CHAPTER 14

1K 9 0
                                    

CHAPTER 14

-----

"Hoy Shin! Buksan mo yung pinto!!"

"Ikaw na Vince! Ikaw nakarinig eh! I'm busy you know! Badtrip isa na lang buhay ko. Lintek na Candy Crush 'to"

"Nak ng, hindi pwede! Baka masunog 'tong niluluto ko"

"Ang ingay nyo! Nakita nyong natutulog ako! AHHH ano 'tong nasa mukha ko! Leche ka Riyu! Ikaw na naman may gawa nito!!"

"Ako kagad? Di ba pwedeng si Vince muna?! Hehe"

"Wag nyo nga akong idamay sa kalokohan nyo! Di ko kayo bibigyan ng niluto ko!!"

"IKAW!! Halika ka rito Riyu!!"

"ARAAAY, aww, tama na, awww Third, mabubura rin yan, wag ang buhok ko!!"

"Para kayong mga bata!! Nyemas, wala lang si Darren gumaganyan na naman kayo!"

"Drei, tutal nakatayo ka na dyan! Pakibuksan na yung pinto!"

"Psssh"

----

"Sino ba yan?"

"Ang tagal nyo namang buksan yung pinto. Nagtuturuan pa kayo!!"

"Nandito na pala ang stalker ni Sandy!! Haha, kamusta bakasyon Darren?"

"Psssh, hindi nya ko stalker. May kasama pala ko"

"Kamusta Drei?"

"Woah Tristan!! Buhay ka pa pala!"

"Hahaha, nasaan na yung iba?"

"ANO? Nandyan si Tristan?" Shin.

"Aww, ano ba naman yan. Bakit dito kayo nagrewrestling!! Ang paa ko!"

"Eh kung tumayo ka na kaya Shin!! Ang likod ko! Tama na yan Third!! Aww" reklamo ni Riyu.

"Tristan!"

"Vince, mukang chef ka pa rin ng mga lokong 'to ha?"

"Haha, tara kain ka muna" sabay akbay nito kay Tristan.

"Hoy tumayo na nga kayo dyan! Dinudumihan nyo yung carpet oh"

"Ang harsh mo naman Darren!" Riyu.

"Ikaw lang Tristan?" Third.

"Oo nga, nasan si---" Shin.

"Si Chad ba?" sabay ngisi ni Tristan "Pumasok ka na nga rito! Mukhang ang dating pinuno lang ata ang namimiss ng mga 'to!!"

"Wala pa rin kayong pinagbago! Tsss" Pumasok na si Chad na nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon. Si Chad na dating leader ng gang.

Halos matumba sya nang yakapin ng dating mga kasamahan sa gang. Si Riyu, Shin, Vince, Drei at Third.

"Magseselos na ko nyan!! Mas gusto ka talaga nila Chad bilang leader" Si Darren ang pumalit kay Chad nang umalis ito sa gang three years ago.

"O, wag ka na magselos Darren" Tinanguan ni Drei ang mga kasamahan.

"Hoy ano ba? Humanda kayo mamaya! Araaay naman oh! Tigilan nyo yan sabi eh"

Ano ang nangyari? Pumasan si Drei kay Darren na nawalan naman ng balanse kaya natumba ito. Dumagan naman si Riyu, tapos si Third, Vince, Shin, at Tristan.

"Tama na nga yan!! Nagugutom na 'ko. Mauna na ko sa inyo" Napailing lang si Chad at nagtuloy-tuloy sa kusina ng condo. Wala pa rin silang pinagbago. Hindi nya maitatanggi na namiss nya ang mga dating kasamahan sa gang. Pero hindi sya nagsisisi na umalis sya rito. Naiintidihan naman ng mga ito ang dahilan kung bakit kailangan nyang umalis kaya hindi sila nagtanim ng sama ng loob sa dati nilang leader at kay Tristan na dati ring myembro ng gang.

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon