Tukso.. Layuan mo ako.

112 4 0
                                    

Harold.

Matapos akong kausapin ng baldadong lalaki na iyon ay lumabas na ako ng pinto. Gusto kong hilain si Irish palabas dun para hindi siya masolo ng walangeya na Jacob na yun pero hindi ko magawa. Tungnu lungs dubu?

Dumiretso ako sa kwarto ko para mag ayos ng gamit ko. Napasimangot ako ng makita ulit ang mga damit na inilagay ng dalawa sa maleta ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nagpauto ako sa dalawa. Tss.

"Tatayo ka nalang ba diyan?" I looked down at nakita ko ang nakasimangot na mukha ni Jenny. Mukha siyang dwende at naiinis ako sa paraan ng pagtingin niya.

"Sorry po." Hinging paumanhin ko. Yumuko ako at hindi na siya tiningnan pang muli.

Naiintriga ba kayo kung ano ang sinabi ng baldadong Jacob na yun? Sinabi lang naman niya kung ano ang mga gagawin ko as their personal julalay. Hindi ko naimagine ang sarili ko noon na magiging alalay ng ibang tao.

Okay lang naman kung si Irish lang pero sumama pa ang epal na Jacob na yun. Akala mo kung sinong gwapo. Palibhasa kasi ginagamit lang ang yaman para makuha ang gusto.

Magmamanman muna ako sa kanya. Nasi-sense ko talaga na may iba pa 'tong pakay bukod sa pagkuha kay Irish bilang private nurse eh. Balak niya ba kami gantihan sa ginawang pambubugbog namin sa kanya? Lasing kaya ako nun.

Tss. Akala naman niya magsi selos ako sa ginagawa niyang pakikipaglapit sa fiancée ko. Huh! Yun ang akala niya. Hindi ako nagsi selos.

SELOS NA SELOS AKO! TUNGNU NIYA! DAGDAGAN KO PA ANG PAGIGING BALDADO NIYA EH! KALBUHIN KO PA PARA SWABE ANG DATING!

Huminga ako ng malalim at kinuha ang picture namin ni Irish sa wallet ko. Picture naming dalawa 'to ng engage na kami. Hinalikan ko ito at dinala sa dibdib ko. Namimiss ko na talaga ang yakap at halik niya sa pisngi ko. Hayss. Bakit ba kasi ako pumayag sa cool off thingy na yan. Hindi ko na rin sana magagawa ang pagpipretend as Ana Magaslaw.

Tss. Sila Rosas rin ang nag isip ng pangalan na yan eh. Psh.

Natitiis tuloy niya na hindi ako makita for two months. Buti nalang at naging henyo si Harold at naisip kong sumabay sa agos ng kalokohan ng dalawa. Pero ayoko pa rin ang suot ko na long skirt. Para tuloy akong bagong tuli.

I answered my phone when it rings.

"Yow! Harold! Kamusta?" They asked. Nakita kong 3pm na ng hapon. Gaano ba ako katagal na nagmuni muni?

"Ayos lang." Tipid ko na sagot. Sinimulan ko ng ayusin ang gamit ko at ilagay sa aparador.

"Nakita mo na ba si insan? Anong lagay mo diyan? Magpapadala na ba kami ng back up?" Sunod sunod nilang tanong.

Tumawa ako ng mahina. "Nakita ko na siya. Ayos lang ako. At wag na. Kaya ko 'to." At tumawa sila ng malakas. Hindi naman ako nagbibiro ah? Kailan ba ako nagloko? Mga adik.

"Haha! Sige! Nagtatanong na kasi si Maegan ng whereabouts mo. Alam mo naman na mahal ko ang kapatid mo kaya nasabi ko. Hehe." Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.

"Bakit mo naman sinabi? Tss." Inis kong tanong. Maingay sa paligid. Sigurado akong nasa opisina pa 'tong mga 'to.

"If I promise that "I won't tell it to anyone", don't think that my fiancée is counted. Hehe. I'm just being honest with your sister." I groaned in annoyance. Leche.

"Pero pinangako naman niya na hindi niya sasabihin yun kahit kanino." Dagdag pa nito.

"If a girl promise that she won't tell it to anyone, her best friend is not counted. Same as what you said awhile ago bro." I hissed.

THE CHICKBOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon