CHAPTER 10
THIRD PERSON'S POVSi Drix at Lorraine.
Bakit?Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Chad.
Hindi naman natinag ang may kalakihang puno ng mangga sa tabi nya. Hindi pa sya nakuntento. Isang suntok pa muli ang pinakawalan nya. At dito tuluyan nang nagdugo ang kamay nya. Dumudugo ito at namamaga na ngunit walang nararamdamang sakit si Chad. Mas pumapaibabaw ang sakit na nararamdaman ng kanyang puso. Akala nya hindi na nya muli mararamdaman ang sakit na iyon. Ang sakit na iniwan sa kanya ng taong lubos nyang minahal ilang taon na ang nakakaraan.
Ibinuhos nya ang lahat ng sama ng loob sa isa pang suntok nang makaramdam sya ng sakit. Hindi sa kamay nya.
"ARAAAAAY"
Napahawak sya likuran nya habang minamasahe ng kaliwang kamay ang ulong nasaktan.Pupungas-pungas syang bumangon mula sa pagkakahulog sa kama.
"Shit, ang sakit nun ah" usal ni Chad sa sarili.
Nahagilap ng paningin niya ang orasan. Mag-aalas onse na ng umaga. Kumunot ang noo nya nang marinig ang sunod-sunod na tunog ng door bell. Lumapit sya sa pintuan upang tignan kung sino ang kumakatok. Binuksan nya ito at ang nakangiting mukha ni Lorraine ang nasilayan nya.
Napangiti sya. Naalala nya ang nangyari. Si Drix at Lorraine.
Mabuti na lamang at isa lamang iyong panaginip. Magsasalita na sana si Chad nang napagtanto nyang hindi pala nag-iisa ang dalaga.
Kasama pala nya si Drix. Masyado kasi syang napatitig kay Lorraine.
"Bro, sarap ng tulog ah! Kanina pa kami katok ng katok dito" Drix
"Oo nga Chad, di ka na nakapagbreakfast. Tara na sa baba. Magswimming tayo!" nakangiting sambit ni Lorraine.
Napakamot naman sa ulo si Chad. "Sorry ha, late na kasi ko nakatulog. Namahay siguro haha. Sige sunod na lang ako"
"Okay"
"Let's go Lee"
Pumasok na muli si Chad at saka nagshower. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Akala nya totoo. Pinagmasdan nya ang kanang kamay. Walang sugat o gasgas manlang.
"Panaginip" he smirked.
-----
Nadatnan nyang magkakaharap ang mga parents nya, ni Drix at Lorraine. Parang business meeting lang ah.
"Good morning po"
"O, hijo. Nasa beach sila Drix. Sige na at isama mo na rin si Trixy" sabi ng mama nya.
"Yes, ma" pinuntahan nya si Trixy na busy sa paglalaro sa kanyang ipad.
BINABASA MO ANG
Finding Miss Unknown [Completed&Revising]
Teen FictionSi Chad. Nasaktan. Iniwan. Muling nagmahal. Paano kung ang babaeng muling nagpatibok sa kanyang puso ay may mahal na palang iba? At ang taong iyon ay isang lalaking malapit sa kanya? Ito ang kanyang kwento, ang paghahanap sa kanyang “Miss Unknown”. ...