CHAPTER 36

740 7 2
                                    

A/N 

Support this story by clicking "VOTE".

May readers pa ba ito? 

Gusto ko lang po sabihin na after this Chapter or Chapter 37 ay baka mag-slow update muna ko. Why? 

First, magpapasukan na. Kaya baka once a week na lang ang update.

Second, (kung napapansin nyo lang naman) puro 3rd person's POV na ginagawa ko. I-eedit ko po kasi paunti-unti yung mga naunang chapters at gagawin ding 3rd person's POV.

Third, aayusin ko po. First story ko kasi ito at ngayon ko lang nakita na napakadaming mali lalo na sa first 20 chapters.

Fourth, may new story po ako. Baka ipost ko mamaya yunv prologue. Iyon lang. Enjoy reading!!

CHAPTER 36

------------

Nagulat si Lorraine sa narinig mula sa binata. Bumuka ang kanyang mga labi ngunit walang salitang lumabas doon. Walang mahagilap na dapat itugon sa pagtatapat nito sa kanya.

Tumindig si Chad mula sa pagkakasandal sa kanyang motorsiklo. Nakaharap sa nakatalikod na dalaga. Mahina ang boses nya nang muling magsalita. "I'm sorry."

Nanatiling walang kibo si Lorraine.

"I'm sorry, Lorraine." Ulit ng binata. Iyon lang at tumalikod na ito. Sumakay sa motorsiklo at pinaandar iyon.

Malayo na ang sinasakyan ni Chad nang lingunin ni Lorraine. Tanaw nya ang papaliit na pigura nito. Hindi nya namalayang nag-uunahan na palang tumulo ang mga luha nya. Napatakip sya ng mukha at humagulgol.

-----

Sa kaibigang si Tristan nagtuloy si Chad. Matapos maihatid sa bahay si Lorraine ay sa condo unit nito sya dumiretso. Kahit pa alanganing oras na sya nakarating doon ay walang pagtataka sa mukha ni Tristan. Ang totoo'y naabisuhan na ni Riyu ang huli na may posibilidad na pumunta ito roon. Si Tristan kasi ang takbuhan nito kapag ang problema ay tungkol sa dalaga.

Si Riyu, na miyembro rin ng gang, ang nagsabi kay Chad na naroroon ang dalaga sa bar. Alam nyang importante si Lorraine sa kaibigan kaya naman ipinaalam nya kaagad dito na mag-isa lamang itong nagpunta roon. Kapansin-pansin din kasi ang lungkot sa mga mata nito. Kamuntik na nga rin nyang masapak ang lalaking bumastos kay Lorraine kung hindi lang nakarating kaagad si Chad.

Saglit na umalis si Tristan at nagtungo sa kusina. Nang makabalik sa salas ay nadatnan nya ang kaibigan na nakaupo sa sofa, nakatukod ang mga siko sa magkabilang hita at nakasuklay ang mga daliri sa buhok. Napapailing na umupo sya sa katapat na upuan. Marahan nyang inilapag ang kinuhang anim na bote ng beer sa lamesita.

"Nasabi ko na sa kanya," panimula ni Chad nang mag-angat ng mukha. Kinuha nya ang beer na nasa harapan at tinungga iyon. Nang maubos ang isa ay kumuha pa ulit ng dalawa. Sumandal sya at ipinikit ang mga mata.

"Anong sabi?" tanong ni Tristan.

Walang sagot. Napatawa na lang ng mahina si Tristan nang marinig ang mahinang paghilik ng kaibigan.

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon