A/N
Support this story by clicking "VOTE". And please leave your comments. Thank you! Enjoy reading!
One chapter left and then Epilogue.
CHAPTER 39.2
--------------
Parang alam na ni Lorraine kung sino ang dumating kaya naman unti-unti nyang itinihaya ang katawan mula sa pagkakatagilid sa kama. Kahit inaasahan na nya ito ay hindi pa rin nya naikubli ang pagkabigla.
"Chad," sambit nya sa pangalan nito. Halos pabulong lamang iyon.
Pinilit nyang maupo at sumandal sa headboard ng kama. Naramdaman nya ang pagkirot ng sariwang tahi sa kanyang sugat. Napangiwi sya sa sakit.
Nang maiayos ang sarili’y pinagmasdan nya si Chad na nakatayo malapit sa paanan ng kama. Nakasuot ito ng simpleng puting t-shirt at maong na pantalon. Nakapamulsa ang binata at nakaharap sa nakabukas na bintana.
Napakunot noo si Lorraine nang dumako ang paningin nya sa mukha ng binata. Nakatagilid ito kaya naman ang kaliwang bahagi lamang ng mukha ni Chad ang nakikita nya. Bakas pa rin ang mga pasa at sugat na natamo nito mula kay Alex. Putok ang labi. Nangingitim ang paligid ng mata na sa tingin niya’y dulot ng matinding puyat. Magulo rin ang buhok nito na parang hindi manlang nakatikim ng suklay.
Nakabawi lang sya mula sa pagkakatitig sa binata nang makita ang pagguhit ng isang ngiti sa mga labi nito.
"Kapatid mo si Nadine," wika ni Chad. Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti nito. Ngiting ngayon lang nya nakita mula sa binata. Hindi iyon isang tanong kung hindi isang katotohanan.
"Naalala mo yung huling sinabi mo kahapon?" seryosong tanong nito sa kanya.
Ibinuka ni Lorraine ang mga labi upang magsalita ngunit walang lumabas ni isang salita mula roon. Ang sumunod na mga sinabi ni Chad ang nakapagpatigil sa kanyang mundo.
"Siguro nga nagkamali ako. Nakita ko lang sa’yo si Nadine. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko noong nasa bar tayo, Lorraine," seryosong sabi ni Chad sa kanya.
Ngayon ay nakaharap na si Chad sa kanya. Wala na ang ngiting ipinakita nito kanina. Seryoso ang mga matang nakatitig sa kanya.
"Nadine," bulong ni Lorraine pagkalabas ni Chad. Napangiti sya ng mapait.
"Nadine," ulit nya bago hinayaang pumatak ang mga luha na kanina pa gustong kumawala sa kanyang mga mata.
------
Dalawa’t kalahating buwan ang matuling lumipas. Naghilom na ang sugat ni Lorraine. Tanging peklat na lamang ang tanda ng insidenteng kinasangkutan nila ni Chad at ang grupo ni Alex.
Nalaman nya mula kay Tristan isang linggo na ang nakararaan bago ang kanyang graduation na tinuruan nila ng leksyon ang grupo ni Alex. Hindi sya pabor sa paraan nila ng pagkuha ng hustisya ngunit hindi nya rin masisisi ang mga ito. Alam nyang gusto lamang nilang ipaghiganti ang sinapit nilang dalawa ni Chad. At isa pa’y iniimbestigahan na rin iyon ng mga pulis.
Sa ikalawang pagkakataon ay pinagmasdan ni Lorraine ang peklat sa kanyang likod. Hinawi nya ang suot na kulay dilaw na t-shirt sa harap ng malaking salamin sa kanyang kwarto sa Batangas. Agad nya rin iyong ibinaba. Hindi nya kayang tignan ng matagal.
Masyadong masakit ang mga alaalang may kinalaman doon. Naghilom na ang sugat ngunit hindi ang sakit na idinulot ng mga salitang binitiwan ni Chad sa kanya.
Nagkamali sya. Sana’y hindi sya umasang mahal nga sya ng binata. Siguro ay tama lang sa kanya ang nangyari.
Mahal sya ni Drix. Mahal na mahal. Mahal nya rin ito ngunit may nararamdaman din sya para sa kaibigan nito. Parusa na nga nya siguro na ang ate nyang si Nadine talaga ang mahal ni Chad.
BINABASA MO ANG
Finding Miss Unknown [Completed&Revising]
Novela JuvenilSi Chad. Nasaktan. Iniwan. Muling nagmahal. Paano kung ang babaeng muling nagpatibok sa kanyang puso ay may mahal na palang iba? At ang taong iyon ay isang lalaking malapit sa kanya? Ito ang kanyang kwento, ang paghahanap sa kanyang “Miss Unknown”. ...