CHAPTER 8

1.3K 20 4
                                    

CHAPTER 8

-----------------

Nang matapos ang maikling program, pinangunahan nina Lorraine at Mr. Cervantes ang pagsayaw sa dance floor. Naka-focus lamang ang atensyon ni Chad sa babae. Hindi nya magawang alisin ang paningin sa kanya. Napakaganda nya sa suot nyang black night dress. Eleganteng-elegante ang tindig ng dalaga.

Tahimik lamang na nagmamasid ang binata sa kaliwang bahagi ng event hall. Halos lahat ng bisita ay nasa dance floor na.

Napangiwi sya nang makitang hindi na si Mr. Cervantes ang kasayaw ng dalaga. Parang nakaramdam sya ng kaunting selos nang makita nya kung sino ang nakahawak sa bewang nito. Sweet dance.

Alam nyang wala syang karapatang magselos dahil wala naman silang relasyon at isa pa kaibigan nya si Drix.

Naikuyom pa nya ang kamao nang makitang inilapit ni Drix ang mukha sa dalaga na parang may ibinulong. Kitang-kita nya mula si kinatatayuan kung paano ngumiti si Lorraine. Kung hindi sya nagkakamali nagblush ang dalaga at mahinang tinapik si Drix sa balikat.

Paulit-ulit nyang naririnig sa isip nya ang sinabi ni Drix kanina.

"First love ko yun"

"First love ko yun"

"First love ko yun"

"First love ko yun"

  

Napagdesisyunan nyang lumabas na lang ng event hall. Tumalikod na sya at nagsimulang maglakad nang may tumawag sa pangalan nya.

"Chad!"


Napalingon si Chad sa taong tumawag sa kanya. Si Drix. Awtomatikong napatingin sya sa kamay ng kaibigan. Hawak nya ang kamay ni Lorraine.

Napako ata ang tingin nya roon. Sana nagbingi-bingihan na lang sya at tuluyan nang umalis sa lugar na yon.

Parang nagising sya sa pagkakatulala nang magsalita ulit si Drix. Binitiwan na nya ang kamay ng dalaga.

"Bro, saan ka pupunta? Aalis ka na ba?"

Isang pilit na ngiti ang binigay ni Chad. "May kukunin lang ako sa kotse," pagdadahilan nya kahit di naman totoo.

  

"Ah, wait, I want you to meet Lee," nakangiting sabi ni Drix.

"Lee, si Chad pala."

"Magkakilala na kami Dree," she smiled. 

"I thought di mo sya kilala ha bro?" tanong nya kay Chad.

Sasagot na sana sya nang magsalita si Lorraine. "I know him for so many years na...ah eh, I mean kanina lang pala kami formally nagkakilala, ahe-he-he"

Medyo naguguluhan si Chad sa sinabi ni Lorraine. For so many years na syang kilala?

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon