How can I explain what's going on in my head to someone else. When I don't even understand what's going on in my head!
Madalas na ako'y positibo sa buhay pero madalas din na nagpapalamon sa mga negetibo.
Gustong-gusto ko na palagi na lang maging masaya pero alam ko naman na malabong mangyari iyon.
Pero kung minsan din ayaw ko na rin na maging masaya dahil palaging may kapalit na lungkot at sakit.
Nakalabas na ako ng Gate nang marinig ko ang pasigaw na pagtawag ni Dos mula sa aking likuran. Bakit pa niya ako sinundan? Ayokong makita niya akong umiiyak. Mas binilisan ko ang aking paglakad. Kaya lang ano bang laban ko sa mahahabang biyas ni Dos?!
Naramdaman ko na lang ang mainit na kamay niya na nakahawak sa aking braso.
"Hey, Shin. Bakit umalis ka na? Uuwi ka na ba? Let's go, I'll take you home." aniya sa hinihingal na tinig.
Umiiyak na umiling ako sa kanya at tinanggal ang kanyang pagkahawak sa akin. At muling naglakad.
"Shin..." naguguluhang sambit niya.
Nadinig ko ang mabibilis niyang hakbang sabay hawak muli sa aking braso. At hinatak ako papaharap sa kanya.
Pinaghalong gulat at galit ang namuntawi sa kanyang mukha.
"Damn! Why are crying, Shin? Sinong gago ang nagpaiyak sa'yo? May bumastos ba sa iyo roon sa event na iyon!" mas lalong lumala ang pinapakita ng kanyang mukha. Dagdag pa na unti-unting dumidilim ang kanyang mga mata.
"H-Hindi... Wala." sinisinok kong tugon.
He sighed. "Kung hindi dahil do'n. Ano? Alin?"
"Dahil gusto kita, Dos. Gustong-gusto kita.." umiiyak kong pag-amin sa kanya.
There! I said it. Finally!
Napalitan ng gulat na gulat na ekpresyon ang buo niyang mukha habang nakatingin sa akin, na parang batang umiiyak sa kanyang ama.
Ilang saglit pa'y tumawa siya na parang nahihirapan sa paghinga.
Sinamaan agad siya nang tingin."Lagi mo na lang akong sinusopresa sa mga binibitawan mo. You always took my breath away. You know that, Shin?" ani ni Dos habang tumatawa.
Hinampas ko siya sa braso na naging dahilan nang malutong niyang pagtawa. "Nakakainis ka! Bakit ka tumatawa riyan?!"
Kinuha niya ang puting panyo sa bulsa ng kanyang pantalon. At natatawang pinusan ni Dos ang aking basang mukha.
"Kahit may uhog ka pa. Tangina... Bakit ang ganda mo pa rin?!" seryoso niya nang sabihin iyon pero may saya akong nabasa sa kanyang mga mata.
Kinurot ko siya sa tagiliran na kinadaing niya agad.
"Damn, girl. Hindi pa tayo niyan pero nananakit ka na." mapang-akit niyang sabi.
Inipit niya ang aking buhok sa aking tenga. He looked at me intently.
"You don't know how much I like you, Shin." umiling siya na may ngiti sa kanyang labi. "Mahal kita, Shin. Mahal na mahal." He said gently.
Nagsimula akong umiyak. "Pero natatakot ako. Natatakot ako, Dos. B-Baka masaktan ako. Or b-baka masaktan lang kita." lumakas ang aking pag-iyak. "Ayokong dumating ang araw na magkakasakitan lang tayo."
Hinapit niya ako sa baywang at pinatakan ng isang halik sa aking noo. Napapikit ako sa ginawa niyang iyon. At dahil sa ginawa niya, unti-unting nalulusaw ang takot na nararamdaman ng aking puso. At napalitan nang malakas na pagkabog na halos lumabas na sa ribcage ko.
Malambot akong tinitigan ni Dos mula labi hanggang huminto sa aking mata.
"Kung masasaktan. Edi masasaktan tayo, Shin. Parte ng pagmamahal ang masaktan at hindi natin maiiwasan iyon. Hindi ko maipapangako na hindi kita masasaktan pero dahil ikaw na 'yan. I will do it..." He said seriously. "Limang taon kong hinintay ang araw na ito, Shin. Limang taon kitang pinangarap. Limang taon kong hinintay na makausap ka at makalapit sa'yo." pag-amin niya.
Mahina siyang natawa. "Hindi na ako natatakot na masaktan. Basta ikaw ang magbibigay no'n. Ikaw lang..."
Pinilibot niya ang kanyang braso sa aking likuran upang yakapin ako.
"So, please... Let me court you now." pagsumamo niya. " I will prove to you that you deserve to be love. Dahil gaya ng sabi ko, ikaw na iyan. It's you, Shin. And that's really worth to wait for you."
Umiiyak na tumango ako sa pagitan ng kanyang leeg. At hinigpitan ang pagyakap kay Dos.
Mahina siyang nagmura. At hinalikan ako sa buhok.
"Thank you, Shin. " bulong niya. Kumalas siya sa pagkakayakap at hinawakan ang aking kamay. "Let's go. I'll take you home. May work shift ka pa, right?" paalala niya sa akin.
Doon ko lang naalala si Eroy at ang aking trabaho.
Habang sakay ako ng Ducati Scrambler ni Dos habang nakayakap sa kanyang baywang. At nakasandig ang aking pisngi sa malapad niyang likod. Sa malamig na gabi habang binabagtas namin ang papauwi sa Paombong.
Ang paulit-ulit na nagre-reply sa utak ko.
So, does mean he is now courting me?
Dos Valderama is my suitor.
YOU ARE READING
S#1 SOMEBODY TO LOVE[COMPLETED]
RomanceSOMEBODY SERIES#1 PRETZEL SHINHIARA COLANZA Being the eldest, Pretzel followed her own rules and learned what was right and wrong. Can LOVE replace and heal many hardships and judgement? Started Date: August 13, 2023 Finished Date: August 24, 2023