KABANATA 12

74 5 6
                                    

Having someone understand your mind is a whole different kind of intimacy. The vibration is magical.

And that's one of Dos personality.

Sa tatlong buwan niyang nanliligaw sa akin. Marami akong natutuklasan sa kanya. Mas nakikilala ko siya. Mas lalo namin na nakikilala ang isa't isa. Sa unang buwan na nanliligaw siya sa akin, binalak ko na siyang sagutin. Ewan ko ba pagdating kay Dos, ayaw ko nang patagalin pa. Ayaw ko na siyang paghintayin pa. Sapat na naghintay siyang sa akin nang limang taon para lang magtagpo kami sa gitna. Pero ayon nga, hindi ko alam kung paano ang aking sasabihin at gagawin.

Isa sa naging dahilan ko kung bakit aking naisip na sagutin siya. Ginagawa ni Dos ang mga bagay na gusto niyang panindigan.

When he said, he will do to adjust his precious time just to be with me.

He did...

Simple lang ang rutina ng mga araw namin ni Dos. Madalas, kumakain kami ng lunch sa loob ng mini forest. Sa lugar na iyon kasi madalang lang ang pumupunta na mga estudyante. Kaya roon ang madalas ang kitaan namin nadalawa. Dahil bukod sa hindi takaw atensyon. Napakapayapang panoorin ang pagdaloy ng tubig mula sa malaking fountain. Doon namin inuubos ang oras ng lunch break namin.

Hindi kami parehas ng schedule pero hindi ko alam kung paano niya nababalans-ang oras para sa akin at sa kanyang pag-aaral. Mas mahigpit ang schedule ng Engineering Students at s'yempre mas mahihirap ang subjects nila. Paulit-ulit ko na rin 'tong tinatanong kay Dos nguni't ang lagi niyang sagot sa akin. He can do more adjust his time, just to have a quality time with me.

Hindi naman sa ayaw kong may makakita sa amin. Sino bang ayaw na ipaglandakan ang lead vocalist ng sikat ng bandang Synthesia, ay nanliligaw sa isang kagaya ko? Subalit datapwat, hindi ko makokontrolado ang takbo ng utak ng mga estudyante. Sabihin ko nang may mga matutuwa dahil may nagugustuhan ng babae si Dos. Pero alam ko naman na mas maraming aayaw sa amin at lalo na sa akin. Gaya ng sabi ni Rhoanne kahit hindi ko sure kung ako ba ang pinapatamaan niya. O, kung may alam siya na ako ang nagugustuhan ni Dos.

Gusto ko lang palagi na doon ako palagi sa mapayapa at tahimik, malayo sa mga taong aayawan kami at mapanghusga-kasama si Dos.

Kapag mas maagang natatapos ang aking klase at may isang oras na break si Dos. Tumatambay kami saglit sa Kapitolyo, kumakain ng sorbetes na nilulublob sa chocolate syrup na maraming marsh mallows. Kung minsan naman, mga street foods ang foodtrip naming dalawa. Pero minsan lang iyon dahil nahahalata ko naman kay Dos na hindi siya kumakain ng mga ganoong klaseng pagkain. Minsan kasi nakakalimutan ko na sobrang rich kid nga pala ng lalaking iyon.

Ilang saglit lang kami na tatambay do'n then after that, ihahatid na ako ni Dos gamit ang kanyang Ducati Scrambler. Noong unang beses niya akong hinatid sa terminal ng jeep. Hindi niya raw nadala ang kanyang motorsiklo dahil nasa pagawaan.

Pero ang isa sa pinaka hinahangaan ko kay Dos na mas lalong kinayanig ng aking mundo. Ang biglaang pagsulpot ni Dos kapag matatapos na ang shift ko sa madaling araw. Ang galing din talaga ng supladong iyon, alam kasi niya na hindi ako nagdadala ng phone sa trabaho. Kaya naman, alam niyang hindi na ako makakatanggi kapag nasa store na siya. Kaya naman kilala na si Dos ni kuya Jomar pero may pagkamadaldal kasi siya.

Sa oras na masabi ni kuya Jomar sa iba, alam kong kakalat na iyon sa buong barangay namin. Ang kinakatakutan ko ang malaman ni lola Linda. Hindi ko pa alam ang magiging reaksyon ni lola kapag nalaman niyang may nanliligaw na sa akin.

Kaya hangga't maaari mas ayos na konti lang muna ang nakakaalam para iwas gulo na rin.

Pumailanlang ang kanta ni Paulo Santos na "Moonlight over Paris" sa buong convenient store nila Brid.

S#1 SOMEBODY TO LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now