CHAPTER 30

765 6 0
                                    

CHAPTER 30

-----------

Inaayos ni Lorraine ang mga lectures at handouts na ginamit nya noong first semester sa kanyang study table nang tumawag si Drix.

"Hello, Lee," bati ng binata nang iangat ni Lorraine ang cellphone.

"Dree, I’m sorry kung hindi ko nasagot ang tawag mo kagabi. Nakatulog kasi ako kaagad pagkahatid ni ate Iyah," pagsisinungaling nya.

"Since alam mo ang kasalanan mo sa akin, hindi na kita paparusahan."

"What?" gulat nyang tanong sa kabilang linya.

"Biro lang. Anyway, prepare yourself. I’ll pick you at five. Bye."

Napapailing na ibinaba ni Lorraine ang cellphone. Saan na naman kaya sila pupunta at kailangan pa sya nitong sunduin ng five.

Saktong alas-singko ay nag-aabang na si Drix sa salas ng bahay nila Lorraine. Nang makababa si Lorraine ng hagdanan ay nadatnan nyang nakikipagkwentuhan ang binata sa mommy nya.

"Alis na po kami Tita."

"Take care of our princess hijo. Ingat sa pagmamaneho" Bilin ni Vanessa sa binata.

"I will Tita."

Nakangiting hinatid na lamang sila ng tanaw ni Vanessa sa maindoor ng bahay.

Pinagbuksan naman ng binata si Lorraine ng pinto at inalalayan hanggang sa pagsakay ng kotse. Ganoon si Drix palagi. Ganoon ito ka-showy sa pagmamahal nito sa kanya.

Nasa loob na sila ng kotse nang magsalita si Lorraine.

"Saan ba tayo pupunta ha?"

"Sa Makati," simpleng sagot nito. Ini-start na ang kotse.

"Sa Makati?"

"Oo, nagpareserve na sila sa restaurant. Birthday ni ate. Family dinner lang" sagot nito habang nakatuon sa daan ang atensyon.

"Bakit di mo kaagad sinabi? Idaan mo muna sa mall. I need to buy something for her. Ate Iyah didn’t mention nung nagkasama kami."

"Hindi na kailangan. Presence mo lang ayos na sa kanya. And believe me, sakit na ata nya ang pagiging makakalimutin. Pati sariling birthday nakalimutan," natatawang sabi ng binata.

"Basta, idaan mo sa mall Dree. Nakakahiya kaya."

Napangiti si Drix. Alam nyang kukulitin at hindi sya titigilan ni Lorraine kapag hindi nya ito sinunod.

Marahang iniliko ni Drix ang kotse nang makakita ng U-turn spot at naghanap ng parking space malapit sa entrance ng nadaanan na mall.

Nakangiti nyang sinulyapan ang dalaga. "Happy?"

Tumango-tango lang sya.

Nagtuloy sila ni Drix sa shop ng isang sikat na brand ng sapatos. Sinalubong sila ng saleslady at inassist papunta sa new arrival section ng stiletto. Tutal puro dress at blouses ang pinamili ni Aliyah kahapon, stiletto ang naisipang iregalo ng dalaga.

"Dree," tawag nya dito nang makitang nakaupo lamang ito at kinakalikot ang hawak na cellphone.

"Hmmm?"

"What do you think of this one?" Ipinikita nya rito ang isang black four inches stiletto na may red detailed design.

"Okay lang."

"How about this?" Ipinakita naman nya ang isang plain deep red four inches stilleto.

"Okay lang."

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon