CHAPTER 28
------------
Marahan nyang pinihit ang door knob at patagilid na pumasok sa silid ni Lorraine. Nababalot ito ng puting kumot at mahimbing na natutulog.
Lumapit sya sa dalaga at pinagmasdan ito. Hinaplos ang gilid ng maamo nitong mukha. At hinawi ang mangilan-ngilang hibla ng buhok na tumatabing sa mga mata nito.
"Lorraine" Usal nya sa pangalan nito.
She unconsciously gave him a faint smile.
-----------
Iminulat ni Lorraine ang mga mata nang maramdaman nyang hindi sya nag-iisa sa silid. Iniharang nya ang mga kamay nang masilaw sa sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana nito.
Nakatayo ang isang lalaki sa gilid ng bintana at hinahawi ang kulay berdeng kurtina.
Hindi nya maaaninag ang mukha ng lalaki dahil sa nakatalikod ito at nanlalabo pa ang mata nya dulot ng sinag ng araw.
"Dree, ikaw ba yan?"
Muntik na syang mapatalon sa kama nang biglang magsalita ito.
"We haven’t seen each other for a couple of months. Hospital, what a nice place to meet my little sister again eh?" Sarkastiko nyang bati sa pupungas-pungas na kapatid.
"K-kuya?! What are you doing here? H-how did you know?"
"Connections" seryosong wika nito.
Napakunot sya ng noo sa sagot ng nakatatandang kapatid. Sa tono kasi ng pagkakasabi nito ay parang nagpaimbestiga pa ito para lang mahanap sya.
"Kidding. Your friends told us kaya sumama na rin ako kay mom----"
Nanlaki ang mga mata nya sa narinig. Hindi nya inaasahan na naririto rin ang mommy nya. Hindi sya makapaniwalang magpupunta ito sa Bataan dahil lang sa kapirasong sugat na natamo nya. She knew her mom as a loving mother pero alam nya rin na masyado itong busy sa pamamalakad ng kanilang business. "Mom is here??!!"
Ipinamulsa nya ang mga kamay sa suot na black hooded jacket. Naupo sya gilid ng kama. Humarap sya at binigyan ng nakakalokong ngiti ang kapatid.
"Yeah, kaya lagot ka!!" Pagbabanta nya sa dalaga.
"I’m not a kid anymore kuya!! Hindi mo na ko matatakot sa ganyan. Wait, kanina ka pa ba dito?"
"Naaah, ngayon lang. Three minutes ago?"
"Huh? Pero parang may tao kanina---"
"Baka ang kaluluwa ng huling gumamit ng room na ’to"
"Eh okay ka lang? But, I felt his hand on my forehead and he even called my name"
"So you have a male ghost stalker, don’t you? Baka magselos nyan ang boyfriend mo"
Bumukas ang pinto. Nahinto ang pag-uusap ng dalawa nang bumungad sa kanila ang nakangiting mukha ni Mrs. Cervantes. "Nagtatalo na naman ba kayong magkapatid?"
Nagliwanag ang mukha ng dalaga nang makita ang ina. Tumayo sya at dali-daling isinuot ang flip flops na nasa ibaba ng kama."Ma!! ---ouch" Nawala na sa isip nyang may sugat pala ang kanyang paa. Napaupo syang muli sa kama kaya naman napabilis ang paglapit ni Vanessa sa kanyang unica hija.
"My clumsy little girl"
"Ma!!"
Napayakap na lang sya sa ina nang maupo ito sa tabi nya Nakagat nya ang pang-ibabang labi upang pigilin ang tinitimping pagpatak ng kanyang mga luha. Ramdam na ramdam nya ang pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa kanya.
BINABASA MO ANG
Finding Miss Unknown [Completed&Revising]
Teen FictionSi Chad. Nasaktan. Iniwan. Muling nagmahal. Paano kung ang babaeng muling nagpatibok sa kanyang puso ay may mahal na palang iba? At ang taong iyon ay isang lalaking malapit sa kanya? Ito ang kanyang kwento, ang paghahanap sa kanyang “Miss Unknown”. ...