CHAPTER 5

1.4K 20 0
                                    

CHAPTER 5

Kinabukasan alas-dos ng hapon na ko nagising . Nahirapan akong makatulog kagabi. Hindi maalis sa isip ko yung nangyari kahapon. Ang sama sa pakiramdam na yung matagal mong hinanap ayan na abot kamay na pero nakawala pa. Siguro di talaga siya para sa akin. Susuko na lang ba ako? Hindi pwede. Ngayon pa ba ko susuko? Kung kailan nakita ko na ulit siya. Bahala na nga.

Napapitlag ako nang biglang kumatok si mama.

"Chad gising na! Hapon na at hindi ka pa nagbreakfast at lunch." Si mama talaga kahit kailan napaka-thoughtful.

"Yes, ma! bababa na po ako." bumangon na ako at saka nagbihis. Naka-boxer shorts lang kasi ako kapag natutulog.

"Sige magpapahain ko na kay Manang."

"Hmmmm ang bango ng luto ni manang ha. Mukang mapapadami kainko nito," sabi ko habang hinihila ko ang upuan sa dining table.

"Ikaw talaga Chad hilig mambola." Si Manang Carmen ang yaya ko nung bata pa ko. Siya lang ang pinagkakatiwalaan nila mama sa mga naging kasambahay namin. At parang pamilya na rin ang turing sa kanya.

"Totoo naman manang." The best talaga ang lutoni manang. Kare-kare at ang favorite kong menudo ang inihain niya sa akin.

"Chad Mikael?" 

Uminom muna ko ng juice bago ako bumaling kay mama. Siguradong may importanteng sasabihin si mama. Tinatawag lang naman nya ko sa buo kong pangalan kapag ganun nga.

"Yes, ma ano po yun?"

"Are you free next Saturday?"

Next Saturday? Iniisip ko kung anong date yun. "Anong date po ba yun ma?"

Lumiwanag ang mukha ni mama. Kahit 42 na siya ang bata pa rin niyang tignan. "May 2, so pwede ka?"

"Wait ma, ano pong meron?"

"Remember Mr. Carl Cervantes?"

Parang familiar. Sino nga ba yun? Napaisip tuloy ako.

"Is he dad's best friend?" 

"Yes, he is."

"So what now ma?"

"He's looking for his daughter's escort. 20th birthday. Busy kasi si Carl this couple of years. He wants to make up for the years na hindi di nila nacelebrate ang birthday ng unica hija nila. Alam mo naman, business."

I know what my mom is talking about. I'm in the same position. I know the feeling na maging isang anak ng businessman. Puro business trips. Yung feeling na laging nakakalimutan ng sarili mong magulang na icelebrate ang birthday mo dahil puro business ang nasa isip nila. Naiiintidihan ko naman yun dahil para rin sa amin ni Jade yun kaya di ako nagtatanim ng sama ng loob sa kanila. Medyo nagtatampo lang. Pero bumabawi rin sila pag di masyadong busy sa trabaho.

Teka, teka. May 2 daw?

"May 2 po ma?" tama nga ba ko ng dinig.

"Yes, May 2. May lakad ka ba that day?"

Nahihiya man ako kila mama at kay Tito Carl hindi ako pwede. Sa totoo lang di ko rin naman kasi kilala yung unica hija ng mga Cervantes.

Naalala ko na. May 2, the day I met Miss Unkown. One year na rin pala yun. Nagbabakasakali ako na makikita ko ulit siya sa coffee shop. I don't expect anything. Pero hindi naman masamang umasa.

"Eh, ma".

"Di ka pwede?" Parang nalungkot ang mukha ni mama.

"Sorry ma. I have important things to do on May 2. Please give my sincere apology to Tito Carl."

"It's okay sweetheart. I'm sure makakahanap naman sila ng iba," nakangiting sabi ni mama. "Yun nga lang hindi sila makakahanap ng kasing gwapo mo hijo."

Natawa ko sa sinabi mama.

"At mukhang may aasikasuhing iba 'tong binata ko," biro pa nya.

"Ma!! Wala po". Alam ko na kasi ang tinutukoy ni mama.

"Basta dalhin mo rito sa bahay. Dapat makilatis muna ng mama yan". Nakangiting sabi niya.

Napakamot na lang ako sa ulo at hinalikan siya sa pisngi. "Sige ma, mag-shoshower lang po ako".

"Ang binata ko umiiwas sa tanong ng mama niya. Ayaw pag-usapan ang lovelife."

 ------

to be continued...

Author's Note:

Thank you for reading my story.

VOTE-COMMENT-BE A FAN

--Alizah Ann

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon