CHAPTER 2

2K 33 4
                                    

CHAPTER 2

-------

Pumasok na ako isang coffee shop at saka umorder ng café latte at carrot cake.

"Hi, Chad! Kamusta?" tanong sa akin nung sa cashier. Si Mariz. Kilala na ako ng crew dito dahil every week mula ng araw na yun nandito ko.

"Eto, gwapo pa rin." sagot ko sa kanya. 

"Tim, malakas ata ang aircon hanu?" sabi nya sa barista sabay tawa.

"Haha,di ka na mabiro. Pero totoo naman di ba?"

"Oo na Sir." at saka inasikaso ang ibang customers.

"Sige bro, ipapadala ko na lang yung order sa table mo." Tim

Naupo na ko sa isang pangdalawahan na table.

Sinulyapan ko ang isang mahabang table malapit sa counter. Doon mismo siya nakaupo. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw  na yun. Ayan nagiging emotero na naman ako.

Kinapa ko sandali ang wallet ko. Isang picture ang nandoon. Ako at siya habang inaabot ko ang paper bag na may lamang dress. Napangiti tuloy ako. Haha malala na yata 'to.

"Yo bro!" May tumapik sa balikat ko. Nagulat ako at saka itinago ang wallet. Paglingon ko si Rick pala.

"Ginulat mo ko."

"Tsk, bro kung di lang kita kaibigan napagtawanan na kita. Haha. Hanggang ngayon hinihanap mo pa rin siya. Tibay mo ah!" Rick

"Hindi raw pinagtatawan. Eh ano yang ngingiti-ngiti mo dyan."

"Oo na oo na. Paano naman kasi nakakatawa ka talaga haha. Sumuko ka na lang. Payong kaibigan lang. Ang dami naman diyan. Si Lyka, si Maggie, si Mica. Sino pa ba?" Hawak pa ang baba habang nag-iisip na sabi ni Rick.

"Whatever bro. Kung gusto mo ligawan mo na sila." Napabuntong-hininga ako.

Muli kong tinignan ang table na iyon. Parang kailan lang. Naalala ko na naman ang mga nangyari noong araw na yun.

Kagagaling ko lang noon sa Canada para sa isang buwang bakasyon. Pagpasok ko pa lang sa isang coffee shop, kita ko na kagad ang tinginan ng mga babae.

Umupo ako sa isang lamesa malapit sa entrance ng coffee shop. Wala pa sila. Kahit kailan talaga lagi silang late. Kapag sinabing alas-dos, ibig sabihin pala nun alas-tres. Nagpa-late na nga ako ng 20 minutes, ako pa rin nauna.

Inilabas ko muna ang ipad ko para magfacebook muna. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin. Isang grupo ang nahagilap ng paningin ko. Anim silang lahat at yung lima nahuli kong nakatingin sa akin. Agad silang nag-iba ng tingin. Hindi ko na lang sila pinansin. Sanay na ko.

Pinagmasdan ko sila. Magaganda sila at makikita mong edukada dahil sa suot nila. Mejo formal.

Napatingin ako dun sa isang babae na hindi nakatingin sa akin kanina. Mejo maputi, may maamong mukha at ganda nya pag tumatawa.

Hindi ko namalayan nasa tabi ko na pala si Tristan.

“Hey bro, sino yang tinitignan mo? Baka matunaw”. Tristan

“ O, nandyan ka na pala. Nasaan na yung iba? Namiss ko kayo bro”.

“Iniiba mo usapan. Chicks na naman. Haha” Tristan

“Nothing. She's not my type”.

“Whatever bro! Nga pala,malalate daw sila Rick. Nasiraan yung Montero nya. How's your vacation? For sure dami mong naiwang chicks sa Canada. Haha” Tristan

“Ayo lang. Mas gusto ko pa rin dito. You know what?”

“Malamang hindi”

“Ay TSK, patapusin mo muna ko. They planned it. Pinagbakasyon nila ko sa Canada para dun icontinue ang studies ko”.

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon