Kzer
Tinungga ko ang alak na nasa baso. Isinabay ko ang ulo ko sa pag beat ng music. Yeah. This is what you call life.
Hinapit ko ang bewang ng babae palapit sa akin. Humagikhik ito ng inilapit ko ang ilong ko sa tenga niya.
She smells like B. I smiled bitterly. Si B na naman iniisip ko. Nandito nga ako sa bar para makalimot diba? Bakit siya pa rin ang iniisip ko? Tss.
I should forget her now. Naramdaman ko ang pag gapang ng kamay ng babae sa hita ko. Naughty girl. Lumawak ang pag ngiti ko ng tumaas pa ito.
"Someone's getting laid tonight!" Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang close friend kong si Ken. Umayos ako ng upo at humiwalay ng kaunti sa babae.
I don't really know who's this girl. Lumapit lang siya sa akin at sino ba naman ako para umayaw diba? Ang grasya hindi dapat sinasayang.
"Why are you here Ken?" I asked. Ibinigay niya sa akin ang bote ng alak at agad ko itong tinungga.
Tumawa ito. "Why? Ikaw na ba may ari nitong Padis? Pfft."
I raised my middle finger to him. He just laugh and call the waiter to order for more. "So, how's life Kzer?" tanong nito.
Bago ako sumagot ay hinila ako ng babae at binulungan. Ngumisi ako ng inilagay nito ang number nito sa bulsa ng pantalon ko. She is such a tease. Fvck.
Lumingon ako kay Ken na kay lawak ang pagkakangiti sa labi. "My life? As you can see it's fine." Isinandal ko ang sarili ko sa sofa at dumekwatro.
Ngumisi ito. "Yeah. Nakikita ko nga, nga pala. Saan na pala yung bestfriend mo? Himala di mo kasama ngayon?" Tanong nito.
Biglang nawala ang ngiti ko sa labi. Ang galing nga naman na tumiming ng tadhana. Kung kailan mo siya gustong iwasan at kalimutan saka naman ipapaalala ng ipapaalala sayo.
Sabagay, bestfriend kami at nasanay ang mga tao na kung nasaan ako ay nandun din siya. Ganyan kami ka attached, kaya nga masyado akong napamahal.
Fvck. Move on Kzer.
"Di naman bago yun. May sarili siyang buhay, ganun din ako." Tanging sagot ko.
"Huh? Bakit naman?" Tanong nito. Tiningnan ko siya ng masama. Hindi ba halata na hindi ako komportable sa topic? Tss.
Itinaas nito ang mga kamay nito. "Aw! Sorry man! Hindi ko sadya! Haha!" Ibinato ko sa kanya ang nuts na nadampot ng kamay ko.
Fvcking Ken. Hindi siya nakakatulong sa ginagawa kong paglimot. Tss.
"Ow! Speaking of your bestfriend! She's here Kzer!" Nguso nito sa likod ko. Nagawa pa nitong kumaway sa likod ko.
Umiling ako at kinuha ang baso ko. Inubos ko ang laman nito. Napangiwi ng maramdaman ang pait na sumaid sa lalamunan ko. Fvck.
Maya maya ay biglang lumakas ang tibok ng puso ko. I heard her footsteps. Tss. Please calm down heart, mag mo move on kana diba?
"Hello Baifrincess!" Masayang bati ni Ken dito. Sinamaan ko siya ng tingin, gaano ba kalala ang pagkamanhid ni Ken? Hindi ba niya napapansin kung gaano ka awkward ang makita si B ngayon? Tapos tinawag pa niya? Tss.
Mapapatay ko si Ken ng maaga.
"Hello Ken! Who's with you? Can I share a table with you? Inaantay ko lang kasi yung friend ko. " I heard her asked. Same as the friendly B I know.
"Oh sure! Pwede kang umupo dito." Ken tapped the seat beside mine. Umurong ako ng kaunti.
"Thank you Ken." Wika nito. Umupo ito sa tabi ko. Ng tumingin ito kung sino ang katabi nito ay biglang nanlaki ang mata nito ng makita ako.