CHAPTER 35

748 10 5
                                    

A/N 

Support this story by clicking "VOTE". And comment na rin kayo. Thanks. Enjoy reading!!

CHAPTER 35

------------

Hindi nakakibo si Lorraine sa pagkabigla. Akmang ihahakbang na nya ang mga paa nang hawakan sya ni Ryan sa kanang braso.

"Raine, saan ka pupunta? May problema ba? May masakit ba sa’yo?" Magkakasunod na tanong sa kanya ng binata. Nakakunot ang noo nito. Nakatitig sa bahagyang nakuyong ulo ng dalaga.

Iniangat ni Lorraine ang mukha. Napatitig sya sa mga mata ni Ryan ngunit agad nya rin iyong iniiwas.

"I’m sorry, Ryan. I have to go."

"Ihahatid na kita," wika nito.

Humarap sya sa binata at binigyan nya ito ng isang pilit na ngiti. "Huwag mo na kong ihatid. Kailangan ka pa dito" Iginala nya ang paningin. "May susundo naman sakin," pagsisinungaling nya.

Nahihiya man dahil maiiwan itong mag-isa sa party ay napagpasyahan nyang lisanin na ang lugar na iyon. Hindi nya lubos maisip na magagawa iyon ni Drix.

Nakakailang hakbang na sya papunta sa pintuan ng function hall nang magtama ang mga mata nila ni Drix. Inaasahan na nya ang pagkabigla sa mukha ng binata.Nakita pa nya ang pagsulyap nito kay Bianca. Nakahalukipkip ito at may ngiti sa mga labi.

Hindi na nya hinintay pa na makalapit sa kanya ang binata. Huminga sya ng malalim. Walang lingong lumabas na sya ng function hall at huminto sa tapat ng elevator.

Bago pa man magbukas ang pintuan ng elevator ay nakarinig sya ng mga papalapit na mga yabag. Ilang segundo lang ay nakita nyang nakatayo ang binata ilang metro ang layo sa kanya. Habol nito ang kanyang paghinga.

"Lee, mali ang iniisip mo. Let me explain." Nasa mata ni Drix ang bahid ng pagmamakaawa.

Nag-iwas ng tingin si Lorraine. Bahagyang kinagat nya ang pang-ibabang labi upang pigilin ang panunubig ng mga mata.

Bago pa man makalapit si Drix sa dalaga ay naramdaman na nya ang pagpulupot ng mga kamay ni Bianca sa kanyang braso. Hindi iyon nakaligtas kay Lorraine. Tanaw nya mula sa peripheral view ang presensya ng dating girlfriend ng binata.

"Aldrix please," dinig nyang wika ni Bianca.

Nang magbukas ang pintuan ng elevator ay agad namang pumasok si Lorraine at mabilis itong pinindot upang magsara.

Napabulalas ng iyak ang dalaga. Napakasakit palang makitang may kahalikang iba ang binata. Tila may ilang karayom ang tumusok sa puso nya. Mahapdi. Nakapanlulumo.

Malalaki ang mga hakbang nyang tinungo ang lobby ng hotel hanggang sa makarating sya sa labas kung saan may mga naglipanang mga sasakyan. Pumara sya ng taxi. Narinig pa nya ang pagsigaw ni Drix sa pangalan nya. Hindi na nya ito nilingon at agad pumasok roon.

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon