CHAPTER 12

1.1K 13 0
                                    

CHAPTER 12

---------------------

CHAD'S POV

Wala ako sa mood mag-xbox. Matutulog na lang ako.

"Hoy Nathan" Rick

"ANO? Maka-hoy ka naman"

"Mamaya ka na makipagtext dyan. Kumuha ka muna ng softdrinks sa kitchen"

"Bahay ko? Kaw may-ari eh kaya ikaw kumuha!"

"Aba teka. Tignan mong naglalaro kami ni Tristan dito eh!"

"I'm busy! Si Chad na lang!"

Narinig ko pangalan ko. Aba idadamay pa ko.

"Psh ako na nga!" Luke

"Yeah boy! Buti nakaramdam haha" Nathan.

Ang ingay naman ng mga 'to di ako makatulog. Kukuha lang softdrinks nagtuturuan pa.

Sa wakas na tahimik din sila.

"Woah! Ang daya mo Tristan! Ahh langya! Kabanas talo na naman ako!"

"HAHAHA! Paano ba yan Rick? Yung pustahan natin ha!"

"May pinagpustahan ba tayo?" painosenteng tanong ni Rick.

"Hoy Derrick! Don't fool me. Akin na yung isa mong big bike" Tristan.

"Araaay Tristan. Oo na, araaay!"

Ayun nagwrestling na sila. Walang pinagbago. Isip bata pa rin.

---

Humihingal na pumasok sa arcade room si Luke. Napahinto tuloy sa pagwrestling yung dalawa.

"Oh, nasaan na yung softdrinks?"

"Bakit hinihingal ka? Nagmarathon ka ba?"

"Bakit namumutla ka?"

"Para kang nakakita ng multo!"

Hindi pa rin makapagsalita 'tong si Luke sa sobrang hingal.

"Ano ba kasing meron? Wag mong sabihin na may multo nga sa bahay nila Rick?" Nathan.

"Baliw!" binatukan tuloy ni Rick si Nathan.

"M-may may" hingal na sabi ni Luke.

"May ano?" sabay-sabay nilang tanong kay Luke.

-----

Pinapasok na ng guard ng mansyon nila Rick ang sasakyan ni Drix. Tutal kakilala na sya rito pinapasok na sila kagad ni Lorraine.

"Good afternoon Sir Drix, maam. Nasa arcade room po sila senyorito. Maiwan ko na muna po kayo" magalang na bati ng mayordoma ng mansyon bago tuluyang pumasok ng kitchen.

Nasa sala sila Drix at Lorraine nang magring ang cellphone ng una.

"Lee" hawak na nito ang cellphone.

"Sige Dree, answer the call. I'll wait you here" nakangiting sabi ni Lorraine.

"Okay"

Lumabas muna si Drix papuntang garden para sagutin ang tawag. Naiwan namang nakaupo lamang sa sofa sa may salas si Lorraine. Iginala nya ang paningin sa kabuuan ng bahay. Malaki at maganda ito. Kapansin-pansin ang mga mamahaling paintings na nakasabit sa dingding. Kahanga-hanga rin ang disensyo at istraktura nito. Pulido ang mga disensyo at napakaganda. Dahil ilang minuto na rin ang nakakalipas nang lumabas si Drix, nakinig na lamang sya ng music sa kanyang ipod. Napapikit sya.

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon