Rosas.
"Old man!" Napangiti ako ng sinalubong ako ng anak ko pagkarating ng bahay. I carried him and hug him so tight. Namiss ko na 'to kahit ilang oras pa lang kaming hindi nagkikita.
Ayaw kasi siyang pasamahin ni Mom. Gusto niya raw kasing magka quality time kasama ang una niyang apo. Tss. Like duh~~ Akala naman niya mag aasawa pa ako? Pfft. Okay na ako kay Nico.Pero di ibig sabihin nun na matitigang na ako forever. Manlalandi pa rin ako ng patago. Pfft. Patago para hindi ako tularan ni Nico.
Gusto kong maging faithful siya sa magiging asawa niya sa susunod. Hindi ko gusto maging pabaya siyang ama sa magiging anak niya. Gusto ko may ka-forever siya at hindi tatayong mag isang magulang.
Pfft. Tatawa ang mga ugok kong kaibigan kapag nalaman 'tong iniisip ko. Imagine? Ang gwapong Rosas na 'to ay mag iisip ng ganung katalinong bagay?
Tss. Wag nga kayo. Alam ko ng gwapo ako. Wag niyo ng ipagkalat pa. Pfft.
"Tss. You're spacing out again. What are you thinking old man?" He asked. Napangiti ako sa kanya at ginulo ang buhok niya. Ngumuso naman ito at humalikipkip.
Minsan iniisip ko na talaga kung bakit parang kay gwapo talaga ng lahi namin. Ang gwapo ko kasi at ni Nico.
"Nothing. I am just thinking about your future. Alam ko kasing gwapo ka kapag lumaki." Wika ko. Nag smirked ito. Aba? Saan niya naman natutunan yan?
Ibinababa ko siya ng maglikot siya. Tumayo siya ng diretso at namewang. "Of course old man. Lalaki akong mas gwapo pa kesa sayo." Pagmamalaki nito.
Natawa ako at hinawakan ang kamay niya. Hinila ko siya papunta sa sala kung nasaan sila Mom. "Laro tayo ng Xbox?" I asked on him. Lumaki ang mata nito at agad akong hinila palapit sa paglalaruan namin. Pfft. Di siya excited ah.
"Yehey! I'm so excited!" Sigaw nito. I greeted my Mom and Dad before I turned my full attention to Nico. It's about Father and Son quality time now.
Kasalukuyan kaming naglalaro ng marinig ko ang pagtunog ng door bell. Hinayaan ko nalang na ang katulong ang magbukas dahil pinangako ko na bibigyan si Nico ng magandang laro.
I don't want him to disappoint.
Mananalo na sana siya sa karerahan namin ng may marinig kaming matinis na sigaw na nagpa freeze ng likod niya.
"Nicoooo!" Napalingon ako at nakita ko si Venus na naka open arms na papunta sa amin. Nakasunod dito ang nakangiting si Warson at Maegan. Napadalaw ata ang dalawang 'to?
Agad na nag back hug si Venus kay Nico at nakita ko kung paano namula ang buong mukha ni Nico dahil dito. Pfft. Lumalab layp ang anak ko. Kenekeleg nemen eke.
"Namissh kwita Nicoo. Namissh mwo din ba kwo?" Tanong ni Venus dito. Nakipag fist bump ako kay Warson at nginitian ko si Maegan. Bawal humalik sa pisngi niya eh.
Buti nga nagbati na rin ang dalawang 'to. Hindi kasi sila maayos nung pumunta kami sa Isla noon.
"Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito bro?" Nakangisi kong wika. Sumimangot ito at ininguso si Venus na ngayon ay tuwang tuwa na nakayakap sa anak ko.
"Kanina pa kasi ako pinipilit niyan eh. Iyak ng iyak hangga't hindi nakukuha ang gusto niya." Sagot nito. Bumati ito kila Mom at umupo sa sofa.
Nagpaalam naman sila Dad na aasikasuhin muna ang table for dinner. Niyaya niyang dito nalang mag dinner ang dalawa.
"Tigilan mo nga ako Venus. Ayoko sayo. Bulol ka." Inis na wika ni Nico. Pilit nitong tinatanggal ang naka glue na atang kamay ni Venus sa kanya. Hindi ko mapigilang mapa ngiti.