CHAPTER 34

746 8 7
                                    

A/N

Support this story by clicking "VOTE". Comments na rin kayo,thank you. Enjoy reading!!! ^__^

CHAPTER 34

-------------

Tinawagan ni Sandy si Lorraine sa telepono. Agad namang napasugod ang dalaga sa mansyon ng mga Contreras. Halos paliparin na nga ng driver nya ang kotse sa highway makarating lang kaagad sa pupuntuhan.

"Anong nangyari kay Sandy?" nag-aalalang tanong ni Lorraine sa kasambahay na nagpatuloy sa kanya.

Hindi na nga nya nagawang magpalit pa ng suot dahil sa biglaang pagtawag ng kaibigan habang abala syang nanonood ng movie sa kanyang kwarto.

Nagtaka pa sya sa reaksyon ng kaharap. Tila wala itong kaalam-alam.

"Kay Miss Sandy po? May nangyari po ba sa kanya?" balik-tanong sa kanya. Kumunot-noo pa ito at pasulyap na tumingin sa ikalawang palapag. "Pero kanina lang ay nakita ko pa silang----"

Hindi na hinintay ni Lorraine ang sasabihin ng kasambahay nang patakbong nyang inakyat ang grand staircase ng mansyon. Kinakabahang tinunton nya ang may kahabaang pasilyo patungo sa dulong pintuan, ang silid ni Sandy.

Lahat na ata ng santo ay natawag nya maipanalangin lamang ang kaligtasan ng kaibigan.

Hindi na sya nag-abala pang kumatok. Ipinihit nya ang doorknob.

"Sandy!" sigaw nya nang tuluyang makapasok sa silid.

Nilibot nya ng paningin ang kabuuan ng silid. Wala si Sandy. Likas na masinop sa gamit ang kaibigan kaya nagtataka sya kung bakit nagkalat ang ilang damit nito sa sahig at kama.

Sinilip nya ang shower room. Pinasok nya rin ang walk-in closet. Ni anino ng dalaga ay hindi nya nakita roon.

Maaari kayang pinasok sya ng masasamang loob? Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip nya.

Nang makausap nya ito kanina ay tila umiiyak ito. Basag ang boses. Ang sabi pa sa kanya ay puntahan nya ito kaagad dahil may emergency. Hindi na sya nagdalawang isip kaya naman napasugod sya nang hindi manlang nakakapag-isip ng mabuti. Paano na lang kung may nangyari na? Dapat pala ay tumawag muna sya ng pulis.

Napakislot sya nang may marinig na kaluskos sa labas. Patakbo syang lumapit sa glass door ng veranda. Hinawi nya ang puting kurtina na tumatabing dito at dahan-dahang binuksan ito. Kahit kumakabog ang dibdib ay lumabas sya upang malaman kung ano ang pinanggalingan ng ingay.

Nagulat si Lorraine sa nakita. Nadatnan nyang katayo ang isang lalaki. Nakatalikod ito at nakayakap ang mga braso sa bewang ng kaibigan. Nakapatong ang ulo sa kaliwang balikat.

"S-sandy?" Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig nya.

Nagpakawala sya ng isang malalim na buntong hininga. Ito sya kabang-kaba pero ang kaibigan nya nakikipaglambingan lang pala sa boyfriend nya.

Napaharap naman sa kanya si Sandy at ang boyfriend nitong si Darren.

"Raine!" Agad na kumalas sa pagkakayap ng binata ang kanyang dalaga. Lumapit ito sa kanya at yumakap.

"You saved me!" nakangiting wika nito sa kanya. Bigla na lamang sya nitong hinila papasok sa loob ng kwarto.

Nakita pa nya ang pagngisi ni Darren habang sinusundan sila ng tingin. Naiwan naman sa veranda ang binata.

"What’s wrong with you?" naguguluhang tanong nya kay Sandy nang muling makapasok sa kwarto.

Palundag na naupo si Sandy sa malambot nyang king size bed. Bakas sa mukha nya ang pagkasabik habang inaayos ang mga damit na nakakalat.

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon