CHAPTER 6

1.3K 21 0
                                    

CHAPTER 6

------------------

Nagising ako bigla nang may marinig akong ingay sa baba. Tinignan ko yung orasan sa side table. 9:00 o'clock pa lang ng umaga. Inaantok pa ko pero dahil nacurious ako kung ano ba meron ay nagsuot na ko ng t-shirt at lumabas ng kwarto.

Nasa living room sina Jade at Trixy. Pareho silang naka-dress. Nasa gitna na ko ng hagdanan nang makita kong papunta naman sa taas si mama.

"O, Chad. Nagising ka ba sa ingay? I'm sorry hijo nagmamadali kasi ang daddy mo. Magbreakfast ka na rin dun".

"Ma, san kayo pupunta?" kunot-noo kong tanong bago pa siya makapasok sa kwarto.

Nakalimutan mo na?"

"Huh?"

  

"Ngayon yung birthday ng anak ni Carl, remember?"

"Yeah." Oo nga pala ngayon din pala 1st anniversary namin hehe este nung nakita ko siya.
Ang aga naman nila umalis sa gabi pa naman ang party.

Parang nahulaan na ni mama ang nasa isip ko.
"Makikpag-meeting muna kasi daddy mo kay Mr. Lim aattend din kasi siya ng party."

"Yeah, business," bulong ko. 
Bumaba na ko sa sala.

"Am I pretty Uncle Chad? tanong ni Trixy at saka umikot habang hawak ang laylayan ng red dress niya."

"Yes, you are sweet pea. And you too Jade."

"I know kuya."

"Pinatong ko yung kamay ko sa ulo niya. Dalagang-dalaga na kapatid ko. Parang dati lang..."

"Kuya naman. Stop it! Yung hair ko nagugulo."
saway sakin ni Jade.

"Hahaha, ah basta Jade bawal muna boyfriend ha. Kung hindi lagot sa akin kung meron."

"Tsss, para kang si Daddy kuya."

"Chad tama na yan. Kayo talagang magkapatid." Nasa likod na pala namin sila mama.

"O, hijo bukas na ang uwi namin ha. Alam kong aalis ka mamaya, huwag kang papagabi. Sabihin mo na lang kay manang kung ano gusto mong kainin."

"Girls sumakay na kayo sa sasakyan," sabi ni mama kay Jade at Trixy. 
Nasa bahay pa rin namin ang pamangkin ko. Busy kasi si kuya Bry.

"Yes, dad. Ingat po. Enjoy the party".

Sobrang tahimik sa bahay. Nag-almusal na ko at pumanhik na ulit ako sa kwarto. Sinaksak ko yung dvd player at nanood ng I am Legend. Napapitlag ako nang may kumatok sa pinto. Nakatulog pala ko at yung pinapanood kong movie tapos na. Naghihikab akong binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Manang Carmen.

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon