CHAPTER 39.1

711 6 3
                                    

Support this story by clicking "VOTE" And please leave your comments. 

Thanks! Enjoy reading!

CHAPTER 39.1

------------

"Sino ang pamilya ng pasyente?"

Napaangat ng ulo si Chad nang marinig iyon. Nakaupo sya sa mahabang upuan na nasa labas ng emergency room kung saan kasalukuyang ginagamot ang sugat ni Lorraine. Nakatukod ang mga braso sa kanyang mga hita. Mula nang isugod nila ang dalaga kanina sa ospital ay hindi sya umalis sa pwestong iyon.

Tila nagising sya mula sa isang masamang panaginip. Parang kailan lang nangyari ang tagpong iyon kung saan nawalan ng buhay si Nadine. Ang tagpong kahit kailan ay hindi nya malilimutan. Ang nadatnan nyang eksena kung saan nasa loob ng Room 404 si Nadine. Walang malay at nasa gilid nito ang umiiyak na sina Mylene at Akiro Miura at ang step brother na si Shin. Gusto na nyang ibaon iyon sa limot pero kusang dumaloy ang mga alaala nang ipasok sa loob ng emergency room si Lorraine.

"Wala pa ang pamilya nya Doc. Pero kaibigan nya kami," narinig ni Chad na sabi ni Tristan.

Tumayo na rin sya at lumapit sa kalalabas lamang na doktor. Ang ibang miyembro naman ng gang ay tahimik lang na nakamasid.

"Kamusta si Lorraine?" hindi nya napigilang itanong sa doktor. Kinakabahan sya dahil sa dami ng dugong nawala sa dalaga. Hindi nya mapapatawad ang sarili kung sakaling may masamang mangyari rito.

Hindi naman mainit dahil sa fully air conditioned ang ospital pero pinagpapawisan sya ng malamig. Ramdam nya ang butil-butil ng pawis sa kanyang noo.

"She's safe. Stable na sya ngayon. Ililipat na sya sa kanyang kwarto. Iyon lang muna ang masasabi ko. Excuse me," diretsong sabi ng doktor na nakaalis ng kaba ng lahat.

Napasandal si Chad sa gilid ng pinto. Huminga sya ng malalim. Isinuklay ang mga daliri sa kanyang gulong buhok at muling umupo. Ipinukol nya ang paningin sa pinto ng emergency room.

"Chad, ligtas na raw si Raine. Siguro naman pwede mo na ipatingin iyang mga sugat mo," wika ni Shin na nasa katapat na upuan.

"Oo nga Chad. Kami na bahala dito," segunda ni Third.

"Tama sila. Ipagamot mo na yan. Parating na rin ang kuya nya. Pati si Drix tinawagan ko na rin," pagsang-ayon ni Tristan na noon ay nakaupo sa tabi nya. Sinisipat nito ang hawak na cellphone.

Napatiim bagang si Chad. Hindi sya kumibo at tuluyang naglakad papunta sa nurse station ng ospital.

-------

Iminulat ni Lorraine ang mga mata. Puro puti ang nasilayan nya. Puting kisame. Puting pintura ng mga dingding. Puting kurtina sa mga bintana.

"Lee."

Napalingon sya sa pinanggalingan ng boses. Sino pa ba? Wala namang ibang tumatawag sa kanya sa ganoong pangalan maliban kay Drix. Kalalabas lang nito sa banyo na nasa loob mismo ng kanyang kwarto.

"Dree," tawag nya sa boyfriend na noon ay nasa gilid na ng kanyang kama.

Pinilit nyang maupo pero hindi pa kaya ng katawan nya. Napangiwi pa sya dahil sa kirot ng sugat na natamo sa likod.

"Huwag ka muna masyadong gumalaw," saway sa kanya ni Drix. Hinawakan nito ang magkabila nyang balikat at marahan syang inalalayang mahiga.

Walang kibong sumunod naman si Lorraine. Pinagmasdan nya si Drix habang inaayos nito ang kumot nya. Hindi man nya itanong ay alam nyang umiyak ito. Hindi iyon maitatago dahil sa namumula nitong mga mata.

"Okay lang ba na iwan muna kita sandali? Ibibili lang kita ng makakain. Hindi ka pa kumakain mula kagabi. Umuwi lang sandali ang kuya mo para ikuha ka ng mga damit," sabi ni Drix sa kanya.

"Nagpunta na ba si---" napatigil sa pagsasalita si Lorraine. Bahagya syang nagulat sa dapat na itatanong sa binata. "I mean nagpunta na ba sina mommy?" pag-iiba nya ng tanong kahit alam naman nya ang sagot. Alam nyang nasa business trip ang mga magulang kaya hindi ito kaagad makakauwi.

Hindi nya kayang titigan ang mga mata ni Drix kaya ibinaling nya ang paningin sa bintana.

"Bukas pa raw makakauwi ang parents nyo sabi ni Lawrence," walang pag-aalinlangang sagot ni Drix. Alam nyang si Chad ang gusto sanang itanong ni Lorraine. Masakit iyon para sa kanya kaya napagdesisyunan na nyang lumabas na ng kwarto.

Ipinikit ni Lorraine ang mga mata nang marinig ang pagsarado ng pinto. Isa-isang bumalik sa kanyang mga alaala ang mga nangyari kahapon. Ang pagpunta nya sa memorial park kung saan nakalibing si Nadine. Ang pag-uusap nila ni Chad. Ang pagdukot sa kanya ng lalaking nambastos sa kanya sa bar. Ang pagharang nya sa kutsilyo na dapat ay sa katawan ni Chad tatama.

Hindi na nya napigilan ang pagpatak ng mga luha sa pisngi. Nanginginig ang mga talukap ng kanyang mga mata habang sinasariwa ang mga nangyari. Lalo pang nakadagdag ang pag-amin nya sa sariling mahal nya si Chad. Oo, may boyfriend sya. Si Drix. Ang lalaking hindi na kailangan pang magsalita para malaman kung gaano sya kamahal nito.

Alam nyang mali. Alam nyang hindi dapat. Alam nyang may masasaktan.

Pero mahal nya rin si Chad. Hindi nya alam kung kailan pa nagsimula. Kung kailan pa nag-umpisa. Kung kailan pa nya naramdaman. Basta ang alam nya lang ay may nararamdaman sya para kay Chad.

'Kung magmamahal ka ng dalawa, ang piliin mo ay yung pangalawa. Hindi ka magmamahal ng iba kung sapat ang pagmamahal mo sa una.'

Iyon ang madalas nyang marinig sa mga romance movies kung saan ang bidang babae ay na-iinlove sa dalawang lalaki. Nangyayari nga kaya iyon sa totoong buhay?

Bukod sa pagiging boyfriend ni Drix ay kaibigan nya ito. Ayaw nyang masaktan ang binata.

Minura nya ang sarili. Ang sama nyang babae. She's selfish. Iyon ang tingin nya sa kanyang sarili. Magmamahal lang sya ay dalawa pa. At isa pa'y magkaibigan ang mga ito.

Nasa ganoon syang ayos ng marinig nya ang langitngit ng pinto. Agad syang tumagilid patalikod dito upang ikubli ang mga luha sa mga mata.

"Ang bilis mo naman ata?" tanong nya. Pilit nyang pinayapa ang sarili upang maitago ang basag niyang boses dahil sa pag-iyak.

Walang sagot.

"Dree?"

Wala pa ring sagot.

Hindi si Drix ang pumasok. Hindi kaya ang kuya nya ito?

"Kuya? Ikaw na ba yan?"

Agad niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi gamit ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan. Nakagat pa nya ang pang-ibabang labi nang kumirot ang nakatusok na dextrose sa kanang kamay. Bahagya itong dumugo.

Naramdaman nya ang paglapit ng bagong pasok sa kanyang hospital bed. Unti-unti syang tumihaya upang makita kung sino ang naroroon.

to be continued...

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon