--------
"Hey Lexi, kinakamusta ka nga pala ni Nathan. Tinatawagan ka raw nya pero hindi ka nya macontact" sabi ni Jessy habang hawak ang phone. Nandito kami ngayon sa shop ng Aldo. Mahilig kasi sila sa mga high heels. Ako naman mas gusto ko ang mga flat shoes. Pag may special occasion lang ako nasusuot ng high heels. Mas comfy sa paa ang mga flat shoes since hindi naman ako ganun kaliitan, katamtaman lang ang height ko.
"Dead battery na yung phone ko eh, ano sabi?"
"Tinatanong kung nasaan ka"
"Hindi mo naman siguro sinabi kung nasaan tayo di ba?" Lumapit si Lexi kay Jessy. Bitbit lang naman nya ang tatlong paper bag ng high heels nya.
"Ofcourse--"
"Mabuti naman"
Nagpunta na rin siJessy sa cashier para magbayad. "Ofcourse yes"
"Jessy!"
"Bakit ba ayaw mo?" Jessy
"Wala lang" Lexi
"In good terms na rin naman kayo di ba?" tanong ko naman sa kanya.Nandito naman kami ngayon sa 3rd floor. Umandar na naman kasi ang pagiging shopping addict nitong si Jessy.
"Yep. Okay naman kami"
"So you guys are officially dating?" Sandy
"We’re friends"
"Showbiz naman ang sagot mo girl!"
"Bakit ba ako ang topic?"
"Syempre ikaw ang bagong lumalove life" Jessy
"Magkaibigan nga lang kami ni Nathan" Lexi
"Yah friends. Friends na laging magkatext" Jessy
"Magkatawagan" Sandy
"Magkadate"
"Pati ba naman ikaw Raine!" Si Lexi namumula na. Nauna na sya sa paglalakad at dahil nakayuko sya at tinatago yung pagbublush nya hindi nya napansin yung makakasalubong nya.
"Lexi!! Si Nathan!!!" Sigaw ni Jessy.
"Ang kulit nyo! Hindi nga sinabi---awwww" At ayun na nga, nauntog si Lexi kay Nathan. Kamuntik pa syang matumba kung hindi lang sya nahawakan sa braso ni Nathan. Ang ending ay magkayakap sila ngayon . Lumapit naman kagad kami sa pwesto nila.
"Ang sweet naman" nakangiting sabi ni Jessy sa dalawa.
"Parang music video lang" Sandy
"Ehem! Nasa mall tayo" Parang natauhan naman yung dalawa sa sinabi ko. Naghiwalay na sila. Si Lexi parang kamatis sa pula. Kilig kaya yun o hiya? Si Nathan naman nakangiti lang. Bakit ba may naaalala ko sa mga ngiti nyang yun.
So nililigawan na pala nitong si Nathan ang kaibigan ko. Mukhang nagpapagood shot samin at inaya kaming magdinner dito sa isang classy na restaurant. May pagka-European ang interior design ng lugar kaya puro Italian foods ang nasa menu.
"Parang familiar itong place" sabi ni Jessy
"I was about to say that. If I’m not mistaken kumain tayo rito before" pagsang-ayon ko kay Jessy.
"Talaga? Last time na nagpunta kami rito, sila Drix ang kasama ko. Kakilala ata ni Chad yung may-ari nito" Nathan.
"Si Drei ang may-ari nito" sabi naman ni Sandy.
"Sino naman yun?" tanong naman ni Nathan.
Si Andrei . Gang member sya ni Darren.
"Ex-boyfriend ko" nakingiting sagot naman ni Lexi. Pero parang may iba sa ngiti nyang yun. Parang behind the smile on her face ramdam ko yung lungkot sa mga mata nya. Sayang naman kasi ang pinagsamahan nung dalawa. First boyfriend pa naman ni Lexi si Drei.
BINABASA MO ANG
Finding Miss Unknown [Completed&Revising]
Teen FictionSi Chad. Nasaktan. Iniwan. Muling nagmahal. Paano kung ang babaeng muling nagpatibok sa kanyang puso ay may mahal na palang iba? At ang taong iyon ay isang lalaking malapit sa kanya? Ito ang kanyang kwento, ang paghahanap sa kanyang “Miss Unknown”. ...