Hindi ako napapayag na ibalik ni Mang Jorge sa bahay. Kahit na malaki ang pagtutol ni Dos dito. Wala rin choice. Walang nakuha na papalit na pansamantala sa trabaho ko. Kaya naman ang kabilinbilinan ni Dos kay Mang Jorge, doon idaan ang sasakyan sa fire exit. Doon niya ako sasalubungin. Dahil sa dami nang media sa loob, ang iba'y hindi na makapasok sa loob ng studio.
Mabuti na lang talaga at si Mang Jorge ang sumundo sa akin. At hindi si Dos.Nadaanan namin ang nag-aabang ng mga reportes sa labas ng studio. Kanyang-kanya sila ginagawa sa labas. Ang iilan ay nasa live broadcast ng mga nangyayaring kaganapan ngayon sa Studio. Pero may matitigas talaga na mga media na nagpupumilit na pumasok sa loob upang makakuha ng interbyu ng kahit sinong miyembro ng Sythesia. Kahit na tatlo ng guards na ang humaharang sa kanila.
Hindi ko naman sila masisisi dahil trabaho pa rin nila iyan at big scoop ang makakuha ng impormasyon, mula kay Dos. Pero sana'y maisip din nila na may limitasyon ang lahat at hintayin na lang ang statement ng management ukol dito.
I sighed.
Pagkahinto ng sasakyan, inaayos ko lang ang malaking dala kong bag. At agad na rin bumaba ng sasakyan. Hindi ko pa nakikita ang pagdating ni Dos. Siguro, gumagawa pa rin siya nang paraan upang makaalis sa silid.
Suddenly, may narinig ako nang marahas na pagtapak ng takong sa sahig na papalapit sa akin. At isang malakas na pagsarado ng pinto mula sa sasakyan.
I was about turn my back, nang isang malakas na paghatak sa aking buhok mula sa aking likuran. Sobrang sakit no'n na halos maramdam ko hanggang anit ng aking buhok. At sumalubong sa akin ang namumugto at namumulang mukha ni Vernice. Nanlilisik at galit at galit ang kanyang mga mata habang mahigpit pa rin ang pagkahawak sa aking buhok.
"Sana tinuloy ko na lang na ipa-banned kita sa aking kompanya." Humihikbi sa galit na si Vernice. "Kung aahasin mo lang pala ang boyfriend ko sana matagal na kitang tinulak papalabas sa labas ng kompanya."
Matapang ko tinitigan sa mata. "Wala akong inaahas sa'yo, Vernice. Baka nakakalimutan mo na hanggang kontrata lang ang relasyon ninyo ni Dos."
Mas hinigpitan pa niya ang pagsubunot niya sa aking buhok. "Walang sa'yo, Pretzel. Hindi na sa'yo si Dos! Sa akin na siya. Akin!" She said as she gritted her teeth.
Blanko ko lang siyang tinignan. I grinned. "He will never yours, Vernice. Dream on, girl!"
Doon na siya sumabog at nag-iiyak. Mas hinila pa niya pa ang buhok ko, papalit sa kanya. Ramdam ko na parang matatanggal na ang aking buhok sa tindi nang paghatak ni Vernice. But still, I'm looking at her with my emotionless eyes. Hinding-hindi na ako magpapakita na kahit anong kahinaan, na magiging dahilan upang masaktan ng mga taong mahal ko.
Sila Mama at si Dos.
Iyon ang huli.
Wala nang susunod pa.
"Ahas ka talaga! Tama nga si Lola, kagaya ka rin ng mama mo na malandi! Mang-aagaw! Naninira ng relasyon! Pokpok!" galit na galit na paratang ni Vernice sa akin.
Doon ko pa lang nilipat ang aking tingin sa kanyang kasama, na natutuwa sa sinasabi ng kanyang pinakamamahal na apo.
Kasama pa rin niya ang tatlong lalaki niyang alagad. Ang isa'y may hawak kay Mang Jorge na ngayon ay nagwawala upang matulungan ako.Gaya ng dating tingin ni Mrs. Chu sa akin, puno pa rin iyon nang disgusto at mabalaksik na mga mata. Pero hindi na ako matatakot at magpapatalo sa kanya. Hindi ko man mapantayan ang yaman na pinagmamalaki at pinagyayabang niyang sa amin ni mama. Kaya ko nang pag-aralin si Pringles sa kahit anong gusto niyang kurso. Hindi ako papayag na magaya siya sa kanyang ate na hindi nakapagtapos ng pag-aaral.
YOU ARE READING
S#1 SOMEBODY TO LOVE[COMPLETED]
RomanceSOMEBODY SERIES#1 PRETZEL SHINHIARA COLANZA Being the eldest, Pretzel followed her own rules and learned what was right and wrong. Can LOVE replace and heal many hardships and judgement? Started Date: August 13, 2023 Finished Date: August 24, 2023