CHAPTER 40

849 12 4
                                    

A/N 

Support this story by clicking "VOTE". And please leave your comments. Thank you! Enjoy reading!

CHAPTER 40

------------

Bahagyang nanginig ang kamay ni Lorraine habang nakahawak ito sa kanyang cellphone. Lumikot ang kanyang mga mata nang sa wakas ay kumonekta na ang tawag nya kay Chad. Kanina nya pa kasi ito tinatawagan ngunit walang sumasagot.

"Hello," boses ng isang babae ang narinig nya mula sa kabilang linya.

"Si Chad?" may pag-aalinlangan nyang tanong. Nakagat nya ang labi. Kung anu-ano na ang pumapasok sa kanyang isip. Sino kaya ang babaeng 'to? At bakit nasa kanya ang cellphone ni Chad?

Saglit na katahimikan. Sa palagay nya'y iyon na ata ang pinakamatagal na tatlumpung segundo ng buhay nya.

"Umalis na si kuya eh," maya-maya'y narinig nyang tugon ng babae. Nakahinga sya ng maluwag dahil ang kaisa-isang kapatid pala ng binata ang may hawak ng cellphone.

"His flight will be in fifty minutes. Naiwan nya kasi yung phone nya. Hindi naman sya nagpahatid sa airport kaya hindi ko kasama si kuya. May importante ka bang sasabihin sa kanya? " dugtong nito.

"W-wala. Thank you. Bye," paalam nya.

Nanlulumo syang sumandal sa gilid ng sasakyan. Nasa likuran sya ng kotse kaya naman kita nya mula sa rear view mirror ang maya't mayang pagsulyap ng driver nya. Nasa mukha ni Dan ang pagtataka ngunit hindi naman ito nangangahas na tanungin sya kung bakit sya hindi mapakali.

Tinignan ni Lorraine ang digital clock sa kotse. Sampung minuto makalipas ang ika-pito ng gabi ang oras. Limampung minuto na lang at aalis na si Chad. Ibinaling nya ang paningin sa bintana. Madilim na ang paligid. Tila mga bituin sa langit ang mga ilaw ng mga sasakyan. Halos magkabuhol-buhol na nga ang mga ito dahil sa bigat ng trapiko.

Hindi sya aabot sa oras. Malayo pa ang airport. Dagdag pa ang kakarampot na oras na natitira.

"Sa may--"

Hindi na hinintay pa ni Lorraine ang sasabihin ng kanyang driver. Kaagad syang lumabas matapos maiparada ang kotse sa entrance ng airport. Lakad takbo syang pumasok sa loob. Noong una'y ayaw syang papasukin sa lugar kung saan mga pasahero lang ang pwede dahil sa wala syang dalang mga dokumento. Lihim nyang pinagpasalamat na kabilang sya sa hindi basta-bastang pamilya sa bansa. Tinawagan lang naman nya ang ninong nyang may mataas na katungkulan sa airport na iyon kaya hinayaan syang papasukin. Isinantabi na nga nya ang hiya at mabuti na lang na hindi ito nag-usisa pa.

"Miss, yung flight papuntang Canada?" tanong nya sa babaeng nasa information desk.

Ngumiti muna ito sa kanya bago sinagot ang kanyang tanong. "Umalis na po ang eroplano Ma'am."

Natulala sya.

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon