Sandrex.
Sinundo kami ng helicopter nung Sunday ng umaga. May hang over pa kami nun dahil sa sobrang pag inom. Tangna' ang sakit ng ulo ko dahil dun.
Ibinaba kami sa rooftop ng Villamor Corporation.
"Sir.. This way po." Nagtataka man dahil sa dami ng mga nakaputing suit na lalaki ay sumunod kami sa kanila.
"Psst. Ano na naman kayang drama ni Tita Betins?" Bulong ni Rosas sa akin. Malapit lang ang tenga niya sa akin kaya nakikiliti ako banda dun. Ang tunay na gwapo, pati kaibigan mo naniniwala sayo.
"Malay ko." Masungit ko na sagot. Inirapan niya lang ako at si Warson naman ang kinulit. Kanina ko pa napapansin ang pangiti ngiti niya habang nakatingin sa phone niya. May nangyari ba sa akin kagabi?
"Pfft. Baka naging artista na tayo 'bro." Natatawang sagot ni Warson. Tila nagliwanag naman ang mata ni Rosas at hinawakan ang ilalim ng baba niya. Tingnan mo nga naman, naniwala ulit sa kasinungalingan ni Warson. Tss.
"Asa ka pa Rosas." Matigas na wika ni Kzer. Inirapan lang ito ni Rosas at nagmadaling maglakad. Mabilis rin naman naglakad ang mga bodyguard para alalayan siya. Pfft. Ano yan? Lumpo? Pfft.
"Teka naman Kuya! Kaya ko ang sarili ko. Wag mo na akong alalayan." Sigaw ni Rosas dito. Nauna itong maglakad at inalalayan pa rin siya ng mga ito. Pfft.
"Rosas. Hayaan mo nalang sila. I'm sure Tita Bettina will explain this all later." Paliwanag ni Harold. Nagkibit balikat nalang ako at sumunod kay Harold. Alam naman niya ang ginagawa niya kaya sumusunod kami. Utak kaya ng grupo yan.
"Tss. Si Harold na naman." Reklamo ni Rosas dito. Tinapik ni Warson ang balikat nito at inanyayahan na sumunod nalang. Ngumuso ito at nagsimula ng maglakad. Pft. Ang dami pa niya kasing arte.
Pumasok kami ng elevator at may dalawang bodyguard na sumama sa amin. Hindi ko pa rin talaga malaman ang tunay na dahilan kung bakit may bodyguard chuchuvareche dito. Hindi naman kailangan ng bodyguard ng tunay na gwapo.
"Kuya? Nasan po ba si Mom?" Tanong ni Kzer dito. Hindi siya pinansin ng bodyguard at narinig namin ang pagtawa ni Rosas. Abnormal din 'to eh.
"Pfft. Feeling close lang Kzer? Pfft." Pang aasar nito dito. Sumimangot lang si Kzer at hindi ito pinansin.
Maya maya ay nakarating na kami sa conference room. Nakayuko si Tita Bettina at seryosong nakatingin sa papel. Umupo ako sa sofa kahit hindi pa niya sinasabi. Hehe. Ang tunay na gwapo, hindi takot mapagalitan.
"Sandrex? Did I tell you to sit down already?" Tita Bettina asked. Agad akong tumayo at tumingin sa kanya. At naramdaman ko agad ang pag nginig ng tuhod ko. Tangna' binabawi ko na. Ang tunay na gwapo ay marunong rin matakot.
Narinig ko ang pagpipigil na tawa ni Warson at Rosas. Tss. Ikinagwapo ba nila ang pagtawa nila? Hindi naman kaya lugi rin sila sa pagtawa.
"Sit down boys." Umupo kami. Tss. Uupo rin naman pala kami pagkatapos. Tss. Nasayang tuloy ang effort ko.
"Tita Betins! Bakit po kami sinundo ng bodyguard niyo? Artista na po ba kami?" Rosas asked. Nakangiti pa ito ng malaki. Mutanga lang.
Tumaas ang kaliwang kilay niya kaya I'm sure na hindi siya sasakay sa mga biro nito ngayon. Seryoso si Queen.
Tumikhim si Harold. Kaya kailangan ng manahimik ni Rosas. Binatukan siya ni Kzer at ngumuso ito. Pinandilatan siya ni Warson kaya tumahimik rin. Pfft. Takot pala siya eh.
"Wala akong panahon para sa mga biro niyo boys." Tumikhim ako at umayos ng upo. Namamawis na rin ang mga kamay ko. Grabe talaga magpakaba si Queen.