CHAPTER 4
------
Sunday. Third week ng April. Ang alinsangan ng panahon. Parang ang sarap magbeach. Maaya nga ang barkada. Nakahiga lang ako sa kama ko at nakatingin sa puting kisame nang biglang. .
♩♪♫♬You´re better then the best / I´m lucky just to linger in your light / Cooler than the flip side of my pillow that´s right / Completely unaware ♩♪♫♬ Ringtone ko.
“YO CHAD!”
Inilayo ko yung cellphone. Ang sakit sa tenga. Masisira ata eardrums ko nito.
“Lower your voice naman Tristan! Mabibingi sa’yo kausap mo niyan eh.”
“Tsss.” Tristan
“O, bakit ka napatawag?”
“Tara, kainip dito sa bahay. May mall show daw sila si Luke.” Si Luke ang kabarkada naming vocalist ng banda.
“Ehhh ano kasi.”
“Ano?”
“Hindi ako pwe….”
“Chadnaman. Minsan lang ako mag-aya. Nakakahiya kay Luke.”
“Si Trixy kasi iniwan dito ni kuya Bryan Walang mag-aalaga.” Si kuya Bryan ay pinsan ko sa side ni dad. At si Trixy naman ay anak ni kuya Bryan.
“Problema ba yan. Isama mo na lang. Ayos lang yan.”
“Ano ka ba, baka mapagalitan ako ni kuya. Marunong ka bang mag-alaga ng bata?”
“O, sige na, sige na. Ako bahala diyan sa pamangkin mo. Magbihis ka na. Malapit na ’ko diyan.”
“Bilis mo ha. Parang sigurado kang sasama ako. Malapit ka na pala dito. Sige.” Pinindot ko na ang end button nang lumapit sa akin si Trixy.
“Uncle, I’m hungry.” naka-pout na sabi niya.
“Alright, sweet pea. I’ll bring you to Jollibee.”
“I don’t like Jollibeebee.”
“It’s not Jollibeebee, it’s Jollibbee.”
“It’s the same.” Okay mahirap makipagtalo sa bata
“Okay, okay, where do you want?”
“Pizza Hut! I want to eat pizza and pasta” Iba talaga taste ng batang ‘to. 7 years old pa lang pero iba na ang gusto. Kung ordinaryong bata lang ‘to for sure sa Jollibee mag-aaya.”
“Your wish is my command, my princess.”
“Yehey!”
“Sige na at bibihisan na kita.”
“I can handle it uncle. My papa told me I’m a big girl na.”
Natawa naman ako dito sa sinabi ni Trixy. Paano ba naman ang liit niya pero minsan parang ang tanda na ng kausap ko.
-------
“Hi Princess. Remember your Prince?” Tristan
Bumaba na siya ng sasakyan para pagbuksan ang pamangkin ko. Natawa naman ako sa kanila. Prince ang Princess kasi tawagan nila. Nalaman kasi ni Tristan na may crush ‘tong bulinggit na ‘to sa kanya nung last year.
“Tigilan mo nga yan bro! Child abuse ka,” biro ko sa kanya.
“You’re so rude uncle.” at inirapan pa ko ni Trixy. Ang batang to lumalandi na. Humarap naman siya kay Tristan at saka nagpa-cute. Ano ba yan.
BINABASA MO ANG
Finding Miss Unknown [Completed&Revising]
Teen FictionSi Chad. Nasaktan. Iniwan. Muling nagmahal. Paano kung ang babaeng muling nagpatibok sa kanyang puso ay may mahal na palang iba? At ang taong iyon ay isang lalaking malapit sa kanya? Ito ang kanyang kwento, ang paghahanap sa kanyang “Miss Unknown”. ...