CHAPTER 29
------------
Nasa gilid ng isang boutique si Lorraine. Nakasuot sya ng isang simpleng peach casual dress na tinernuhan ng gladiator shoes. Above the knee ito kaya litaw na litaw ang kaputian at kagandahan nya. Naglagay lang sya ng kaunting pressed powder at lip gloss. She’s really pretty even without makeup.
Ilang minuto rin ang lumipas nang mahagilap nya ng paningin ang isang pamilyar na lalaki. Dumaan ito sa harapan nya kaya nakakasigurado sya. Nakapamulsa ito at diretso lang ang tingin sa daan.
It’s been months mula noong huli nya itong makita. Kailan nga ba nya ito huling nakausap? Sa pagkakatanda nya noon pang gabing dinala sya nito sa ospital sa Bataan.
Bahagyang humaba ang maiksi nitong buhok kaysa dati. Naroroon pa rin ang bahid ng pagkaangas nito. Nakasuot ito ng itim na long sleeves at nakalupi hanggang sa siko.
Wala itong kasama kaya natitiyak nyang sya ang pinagtitinginan at pinagbubulungan ng mga babae sa mall. Ang iba pa nga ay napalingon pa kahit nakalampas na ang lalaki.
"Chad!" Tawag nya dito pero hindi manlang ito lumingon. Hindi pa naman ito nakakalayo kaya muli nya itong tinawag. Sa pagkakataong iyon nilakasan nya ng bahagya ang boses nya para siguraduhing maririnig sya ng binata.
"Raine, sorry for making you wait. Heavy traffic as usual" Napalingon sya sa taong nagsalita. Si Aliyah. Ang nakatatandang kapatid ni Drix. Nakangiti ito sa kanya.
"It’s okay ate Iyah. Kararating ko lang din naman" She smiled back.
Muli syang lumingon sa dinaanan ng binata. Napakunot sya ng noo nang makitang wala na ito.Marahil ay hindi talaga sya nito narinig at tuluyan nang nakalabas ng mall.
"Looking for someone?" Malapad ang pagkakangiti nitong tanong sa kanya. Nagulat pa sya nang makitang nasa harap na nya ang ate ni Drix. Saglit na nawala sa isip nyang kasa-kasama nya pala ito.
Nagdadalawang isip sya kung sasabihin nya ba ang totoo o hindi. Baka kasi ma-misinterpret sya nito. Ngunit mas pinili nyang isagot ang una. "Ah yes. An acquaintance. Kaso nawala bigla. Uh let’s go?" sagot nya.
Nasa isang mall sila. Ala-sais pa lang kasi ng umagang iyon nang tumawag ito sa kanya. Ipinagbilin pa na kung may gagawin sya sa maghapong ito ay gawin na o di kaya’y ipagpabukas nalang para makapag-girl bonding sila pagkapananghalian.
Sa totoo lang may usapan na sila ni Drix na kakain sa labas at manonod ng sine. Ngunit sa huli ay napapayag din ni Aliyah ang kapatid na sa ibang araw na nila iyon gawin tutal palagi na lang sila ang magkasama.
Namalayan na lamang nyang nasa ika-tatlong palapag na sila ng mall. Napasunod na lang sya kay Aliyah na huminto sa tapat ng isang Spa.
"Let’s pamper ourselves first. I need it very badly. Ang sakit ng mga binti ko" Napatingin tuloy sya sa mga binti nito. Isang ramp model ng isang clothing line sa Europe si Aliyah. Hindi maipagkakaila iyon sa tindig pa lang nya. Mahaba at makinis ang legs na expected sa isang model.
Inilabas nya ang cellphone mula sa kanyang Hermes handbag nang marinig na tumutunog ito. Sasagutin na sana nya ang tawag nang may isang kamay ang humablot sa cellphone nya mula sa likuran.
"Hey, my little brother. I told you not to disturb our date. Bye" Ibinalik ni Aliyah cellphone sa kanya.
"Ang kulit talaga ng kapatid ko. Sinabi ko na wag nya tayong iistorbuhin eh. Parang hindi ka isosoli. Don’t answer his call ha? Magpa-miss ka muna kay Aldrix " Nakapamewang itong humarap sa kanya. Binigyan sya nito ng isang pilyang ngiti.

BINABASA MO ANG
Finding Miss Unknown [Completed&Revising]
Teen FictionSi Chad. Nasaktan. Iniwan. Muling nagmahal. Paano kung ang babaeng muling nagpatibok sa kanyang puso ay may mahal na palang iba? At ang taong iyon ay isang lalaking malapit sa kanya? Ito ang kanyang kwento, ang paghahanap sa kanyang “Miss Unknown”. ...