CHAPTER 13

1.2K 12 0
                                    

CHAPTER 13

CHAD'S POV


Kainip talaga kapag bakasyon. Ang init-init pa sa labas. Kinuha ko yung gitara na nakatago sa ilalim ng kama ko. Halos tatlong taon na rin ito roon. May kaunting kalawang nga lang ang mga strings nito pero nasa tono pa naman. 

Napadako ang paningin ko sa may likod nito. Naroon pa rin ang salitang 'CN24'.Naalala ko na naman sya. Akala ko wala na yung sakit na iniwan nya sakin nang umalis sya.

I miss her so much.

Bumalik na naman sa isip ko yung mga masasaya at malulungkot na araw na kasama ko pa sya. Bakit kailangan mo pang umalis. 

Nagulat pa ko nang biglang kumatok si mama sa pinto ng kwarto ko.

"Chad?"

Inilapag ko muna ito sa kama.

"O, ma?" tanong ko kay mama pagkabukas ko ng pinto. Tinignan lamang nya mula ulo hanggang paa. Parang naghahanap ng mali.

"Di ka pa nakabihis?"

"Huh? What do you mean ma?"

Hindi naman ako nakahubad ha.

"Nasa baba mga kaibigan mo. Drix told me na pupunta kayong Boracay. You didn't mention!" may pagtatampong sabi ni mama.

"Po? Boracay daw?"

"Yes."

"Sorry ma, I was--"

"It's okay hijo. I know you are already a young man. You may enjoy the vacation with your friends. But next time inform me ahead of time"

"But ma kasi--" Pinutol na naman nya sasabihin ko. Ang mga lokong yun wala naman napag-usapang pupunta ng boracay ah.

"Sayang di mo kagad sinabi, sana naibili kita ng boardshorts na bago."

"Ma!" saway ko kay mama. I remember last year kasi nagpaalam akong pupunta sa Palawan. Binilhan nya ko ng boardshorts na may spongebob na design. Dahil matampuhin si mama dinala ko na rin. Ang di nga lang nya alam di ko naman yun sinuot. Nakakahiya kaya. Nang makita nga nila Tristan yun grabe ang pagtawa nila nun.

"Hahaha, O, sige na hijo bumaba ka na. Mukhang excited na mga kaibigan mo"

"Oy, Dizon! Bakit di ka pa nakabihis?" Drix.

"Bilisan mo na Chad!" Nathan.

"Excited?" natatawang tanong ni Luke.

"Baka ikaw. Ano kasi baka malate tayo sa flight natin. He-he" Nathan.

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon