KABANATA 10

72 5 7
                                    

I'm a positive person but I can't deny that there was a times, I still worry about what other people think of me. But now, I just want to focus on what makes me happy. I just want to focus on what makes my soul feel at peace.

I know it's kinda selfish but please this time... Let me happy.....Let the table turn. 'Yong ako naman. Ako muna ngayon.

Napatingala ako sa kalangitan na nagsisimula nang dumilim. Unti-unti nang nagpapakita ang buwan. Kunot noo akong nagbaba ng tingin at tumingin sa suot kong relo. Kaya naman pala, alas singko y trenta na.

Tinakpan ko ang aking tenga sa ingay na nanggagaling sa mikropono na pinaraan sa malaking speaker. Nagkaroon ng konting aberya sa technical system kung kaya't trenta minto nang delay-ang event dito sa Heroes Park. Ang ganda pa naman nang gayak at disensyo ng entablado. May malaking kurtinang itim na napapalibutan nang de bateryang ilaw. May nakasulat sa malaking tarpuline ng Salubong. May ilaw na nakalagay sa magkabilaang gilid ng entablado. At malapit na rin mapuno ang Heroes Park dahil patuloy na nagsisidatingan ang mga estudyante na manonood.

Oo, dumalo ako gaya nang pinangako ko kay Xyra. Dahil nasa gitnang bahagi ako nang kumpulan ng mga tao. Nakikita ko sa aking kinatatayuan ang tensyonadong Pangulo ng Hiraya Kolektib. Nakalugay ang kanyang hanggang balikat na buhok. Nakaitim siyang damit gaya ng mga ka-miyembro niya sa Publikasyon. May tatak ito na malalaking letra ng Hiraya at nakalagay sa likod ang kanilang mga posisyon. Kinuha muli ni Xyra ang mikropono at huminga nang malalim bago sinubukang magsalita. Ngumiti siya pagkatapos no'n, unti-unti nang napapalitan ng kalmadong ekspresyon ang kanyang anyo. Mula sa pagiging problemado niya kanina dahil sa aberya sa technical system.

Bumilib nga ako kay Xyra dahil kung ako ang nasa posisyon niya. Baka kanina pa ako nag-walk out, I mean nakaka-tense naman talaga lalo na't may mga naiinip at nagrereklamo na rin. Dahil halos magi-isang oras nang delay ang event sa inanunsyo nila noong Lunes na alas singko ang simula.

Anyway, hindi ko nasabi kay Dos na nandito ako ngayon sa Heroes Park. Kahit na mag-usap kami sa chat at sinabi niya sa akin na hanggang alas kuatro pa-ang kanyang klase ngayong biyernes. Ang iniisip ko habang papunta ako rito kung nasabi ba sa kanya ni Xyra na napapayag niya akong dumalo.
Palipat-lipat din ang aking mata sa kakatingin sa harap, sa gilid at maging sa likuran. Umaasang makikita ko ang supladong iyon pero kahit ang pamilyar na sa akin na gupit niyang buhok. Hindi nakita ng mga mata ko.

I sighed. Ganito na ni Dos pinapagulo ang aking sistema maging sa aking pagtulog. Siya pa rin ang laman ng isipan ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag may tao kang gusto at palaging gusto mo siyang makita.

Did you feel the butterflies?

If someone asking me that, It's not like that. Why? Oo, nakakaramdam ako ng kilig towards Dos. Sino ba naman hindi kikiligin sa guwapong iyon? Bagama't may pagkasuplado ang lalaking iyon pero kapag nakikita ko ang mga ngiti niya-mas lalong higit kapag tumatawa na si Dos. Ang bilis na nang takbo ng pagtibok ng aking puso.

When I am with Dos at nakakausap ko siya. It feels calm and peace.

Am I crazy now? Why am I talking to myself? I guess all teenagers experience this at one point in their life. Lalo na kapag ang laman ng ating isip ay ang taong nagugustuhan natin.

Nagbalik ako sa ulirat at napatingin kay Xyra na humahakbang sa gitna ng entablado. Tumingin siya sa maraming tao na may apologetic expression.

Napatingin akong muli sa aking suot na relo. Eksaktong alas sais na nang gabi. Mas lalong gumanda ang nakapalibot sa maliit na entablado.

Naisip ko bigla si Eroy. Dalawang beses na niyang sinasalo ang shift hours ko. Nahihiya na rin ako kanya pero ang laging sagot niya sa akin. Naiintindihan niya ako dahil naranasan na rin ni Eroy ang ang buhay ng working student. At ito ang pinagsasalamat ko sa itaas dahil kahit na may mga taong may ayaw sa akin. May mga tao pa rin na naiintindihan ang buhay ko.

S#1 SOMEBODY TO LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now