Hiyawan, sigawan at tilian ang buong maririnig sa loob ng Araneta. Hindi magkamayaw-mayaw ang nakakamatay na pagsuporta ng fans sa banda. Lalong higit ang kababaihan, karamihan puro mga teenager. They're so full of energy at the same time they're so wild.
Kanina lang, kakasimula pa lang ng count down sa sobrang energetic nila -halos masira ang barricade na mga nakaharang. Mabuti na lang, mabilis na naagapan ng mga bouncer.
Kanya-kanyang palakasan ng boses mula sa iba't ibang fandom ng banda. Halos lumabas ang kanilang litid dahil sa pagtili at sigawan. May nakita pa ako na mas bata yata sa akin na nagtangkang sumampa sa barricade, para makasampa sa entablado. Mabuti na lang at alerto ang mga bouncer na nagbabantay doon.
Napailing ako...
"UNO, MARRY ME INSTEAD!"
"DOS, BE MY BOYFRIEND PLEASE!"
"TRES, AKIN KA NA LANG!"
"KUATRO, LIGAWAN MO NA AKO!"
"SINGKO, ANG GUWAPO!"
"Gosh! I can't imagine this is my fifth time to watched them. Like OMG, Bhabes! Sobrang guwapo talaga ng bebe Dos ko!" Halos mawalan nang hiningang kakatili ni Brid, ang bestfriend ko. Nasa aking tabi.
Hindi ko na matandaan kung ilang beses niyang niyugyog ang aking braso, na halos masabunutan na niya ako.
Natatawa ko siyang nilingon. May namumuong pawis na sa kanyang noo dahil sa walang humpay na pagtili at pagsigaw niya.
"Well, thanks to me" mapang-asar kong sagot sa kanya.
Agad naman akong inirapan ng bruhilda. Mas lalo akong natawa. Nandito kami sa gilid ng backstage sa tabi ng mga production staff. Pero kitang-kita pa rin namin mula rito ang pagtatanghal ng magkakapatid. Medyo madilim nga lang sa aming puwesto but it's fine with me. Ayoko kasi sa mga naglilikot na iba't ibang kulay ng ilaw. Nakakahilo.
Panay hila nga sa akin ni Brid kanina na roon kami sa crowd, at sumabay daw kami sa mga tilian at sigawan ng fans. But that's no, no, no with me. I'm really comfortable here in the dark. Saka wala naman siyang magagawa, ako ang masusunod ngayon.
Libre kasi ang ticket niya at wala siyang kahirap-hirap na nakapasok sa loob ng Araneta. Ni hindi nga siya pumila eh. And that's because of me.
"Stone hearted ka ba, Bhabes? nadinig ko ang boses ni Brid pero 'di klaro sa akin ang binitiwan niyang salita.
"Huh? Ano?" medyo pasigaw kong pagtatanong sa kanya. Nilapit niya ang kanyang labi sa aking tenga at sumigaw.
"Ang sabi ko. Bato ba ang puso mo?" Ang sakit no'n sa tenga ah. Kumunot ang aking noo nang maalala ko ang kanyang tanong.
"Ano ba 'yang walang kuwenta mong tanong sa akin?" pabalik kong tanong sa kanya.
Tinuro niya ang entablado. Wala sa sariling napatingin ako roon. Nagse-set up na ang staffs para sa last performance ng banda.
Oh? Anong meron sa entablado sa pagiging pusong bato kuno ko? Minsan hindi ko na alam kung saan niya hinuhugot ang mga tinatanong niya sa akin.
"Isang taon ka nang nagtatrabaho sa kanila 'di ba?" Panimula niyang tanong.
Wala sa sariling napatango ako. Yeah right, isang taon na akong nagtatrabaho bilang personal assistant/sylist ng bandang Synthesia.
YOU ARE READING
S#1 SOMEBODY TO LOVE[COMPLETED]
RomanceSOMEBODY SERIES#1 PRETZEL SHINHIARA COLANZA Being the eldest, Pretzel followed her own rules and learned what was right and wrong. Can LOVE replace and heal many hardships and judgement? Started Date: August 13, 2023 Finished Date: August 24, 2023