Warson
Matapos kong magturo sa Lee University ay dumiretso agad ako sa President's office. I heard na dito dumiretso si Irish. Aba, ang tagal ko ng hindi nakikita ang pinsan kong yun. Napaka workaholic naman kasi.
She is the Dean of Nursing Department here pero dun sa President's office siya madalas na manatili. Mas alam niya kasi palakarin yun kesa sa kapatid niyang lalaki. Pero tinuturuan na naman niya ito.
Ng makarating ay nakita ko siyang nakaupo sa sofa. Nagbabasa ng libro. Tiningnan ko ang title nito, How to become a good wife to your husband. Interesting. Pfft. Ready na ba siyang maging Mrs. Harold Cruz? Pfft.
Hinablot ko ang libro niya at nakita ko ang pagkunot ng noo nito.
"Ibalik mo nga sa akin yan." Utos nito. Tumayo ito at itinaas ko agad ang libro para hindi niya maabot. Hehe. The advantage of being tall. And the disadvantage of being small. Pfft.
Humihingal ito ng umupo. "Pfft. Hiningal ka na agad? Tss. Ambilis mo talaga mapagod." Pang aasar ko sa kanya.
Sinamaan lang niya ako ng tingin. Umusog siya ng tumabi ako sa kanya. Hulaan ko may problema 'to ngayon.
Siniko ko siya at nagsalita. "May problema ka no?" Muli itong sumimangot.
Siniko ko ulit siya. "Huyy. Parang hindi naman tayo magpinsan niyan. Hulaan ko, may problema kayo ni Harold noh?" Napangiti ako ng makitang mas lumukot ang mukha nito.
Inilagay nito ang mga braso sa ibabaw ng dibdib. Lagi nalang akong tumatama. Pfft. Magkikwento na rin naman yan mamaya.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Hindi ako nagawang masundo ni Harold kanina. Okay lang naman sa akin yun kaso naiinis pa rin ako." Kumunot ang noo ko.
"Huh? Bakit naman?" Tanong ko.
"Nalate kasi siyang gumising kanina. Masyado ata siyang nawili sa batang yun." Nangalumbaba ito at bumuntong hininga ulit.
"May anak na pala si Harold? Naku naman.. Ang bata mo pa para maging step mom." Biro ko at tumawa mag isa.
Inirapan niya ako at hinampas ng papel na nirolyo niya. "Abnormal ka talaga. Yung anak ata ni Rosas yun. Tss. Nakakaselos tuloy." Wika nito.
Pfft. Bata? Pinagseselosan niya? Di talaga kinuha ni Rosas yung anak niya na yun? Di naman ata tama yun. Bata pa rin yun kahit papano. Sensitive at naghahanap ng kalinga mula sa ama. Pfft. Adik kasi. Masyadong maloko sa babae.
"Bata yun pinagseselosan mo? Pfft." Natatawang wika ko. Napa aray ako ng hinampas niya ulit ako. Tss. Nakakadalawa na 'to huh.
"Kasi naman eh, ngayon lang nangyari na hindi niya ako nasundo." Reklamo nito at umayos ng upo.
Inakbayan ko siya. "Alam mo, may sarili rin naman kasing buhay si Harold. Hindi lang naman sayo umiikot ang mundo niya. He has a family to support with, hindi lang naman ikaw ang mag isa niyang pinoproblema." Wika ko.
Hindi ito nagsalita kaya nagpatuloy ako sa pangangaral. "Minsan kasi kapag nasanay tayo sa atensyon nila, parang hindi mo na kakayanin na hindi siya makita kahit isang araw lang. Give him a break Irish. Sa nakikita ko kasi sa inyong dalawa. Siya nalang palagi ang sumusunod sayo. Balak mo ba siyang i-under?" Natatawang tanong ko.
Pinalo niya ulit ako sa braso. "Hindi no! Limang taon rin naman kasi kaming hindi nagkasama kaya gusto ko sa akin naman lahat ng atensyon niya." Nakangusong wika nito.
Lumayo ako sa kanya at hinarap siya. "Kapag kinasal na kayo, nasa iyo na naman ang lahat ng atensyon niya. Ilang buwan nalang naman ang natitira ah? Nagmamadali ka ba?" Tanong ko.