CHAPTER 1
---------------
*CHAD’S POV*
Kalalabas ko lang ng banyo sa kwarto nang may sunod-sunod na katok akong narinig.
“Chad, hijo! Breakfast is ready.” si mama
“Yes, ma! I'll be there. Just a minute. “
Kinuha ko na ang uniform ko at saka iniaayos ang necktie.
Isang tingin lang sa salamin at saka bumaba na sa dining area.
Naabutan kong nakaupo na doon si Jade, ang kapatid ko at sina mama at dad.
“Good morning," bati ko sa kanila.
“Good morning din hijo. Ano? Nakita mo na ba siya?” nakangiting tanong ni mama.
“Mama naman.” namula kong sabi.
“Si kuya nagbublush.” pang-aasar sa akin ni Jade.
“Ayaw mo pa kasi ipahanap sa private investigator ko para di ka na mahirapan. Just tell if you change your mind son.” sabay tawang sabi ni dad.
“Your dad is right hijo. Saka I want to meet this young lady. Tumino ang anak ko dahil sa kanya,” dagdag ni mama.
“Mom Dad, let me handle this. I'll find her soon. And I'll introduce her to you.” sabi ko ng seryoso. “ Saka good boy ako ma!! Habulin kasi kaya kala nyo di matino ang pinakagwapo nyong anak, hahaha”
"Aja! Lakas ng fighting spirit kuya. If I am not mistaken mag-one year ka na naghahanap hahahaha.
Nga pala dad, may aircon na ba pati dining area natin?" Jade.
“Why my little princess?” si dad.
“OMG, ang hangin eh.”
“You spoiled brat!” Ginulo ko ng kaunti ang buhok nya.
“O, stop it my most handsome kuya.”
“Alright, hindi talaga marunong magsinungaling ang mga bata” naupo na ko sabay kuha ng isang ham and sunny side up egg sa plate ko.
“You’re so funny kuya. You’re my only kuya kaya. And by the way di na ko bata. I’m a young lady na kaya, di ba mom, dad?” with here puppy-eyes.
“Ofcourse, my young lady,” natatawang sabi ni dad.
----
March na ngayon at dalawang buwan na lang at mag-iisang taon na mula nung una at huli ko syang nakita.
Nandito ako ngayon sa Trinoma. Matapos kong maipark ang kotse ko pumasok muna ko sa isang store at saka bumili ng gray cardigan at ilang branded shirts.
Napadaan ako sa isang store kung saan ko binili yung dress na yun para sa babaeng isang beses ko lang nakita pero nagpatibok sa puso ko.
Nailang ako nang makita kong nakatingin sa akin yung saleslady at mga customers nila. Sanay na ko sa mga ganon pero di ako sa kanila interesado.
------
Magulo ang buhay ko noon. Lalong naging walang kwenta ang buhay ko nang iniwan ako ng isang taong pinakhahalagahan ko. Sobrang sakit kahit alam kong darating din ang araw na yun,mahirap pa rin tanggapin.
Nagbago ang lahat mula nang makilala ko siya. O mas tamang sabihin na nung makita ko siya. Siya ang aking Miss UNKNOWN.
------
Author's Note:
Thank you for reading my story.
VOTE-COMMENT-BE A FAN
--Alizah Ann
BINABASA MO ANG
Finding Miss Unknown [Completed&Revising]
Teen FictionSi Chad. Nasaktan. Iniwan. Muling nagmahal. Paano kung ang babaeng muling nagpatibok sa kanyang puso ay may mahal na palang iba? At ang taong iyon ay isang lalaking malapit sa kanya? Ito ang kanyang kwento, ang paghahanap sa kanyang “Miss Unknown”. ...