CHAPTER 24

799 6 0
                                    

Dedicated to Alyloony. Ang ganda nung story nyang My Prince Book 1 and 2 !! :)

CHAPTER 24

------------

"Sino naman ang dalawang ’to?" turo samin ng nasa gitna. Labing-isa ang kasama nya na halatang atat na atat at naghihintay lang ng kanyang senyas."Mga alalay nyo?"

Nagtawanan ang ibang kasamahan nya.

Katabi ko si Tristan at katulad ko nakatingin lang din sya sa gang na nasa harapan namin.

Itinapon nya ang hawak na sigarilyo at saka inapakan.

"Mga b*bo ata ang mga ’to!" ngisi ng nasa gitna "Maduduwag lang , mukang pipitsugin pa binalandra!!"

"HAHAHA" tawa ng mga kasamahan nya.

"Mga g*go pala mga ’to eh. Ipaubaya nyo na sakin ang mga lampang ’to" Riyu

"Psssh. Dyan ka na lang Riyu. Akin ang mga unggoy na yan!" tumabi naman samin si Vince.

"Anong sinabi mo? Tignan lang natin kung sino ang mukang unggoy mamaya kapag pinasabog ko na mukha mo!!" sigaw ng isang miyembro ng kabilang gang.

"At talagang matapang din kayo no! Hindi pa kayo nadala sa ginawa ko sa leader nyong nabahag ang buntot!!" Vince

"Nagpakita ka rin! Ang mabuti pa, palayasin mo na mga mahihina mong alalay" sabay tingin samin ng nasa gitna. Sa tingin ko sya ang kanang kamay ng leader nila. Mukang walang ibubuga.

"Saan nyo ba nakilala ang mga mukang ipis na yan Vince? Halatang walang ibubuga. Hindi nakilala ang dating leader!" Tristan

"Anong sabi mo? Dating leader?"

"Sa basurahan" ngingisi-ngising sagot naman ni Vince.

"T*rantad* pala ’to eh!" sigaw naman ng lalaking malaki at punung-puno ng tattoo ang katawan.

"Dami nyong satsat! Simulan na lang ang laban para masamahan nyo na ang leader nyo sa ospital!" Vince

"Laban na!!" Hinubad ni Third ang jacket at ipinatong sa kotse ni Drei. Si Shin nakasandal lang sa big bike nya na may nakasalpak na headset.

"Yung kasama mo ba nung isang gabi o nung isang linggo yang kausap mo sa phone? Ha Darren?" Nakangising tanong ni Drei.

"What the heck?" sigaw ni Darren kay Drei.

"HAHAHA" Drei.

"Hello Sandy? Si Drei lang yun! Ayyys" Sinamaan nya ng tingin si Drei. "Hello, Sandy? Sh*t pinatayan ako"

"Hello Sandy, hindi totoo yun. Inaasar ko lang boyfriend mo!! Sige, bye"

"At kailan ka pa nagkaroon ng number ng girlfriend ko?"

"Matagal na. Bestfriends kami, you know" nakatawang sagot kay Darren.

"Sh*t! Ginagago ata tayo ng mga ’to eh." sigaw naman ng isa sa kabilang gang.

Nagsimula nang sumugod ang mga miyembro ng kabilang gang matapos senyasan ng kanang-kamay ng leader nila.

"Laban na!" Vince.

Tinapik ni Tristan ang balikat ni Vince. "Amin ’to" sabay tingin sakin.

"Sige." ngisi ni Vince at saka nagsindi ng sigarilyo sa tabi ni Shin.

--------

Pagkatapos ng kalahating oras bagsak ang karamihan sa kanila, yung dalawa iika-ikang nakatakbo pa.

"Sa susunod kikilalanin nyo babanggain nyo!" Tristan

"Ayos yun ha." Third

"Wala ka pa ring kupas Chad!" Drei

"Welcome back sa gang Chad, Tristan." Darren

"Ayos yun ha, hindi nyo manlang pinaporma!! Hindi pa nag-iinit puwet ko sa pagkakaupo doon!!" Shin

"Shin"

"Welcome ulit sa gang!"ganting bati ni Shin sakin. "Tristan"

"Waaah, namiss kayo ng grupo!!" sabay yakap ni Riyu kay Tristan.

"Ano ba Riyu!! Bitiw!"

"Payakap nga rin!" Vince

"Gusto nyong magaya sa mga yan?" sigaw ni Tristan.

"Dahil bumalik na sila." Tumingin samin si Darren at nagbuntung hininga "Kung gusto nyo pwede ko namang ibigay kay---"

Alam ko na ang tinutukoy nya "Darren, ikaw na ang leader ng gang. Magkakapatid tayo dito, hindi mo na kailangang ibalik sakin ang posisyong iyo na"

"Pero Chad---"

"Mas magaling ka sakin. Believe me"

"Tama na drama!! Magpakasaya na tayo! Nagutom ako dun ha" Riyu

"Langya wala ka namang ginawa! PG ka talaga!" Third

"Makapagsalita naman ’to! Nakakagutom manood sa laban no!"

"Tara sa condo, magluluto ako!!" aya samin ni Vince

"Yown" Riyu

"Chef Vince, magsteak tayo ngayon ha?" Third

"Sino nagsabing kasama kayong dalawa? Sa mga condo nyo kayo kumain. Uubusin nyo na naman supplies ko" Vince

"Ang damot mo Vince!" Riyu

"Makapagsalita ka naman! Isang beses lang ako kumuha ng cake mo sa ref sa kwarto!! Ay patay" Third

"Aba! Kaya pala nawawalan ako ng cheese cake sa kwarto!! Ikaw pala kumukuha" Vince

"Hoy! Isang beses lang yun. Si Drei yun, tama sya nga." Third

"Leche ka Third! Wag mo nga ako idamay sa katakawan nyo ni Riyu." Drei

"Grabe, mas lumala ata sila mula nang umalis kami." Tristan

"Hanga ako sa’yo Darren. Napagtiisan mo yang tatlo haha" sabay tapik ko sa balikat ni Darren.

"Kaya nga" naiiling na sagot nya.

"Mauna na kami." Tristan

"Hindi kayo sasama?" Vince

"Paano na ang welcome vack party?" Riyu

"May pupuntahan lang kami" sagot ko sa kanila.

"Saan kayo pupunta?" Third

"AHHHHHH" Yun lang nasabi ni Third. Nakita kong tinignan lang sya ni Tristan at saka sumenyas.

"Suportado ka ng gang Chad!" Riyu

"Huh?"

Tumango lang sina Darren at Shin. Pumasok na ko sa passenger’s seat ng kotse ni Tristan.

Nagpaalam lang din si Tristan sa kanila at saka pinasibat ang kotse. Bago pa man makalayo ang kotse sa abandonadong parking lot ng building, nakita ko pang kumaway si Riyu at pinagdikit ang dalawang kamay na hugis………PUSO??? mula sa side mirror.

Sh*t!! Ano ba ang iniisip ng mga yun? Nakangisi namang nagmamaneho lang itong si Tristan. Iba kutob ko dito. May sinabi siguro sya sa mga yun.

---------

Author's Note:

Thank you for reading my story!!

VOTE-COMMENT

--Alizah Ann

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon