CHAPTER 20.1

935 7 0
                                    

CHAPTER 20.1

--------

Inihinto ni Dree yung sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. Well, hindi sya maituturing na isang bahay lang, ang mansyon ng mga Villegas. Pinagbuksan na kami ng gate ng security guard nila. Malawak yung space saloob ng bakuran at medyo malayo yung mismong masyon sa gate nito. Nakapunta na ko rito when I was achild. Close kasi ang family namin sa family nila Dree. Actually, business partners ang mga mommy namin. Kaso last May, nung birthday ko lang ulit kami nagkita since nung sa France na kami tumira. Doon na ko nag-aral with my kuya Law. Ang parents ko kasi umuwi rin ng Pilipinas after a year para asikasuhin yung business namin dito. Bumibisita lang kami ni kuya kila mommy every vacation. Then, after 8 years in France, dito na ko sa Pilipinas nag-college.

Ang daming pinagbago dito. Wala na yung swing doon sa ilalim ng puno ng acacia. Hindi ko napansn na pinagbubuksan na pala ko ng pinto ni Dree. Lumabas na ko ng kotse.

"It's good to be back here" sabi ko na lang habang nakatanaw sa bakuran nila. He intertwined his fingers with mine. Nakangiti sya at nakatingin sa puno ng acacia.

"Lee, remember that tree?"

"Yeah, pero wala na yung swing"

"Nasira na. Ang tagal mo kasing bumalik eh" sinabi nya yun habang nakatingin sa mga mata ko. Ang seryoso nya ngayon.

"Lorraine hija" bati sakin ng mama nya habang papalapit sa pwesto namin malapit sa main door. 

"Good evening Tita Emma" she hugged me. Then, inakbayan ako ng mommy ni Dree papasok sa mansyon nila. I didn't expect na kumpleto sila ngayon. Nasa dining area na si Tito Matteo, ang daddy ni Dree.

"Hon, nandito na si Lorraine" sabi ni Tita kaya naman tumayo si Tito para batiin ako.

"Kumusta hija?"

"Mabuti naman po Tito"

"RAINE!!!!!" napalingon ako sa bagong pasok. A beautiful lady in front of me. Namiss ko sya.

"Ate Iya!" ang ate ni Dree, si Aliyah Villegas. Balita ko nagmomodel sya sa Europe.

"Ang tagal nating hindi nagkita ha. Sayang hindiako nakapunta nung party mo!"

"I was about to ask you that. Bakit nga ba?"

"Kakauwi ko lang nung isang araw from London. Wait, balita ko kayo na ng baby brother ko!"

"ATE!"

"Haha wag ka na mahiya Aldrix. Sinabi na ni mommy! I'm happy for the two of you. Raine, kapag pinaiyak ka ni Aldrix sabihin mo sakin ha"

"Pssh" si Dree nakaiwas lang ng tingin sakin. Namumula sya. Eeeeeh ang cute nya.

"Okay" I just smiled at her, ganoon din yung parents nila. I know Dree will never make me cry. I trust him.

Napansin ko naman na nasa amin ni Dree ang mga mata nila. Nakakaconscious kaya. Si Dree naman panay lang ang lagay ng food sa plate ko. Hindi kaya tumaba ako nito?

"Aldrix, your girlfriend is a 20-year old lady. Hindi 5 years old" natatawang sabi ni ate Iya. Hindi sya pinansin ni Dree at isang tinidor na may isang maliit na slice ng cordon bleu ang nasa harap ko ngayon.

"Huh?"

Nakangiti lang sya sakin. "Try this Lee, favorite mo 'to di ba?"  Matatanggihan ko ba naman yang ngiting yan? At sa harap pa talaga ng family mo ano? Feeling kokanina pa ko namumula sa kinauupuan ko. Dree naman eh. 

"Ako nagluto nyan hija" sabi naman ni Tita Emma.

Sinubo ko yun at voila " Ang sarap Tita" Totoo yun,masarap talaga yung cordon bleu ng mommy ni Dree compared sa mga inoorder ko sa mga restaurants.

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon