KABANATA 1

116 7 0
                                    

Humingi na ako ng tulong kay Brid sa pagliligpit ng mga gamit. Kailangan matapos namin ito bago pa sila bumalik dito. Paniguradong matatabunan kami ng mga camera at media dito. Mahihirapan ako sa pagliligpit ng mga gamit lalo na 'yong mga damit na isinuot ng lima kanina.

Huli kong iniligpit ang costmetics at inilagay sa malaking pouch. Bago pa bumukas ang pinto.

Unang nakapasok sa loob si Mr. Tan, ang bading na manager ng banda. May kausap siya ngayon sa kanyang phone. Sumunod ang magkaakbay na sina Kuatro at Singko, may binulong si Kuatro sa kanyang kapatid -na agad kinais ng mukha ni Singko.

Hinila ko si Bridgette na naestatuwa sa mga nasaksihan sa kanyang harapan. Gumilid kami malapit na sa may pintuan ng comfort room.

Sumunod namang pumasok ang tumatawang si Tres. Napatingin siya sa aming na puwesto na naging dahilan ng kanyang pag-ngisi. Napatingin ako sa aking katabi. Bridgette looks irritated now.

Napadako muli ang aking mata sa aming unahan, nang marinig ang pagtawa ni Kuya Uno. Pangko-pangko niya ang kanyang anak. May sinabi ang bata, lumutong ang pagtawa niya. My gaze shifted to the curly beautiful woman who was next to Kuya Uno. Si Ate Sharina, Kuya Uno's lovely wife. Nakasuot siya ng black dress with glitters na hanggang hita. Pinulupot ng libreng braso niya ang lantad na maputing likod ng asawa.

Agad napa-angat ng tingin si Ate Sharina sa kanyang katipan. She looks inlove and contented.

I smiled.


Huling pumasok si Dos na walang pinagbago ang anyo. Palagi naman siyang wala sa mood. Nakasampay na sa kanyang balikat ang suot niya kanina na black leather jacket.


"Congratulations, guys! We're still trending until now. At sobrang daming tao!" matinis na sigaw ni Mr. Tan.

Umingay ang paligid nang magsipasok ang mga media. Nag-uunahan at nagkakagulo sila upang makakuha ng interview sa sikat na banda. Sunod-sunod ang pagkislapan ng nakapalibot na kamera sa buong silid.

"Dos, Dos.... madaming na-curious sa madamdamin mong kanta. Sino ang iyong inspirasyon habang binubuo ang kanta?" (Media 1)

"Dos, anong pamagat ng kinanta mo kanina?" (Media 2)

"Enough" seryosong untag ni Dos

"Dos, madami nang nagtatanong na fans. Kung para kanino ang kanta. Is it the gorgeous lady by your side? Hi, goodevening, Ms. Vernice!Dalawang taon na kayong magkarelasyon. May plano na ba kayong magpakasal?" (Media 3)

"Hello, Goodevening everyone." mahinhin na ngumiti si Vernice Chu, ang girlfriend ng sikat na bokalista.

He wrapped her hand around Dos' strong arm. She sweetly looked up and stared at her boyfriend for a moment, whose face became more serious. It was obvious in her eyes that she loved Dos very much.

Nasa likod ni Vernice Chu ang kanyang modelong pinsan na si Shanna Chu-na panay ngiti sa harap ng kamera. Nakakapit ang kanyang kamay sa braso ng nobyo niya-na isang sikat na Cardiologist sa bansa. Si Doctor MD Denzel Mondragon. Seryoso lang ang ekspresyon ng mukha ng binatang doktor habang tahimik na nakatayo sa tabi ng kanyang nobya.

Hindi ko namalayan na napatagal ang paninitig ko kay Doc Denzel, kung hindi pa may mapanganib na mga mata akong nakita.

Napalunok ako sabay iwas agad ako ng tingin.

S#1 SOMEBODY TO LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now