CHAPTER 23

805 6 1
                                    

CHAPTER 23

--------

First week of September.

"Lee!"

"Give me 10 minutes Dessa."

"Lee, gumising ka na dyan. May pupuntahan tayo."

"Saturday ngayon Dessa. Wala akong pasok. Inaantok pa ko." Nagtalukbong ako ng kumot.

"Awww aww"

"See, pati si Noodle ginigising ka na. Kaya bumangon ka na dyan Lee."

Lee? Oh my! No! Hindi pwede! Unti-unti kong inaalis yung kumot sa ulo ko.

At isang gwapong nilalang ang nakaupo sa kama ko. Nakasandal sya sa headboard.

"DREE? Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" Nagtalukbong ulit ako ng kumot. Nakakahiya naman. Nakita nya kong bagong gising.

"Kanina ka pa ginigising ni Dessa, hindi ka magising-gising. Tulog-mantika ka pala," natatawa nyang sagot.

"Labas Dree!"

"Bakit?" painosente nyang tanong sakin.

"Kita mong hindi pa ko nakakaligo no!"

"Para namang hindi pa kita nakitang bagong gising at hindi pa naliligo. Magkatabi pa nga tayo dati eh. Yumayakap ka pa nga sakin kapag madilim. Tsinastansingan mo ang isang inosenteng lalaki." Alam kong nakangiti sya ngayon.

"Mga bata pa tayo nun! Labas Dree! Labas sabi eh!" Binato ko sa kanya yung dalawang panda stuffed toy na bigay nya.

"Ngayon ko lang nalaman na nananakit ka pala," sabi nya habang iniiwasan yung mga unan na binabato ko sa kanya.

Unti-unti syang lumapit sakin. Waaah isang gwapong nilalang ang palapit sakin. Isang bagong ligo at mabangong Aldrix Villegas. At ako na si Aleena Lorraine Cervantes na bagong gising at hindi pa naliligo.Waaaah isang malaking AWKWARD!

Waah I’m stuck!! Pader! Bakit may pader? 

Nakangiti sya. Yung may ngiting may binabalak.

"Hindi mo kailangan mahiya Lee. Para sakin ikaw pa rin ang pinakamagandang bagong gising!" Kinindatan nya ko.

Biglang nag-init yung mga pisngi ko. Alam kong nakita nyang nagblush ako, nakita ko syang nagsmirk.

Bumaba yung tingin nya sa mga labi ko. Oh my!! Tapos papunta sa……dibdib ko?

Bago pa ko makapag-react he gave me quick kiss on my left cheek. Tapos patakbo syang lumabas ng kwarto ko. 

Muling bumukas yung pinto. Sumilip sya na ulo lang ang nakalitaw. "By the way ang cute ng pajama blouse mo." Ngumiti na naman sya at sinarado yung pinto.

Bumaba yung tingin ko sa suot ko. 

Isa itong white shirt na may nakasulat in bold letters na ’MAMA BEAR’ Ibinigay nya yun sakin nung time na binili nya si Noodle. May kapartner yun na shirt. Nasa kanya syempre yung pajama shirt na may ’PAPA BEAR’. At nagpagawa pa sya ng personalize dog shirt para kay Noodle na may ’BABY BEAR’. Japanese spitz na nakasuot ng ’BABY BEAR’ shirt. Ang weird. Minsan talaga hindi ko masakyan mga trip ni Dree eh.

Mabuti na lang pangtulog yung binigay nya. Atleast si Dessa lang makakakita na suot ko ito. Except ngayon dahil nakita rin ni Dree. Hindi ko maimagine kung sakaling shirt ’to na pang-alis. Couple shirt na may ’PAPA BEAR’ at ’MAMA BEAR’ with asong nakasuot na ’BABY BEAR’. Perfect! Mapagkakamalan kaming Family Bear Weirdos.

Lumabas na ko ng kwarto na bagong paligo. Aalis pala kami ngayon.

"Dessa, pakiabot naman yung pineapple jam."

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon