CHAPTER 31

711 11 4
                                    

A/N

Nakakalungkot lang kasi nadadagdagan yung reads pero yung votes hindi. Sa 30 chapters na pinost ko never naman ako nagdemand ng votes. I just write "VOTE-COMMENT", that’s it. Hindi naman siguro masamang magdemand ako this time kahit 2 votes lang per chapter? Show your support by clicking vote. thank you.

CHAPTER 31

-------------

"Nahihilo ka pa ba?" Sa daan nakatuon ang atensyon ni Drix. Kalalabas lang nila ng parking lot ng restaurant. Ihahatid na nya ang dalaga sa bahay nito.

Hindi kumibo si Lorraine. Bahagya syang nakasandal sa bintana ng kotse at nakatingin sa kawalan.

Marahang ipinatong naman ni Drix ang kanang kamay sa kamay ng dalaga nang mapansin na hindi ito sumagot at wala sa kanya ang atensyon nito.

"Lee? Are you with me?"

Napabaling naman sa kanya ito. Blangko ang mukha.

"Ha? Ano ’yon?" tanong nito.

"Sabi ko, nahihilo ka pa ba?" ulit nya.

"H-hindi na," mahinang tugon sa kanya.

Masuyong hinalikan ni Drix ang kamay ng girlfriend.

Walang kibo si Lorraine. Hindi mawala sa isip nya ang tagpong nadatnan sa labas ng ladies room.

Kagabi pa nya gustong itanong ang tungkol sa babaeng iyon. Ito na ang tamang pagkakataon pero tila nawalan sya ng lakas ng loob marinig ang gusto nyang malaman mula sa binata.

Huminga muna si Lorraine ng malalim bago nagsalita.

Tulad ng binata, sa daan din nakatuon ang pansin nya.

"Dree."

"Hmmm?"

"Can we talk?"

"Nag-uusap na tayo Lee," biro nito sa kanya.

"I mean… I-I want to ask you something."

Nahalata ni Drix ang kaseryosohan sa tinig ng dalaga.

"Mukhang seryosong usapan yan ha?"

"Sino sya?" tanong ni Lorraine.

Bahagyang nagulat si Drix sa tanong ng dalaga. Kahit pa pumasok na rin sa isip nya kanina na maaaring magtanong ito sa kanya.

Kilala na nya kung sino ang tinutukoy ni Lorraine.

Walang kibong iginilid ni Drix ang kotse sa gilid ng kalsada. Madalang lang ang mga sasakyang dumaraan sa kalye na iyon. Medyo madilim ang paligid dahil sa biglang pagbuhos ng ulan. Hinayaan nya lamang na naka-on ang wiper ng kotse.

Bumaling sa kanya si Lorraine. "Sino sya?" ulit nito.

Nagpakawala muna si Drix ng isang malalim na buntong-hininga. "Si Bianca" simpleng sagot nya.

Hawak nya pa rin ang manibela at nakatuon ang mata nya rito. Alam nyang nakatingin sa kanya si Lorraine. Tila hinihintay pa nito ang ibang sasabihin nya.

"Si Bianca. Ex-girlfriend ko. First girlfriend ko bago naging tayo," dagdag nya.

Nakumpirma na nga ni Lorraine ang hinala. Ang babaeng iyon ay ex-girlfriend ni Drix. Sumakatuwid, minsan nyang minahal. Ang unang babaeng pinapasok nya sa puso nya. Ang babaeng pinalitan nya sa buhay ng binata.

Walang kibo si Lorraine. Ang daming pumapasok sa isip nya.

Pinaglaruan nya ang mga daliri. Hindi nya malaman ang sasabihin.

Finding Miss Unknown [Completed&Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon