CHAPTER 7

1.4K 18 1
                                    

CHAPTER 7

 ---------------

Ilang minuto rin ang nakalipas bago ko naalala kung ano ang ipinunta ko rito. Kailangan ko na nga pa lang ibagay kay dad ang mga documents na ipinadala nya.

"Trixy let's go. I need to talk to your papa Albert. Where is he?"
Ayaw ni dad magpatawag ng lolo kaya papa Albert ang tawag ni Trixy sa kanya. Tutal di pa naman daw sya mukhang matanda.


"There!" nakaturo siya sa may likod ko. Paglingon ko papalapit na pala si dad kasama si mama.

Iniabot ko na yung folder nang makalapit sila. "Thank you hijo. I'm sorry if I disturbed what you're doing earlier."

"Ulyanin na kasi yang daddy mo Chad," natatawang sabi ni mama.

"Mommy hindi pa ko matanda."

Natawa naman ako sa lambingan ng parents ko.

"So paano? Uwi ka na rin ba kagaad?"

"No, I'll stay here." naisip ko paano pa ko aalis kung nandito yung hinahanap ko.

"Good. Tutal magsisimula na rin naman ang party maya-maya."

"And I'll introduce you to Carl's daughter. She's so beautiful. Kamukhang-kamuka ni Vanessa. Siguradong magkakasundo kayo."

Narinig kong sabi ni mama. Pero wala sa sinasabi niya ang atensyon ko. Isa lang nasa isip ko ngayon. Ang makausap ulit si Lorraine. Mukhang aattend din sya ng party mamaya.

"Hijo, Chad."

"Y-yes, ma?"

"Is there anything bothering my son? Kanina pa ko nagsasalita pero di ka naman ata nakikinig," kunwa'y nagtatampong sambit ni mama.

"Sorry mama, may iniisip lang po."

"Parang may iba sa ngiti ng binata ko ha. Meron ka bang dapat ikwento ha Chad?"

Natawa na lang ako sa sinabi ni mama. Iba talaga ang mother’s instincts.

----

Nagpalipas muna ko ng oras sa loob ng kotse dahil wala rin naman akong makausap sa loob. Papasok na lang ulit ako kapag magsisimula na.

Nakaupo ako sa driver's seat nang may pumaradang sasakyan sa tabi ng kotse ko. Pamilyar ang kotse na ito ha. Parang kay Drix. Lumabas ang isang lalaking naka-black tuxedo. Si Drix nga.
Teka, ano kaya ginagawa nya dito. Hindi nya ko nakita dahil tinted ang sasakyan ko.

Lumabas na ko ng sasakyan. Halata sa mukha nyang nagulat sya na nandito rin ako.

Lumapit siya.

  

"Bro, what are you doing here?"

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon