CHAPTER 9
----------------
Pinapagpag nya ang mga buhangin na kumapit sa black dress nya at saka isinuot ang high heels na inilapag nya sa may buhanginan. Pinagmamasdan ko lamang sya habang gingawa nya yun. Hindi ko mapigilang hindi humanga sa kanya. Siguradong lahat ng lalaki sasang-ayon sakin na maganda sya. Kahit sa maikling panahon ko lamang sya nakasama alam kong mabait sya.
Pagkapasok namin sa event hall ni Lorraine, iilan na lamang ang sumasayaw sa dance floor. Dahil karamihan sa mga bisita ay businessman, kanya-kanyang pwesto ang mga ito. Kung tutuusin parang hindi birthday party ang dinaluhan ko. Nakita ko sa di kalayuan si dad na nakikipag-usap kay Mr.Lim na CEO Lim Group of Companies at si Mr.Angeles, papa ni Bianca na ex girlfriend ni Drix.
Napatingin ako kay Lorraine nang marinig ko ang murmur nya. Sinasabayan nya yung kantang Thousand Years.
"Lorraine? Can I have this dance?Please" nilahad ko ang kamay ko sa kanya na kanya namang inabot. She smiled at me. She has the most beautiful smile I have seen in my life. May spark kasi sa mata nya.
"Sure."
Dinala ko sya sa gitna ng dance floor kung saan ilang couples din ang naroon.
Ipinatong nya ang mga kamay nya sa balikat ko. Actually, para akong naestatwa sa kinatatayuan ko.
"Ehem." Para akong nagising nang biglang magsalita si Lorraine "Napilitan ka lang ata eh," naka-pout niyang sabi sakin.
Dun ko lang napagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin nang akmang tatalikuran na nya ko.
Mabilis ko hinapit ang bewang nya at iniharap sa akin. Nakaiwas sya nang tingin.
"Hey, hey, tatakasan mo ba ko Ms. Cervantes."
"Ikaw kasi, matatapos na yung kanta para kang estatwa." Hindi pa rin nya ko tinitignan.
"Look, I'm sorry. Ang ganda mo kasi, I can't stop myself staring at you."
Pagkasabi ko nun lumingon sya sakin. Nagtama ang mga mata namin. She looks so shocked dahil sa sinabi ko. Totoo naman eh, ang ganda nya. Her beauty is so different compared sa mga kakilala kong mga babae. Si Lorraine yung tipong habang matagal mong tititigan, lalong gumaganda sa paningin ko. Hindi nakakasawa. Light make up lang meron sya pero she looks like a Goddess.
Ngumiti sya sakin at mahinang tinapik ang braso ko. "hmmp, bola!"
"Hindi ah, I'm just telling the truth!" Nginitian ko lang din sya. Matapos kong isayaw si Lorraine nagpaalam muna ko saglit para kumuha ng drinks sa may buffet table.
Pagbalik ko hindi na siya nag-iisa. Kausap nya parents ko at parents nya. Lumapit ako sa kanila.
"Ma."
"O, hijo."
"Siya na ba ang anak mo ha Albert?" tanong ni Tito Carl kay dad.
"Oo, manang mana sakin diba? Gwapo." Nagkatawanan sila.
Lumapit ako sa pwesto nila at nagpakilala ng maayos.
"Goodevening po, I'm Chad." Iniabot ko ang kamay ko sa parents ni Lorraine.
"O, hi hijo." nakangiting bati sakin ng mama nya. "Ang galang ng anak mo Cristina at ang gwapo pa"
"Thank you! Syempre mana sa ina." sagot ni mama.
"At sa daddy." singit ni dad. Nagkatawanan na naman sila. Napangiti na lang ganun din si Lorraine na nakamasid lamang sa usapan ng mga parents namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/4682303-288-k440940.jpg)
BINABASA MO ANG
Finding Miss Unknown [Completed&Revising]
Teen FictionSi Chad. Nasaktan. Iniwan. Muling nagmahal. Paano kung ang babaeng muling nagpatibok sa kanyang puso ay may mahal na palang iba? At ang taong iyon ay isang lalaking malapit sa kanya? Ito ang kanyang kwento, ang paghahanap sa kanyang “Miss Unknown”. ...