CHAPTER 37
------------
Natigilan si Lorraine. Tila nagbabadya na namang bumagsak ang panibagong batch ng kanyang mga luha. Kinagat nya ang pang-ibabang labi ngunit hindi iyon naging hadlang sa pagtulo nito.
"Dree," tawag nya sa pangalan nito. Hindi nya namalayang nakatayo na sya sa harapan ng binata. Tila napapahiyang napatakip sya ng mukha ng magtama ang kanilang mga mata.
May lungkot sa mga mata ni Drix. Hindi iyon nakaligtas sa dalaga.
"I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry, Dree," paulit-ulit na sabi ni Lorraine sa pagitan ng mga hikbi.
"Ako dapat ang magsorry." Hindi na napigilan ni Drix na yakapin ang dalaga. Marahan nya itong kinabig sa kanyang dibdib at isinampay ang isang braso sa likod nito.
"I'm sorry. I'm sorry," ulit ni Lorraine.
"I'm sorry, Lee. Hindi mo dapat nakita 'yon. Hindi ko alam na may balak si Bianca nang hawakan nya ang neck tie ko. Believe me," paliwanag ni Drix.
"I'm sorry, Dree."
Nabitiwan ni Drix ang bitbit na payong nang maramdaman ang pagbigat ng dalaga. Kung hindi sya naging maagap ay paniguradong humampas na ang ulo nito sa sahig.
Nawalan ng malay si Lorraine.
"Lee! Lee!" tawag nya sa dalaga na noo'y nakapikit ang mata at maputla ang mga labi.
Hinawi ni Drix ang mga basang hibla ng buhok ni Lorraine na tumatabing sa maamo nitong mukha. Mainit.
Marahan nyang kinarga ang dalaga. Pahinto na ang ulan kaya naman hindi na sya nag-abala pang bitbitin ang dalang payong.
Tila kinurot naman ang kanyang puso nang makita ang pangingilid ng luha ni Lorraine. Bahagya itong nanginginig. Minura nya ang sarili. Kung sana ay kanina nya pa ito nilapitan ay hindi ito magkakasakit dahil sa ulan.
Lihim lang nya itong pinagmamasdan kanina. Narinig nya lahat ng pinag-usapan nito at ni Chris. Lahat-lahat.
Saglit syang nagtungo sa kotse na nakaparada sa di kalayuan matapos makitang paalis na si Chris. Dala ang payong na kinuha sa kotse dahil sa nagbabadyang pagbagsak ng ulan ay binalikan nya ang dalaga.
Kung paano nya iniwanan si Lorraine ay ganoon pa rin ito. Kahit may kalakasan na ang ulan ay hindi pa rin ito natitinag mula sa pagkakaupo sa gilid ng batis. Yakap nito ang sarili at umiiyak.
------
Iminulat ni Lorraine ang mga mata. Iginala nya ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Nasa loob sya ng kanyang silid. Sa palagay nya ay umaga na dahil sa tilaok ng mga manok sa di kalayuan. Mabigat ang kanyang pakiramdam kahit pa wala na ang hilo na umatake sa kanya kahapon bago sya nawalan ng malay.
Inialis nya ang bimpong nakalagay sa kanyang noo at dahan-dahang umupo. Bahagya pa syang nagulat nang may mapadako ang kanyang paningin sa ulo na nakapatong sa gilid ng kanyang kama. Nakadukdok ang ulo ni sa mga braso.
Napahawak sya sa dibdib nang sumagi sa kanyang isip ang tagpong iyon sa Bataan. Parehong eksena katulad ngayon. Noong magising sys sa loob ng ospital ay naroroon ang lalaking nagpapagulo sa kanyang isip. Si Chad.
Muli niyang ibinaling ang paningin sa lalaking naririto sa kanyang silid. Napailing sya. Hindi maaaring si Chad ang lalaking ito.
Kumislot ang lalaki.
"Dree?" tawag nya sa binata.
Napakunot noo si Lorraine nang bumungad sa kanya ang bagong gising na si Chris. Una, naisip nya na baka si Chad ang lalaki dahil sa nangyari noon sa Bataan. Pangalawa, ang akala nya ay si Drix dahil ito ang huli nyang natatandaang kasama sa may batis.
BINABASA MO ANG
Finding Miss Unknown [Completed&Revising]
Teen FictionSi Chad. Nasaktan. Iniwan. Muling nagmahal. Paano kung ang babaeng muling nagpatibok sa kanyang puso ay may mahal na palang iba? At ang taong iyon ay isang lalaking malapit sa kanya? Ito ang kanyang kwento, ang paghahanap sa kanyang “Miss Unknown”. ...