "Where's Nicholas?"

Gustong gusto pala nila si Nicholas. Kahit hindi pa man nila alam kung totoo ko nga na anak si Nico ay malapit na agad ang loob nila dito. Kaya nga gustong gusto agad nilang malaman ang totoo. Naninigurado naman ako sa kanila na hindi ko talaga anak yun.

"Nasa mga kaibigan ko. Hiniram nila, di na nga umuwi. I think that's better. Para makapag focus ako sa trabaho ko." I said. Mas lalong kumunot ang noo nito sa akin.

"Rosas, kamukha mo nga talaga ang bata. Bakit hindi mo makita yun?" Naiinis na wika ni Mama. Ayan yung mahirap sa kanila, masyado nilang ibinibigay ang atensyon kay Nico. Tss. Mahihirapan sila kapag nalaman na hindi ko naman talaga anak si Nico. Masasaktan sila dahil umaasa na sila.

May mga ganun naman talaga. May mga taong nagiging kamukha mo kahit hindi mo kaano ano. Kaya kahit ayokong pumayag sa DNA test nila ay napapayag na rin ako. Nagsasayang lang sila ng pera nila.

"May mga magkakamukha naman talaga Mom." Paliwanag ko.

Kinuha nito ang coffee na inihatid at sumimsim ng kaunti. "Paano kapag anak mo nga talaga si Nico?" Tumawa ako ng mapakla.

"Its impossible Mom." Sambit ko.

"Paano nga?" Tss. Ang kulit ni Mama. Tss.

"Hindi nga."

Tumayo ito at akma akong hahampasin. "Paano nga?!" Sigaw nito.

"Edi tatanggapin ko. Hahanapin ko yung walang kwentang nanay niya na pinayagan siyang umalis." Naiinis kong wika.

Ngumiti si Mama at may inilabas sa bag niya na brown envelope. "Kailangan mo 'tong makita Rosas." Kumunot ang noo ko at kinuha kay Mom ang envelope.

"Ano ba 'to Ma?" Iritado kong tanong. Ang dami naman kasing paligoy ligoy ni Mom.

"Just open it." Utos nito at ngiting ngiti.

Dahan dahan ko itong binuksan. At biglang nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Fvck! Paano nangyari 'to? May nabuntis nga talaga ako?!

"See? Nicholas is your real son." Nakangiting sambit ni Mom. I'm running out of words to say. Fvck talaga! Paano yun? I always had a safe sex with girls. At nagsimula lang akong manloko talaga ng hindi matuloy ang kasal namin dahil buntis siya.

"Mom? How old Nico again?" Tanong ko.

"He's five years old." Sagot naman nito. Napasabunot ako sa sarili ko. Hindi naman pwede na maging anak ni Sophiya 'to. 3 years palang ng huli kaming magkita. And it's not even my child.

Argh! Ano ba 'to? Naguguluhan na ako.

"Bring Nico back to our house. We need to take care of our grandson." She excitedly said.

Hindi na ako maka angal ng mabilis itong umalis palabas ng opisina ko. Tss. Wala sa sariling napasabunot ako. Wala na akong magagawa kundi sumunod sa kanya.

THE CHICKBOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon