KABANATA 16

58 5 5
                                    

Tandang-tanda ko pa ang gabing iyon. Sobrang lakas nang ulan at dagundong ng kulog mula sa kalangitan.

Kami lang dalawa ni Pringles ang nasa apartment na tinutuluyan namin. Ilang tulog na ang ginawa ko gaya nang sinabi ni Papa na matulog lang daw ako. At sa aking paggising, kasama na namin siya ng kapatid ko. Pero kahit maaga na akong natutulog sa gabi, hindi ko na kailanman nasilayan ang mukha ng aming ama.

I was eight years old back then, siyam na buwan pa lang noon si Pring. Panay iyak niya at hindi mapakali dahil mataas na lagnat. Isang oras na simula nang lumabas saglit si mama upang humingi ng tulong kila lola. Ang kabilin-bilin niya, huwag na huwag kong pagbubuksan ang kakatok sa pinto. Dala kasi ni mama ang susi ng pinto kaya hindi na niya kailangan pang kumatok.

Ang paulit-ulit na pakikipag-usap ko sa walong taong gulang na ako.

Mahina kong tinapik sa hita ang nakatulog na sa kakaiyak na si Pringles. Pero sobrang init pa rin niya kaya kahit natutulog, maririnig pa ang kanyang mahihinang paghikbi.

May kumalabog na malakas na nanggagaling sa labas ng aming bahay, kaya naman nang makarinig ako ng katok. Nagmamadali kong binuksan ang pinto at nagbabakasakali na si mama na iyon. Nawala sa aking munting isip na hindi na kailangan na kumatok ni mama.

Naging doble ang nararamdaman kong takot na bumungad sa akin ang mabagsik na sikit ng mga mata na gaya ng leon. Nagtagpo ang aming tingin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Mas lalong naging mabagsik ang kanyang tingin at naging matalim—kasing talim ng kidlat sa kalangitan.

Tinulak ako ng matabang ale. Mabuti na lang at napasandal ako sa pinto.

"Lahat na iyong kita na mayayamang gamit. Iyo kuhanin at itapon sa labas. Walang ititira!" utos niya tatlong malalaking lalaki.

Naguguluhan man pero hinarang ko ng dalawang maliit kong braso sa nakakatakot na tatlong mamà.

"Sino po ba kayo? At bakit ninyo po kukuhanin ang mga gamit namin?" pagtatanong ko pa kahit natatakot na ako.

Hindi nila pinansin ang aking tanong. Tinuloy nila ang utos ng mataba at singkit na babae, na panay pagpaypay sa malaki niyang pamaypay. Kitang ko sa kanyang ekspresyon ang pandidiri habang pinagmamasdan ang buong apartment.

Tinaasan niya akong ng kilay. " 'Wag ika'y tingin sa akin. Ika'y layo, ayaw kong makita ang kasuya-suya mong mukha. Ika'y alis akin harapan. Alis!!!" inis at galit na sabi niya sa akin.

Babalik na sana ako sa kuwarto para silipin ang aking kapatid dahil baka nagising na siya, sa sobrang lakas nang kanyang boses.

Nguni't napahinto ako nang maging mga appliances na binili ni Papa. Pinagtatapon nila sa labas dahil malakas ang ulan, alam kong sira na mga iyon. Huling binuhat ang flatscreen TV na kakabili lang ni Papa noong huling uwi niya sa bahay. Ako pa mismo ang humiling no'n kay Papa.

"Huwag po iyan! Kahit iyan na lang po. Pinabili ko po iyan kay papa!" umiiyak kong pakiusap.

Biglang may tumulak sa akin kaya naman napaupo ako sa sahig habang malakas na umiiyak.

Ang matabang babae. Ngayon ko lang napagtanto na parehas sila ng mata ni papa. Nguni't hindi ganito ang mga tingin ni papa sa akin. Puno ng lambing iyon at pagmamahal.

Miss ko na si papa.

Kailan ba siya uuwi?

Kailan ba ulit kami maglalaro ng gamot-gamutan?

May madiin na humawak sa aking mukha kaya napatingala ako ng tingin habang umiiyak.

"A-Aray po! Nasasaktan po ako!" antungal ko.

"Ika'y masasaktan talaga sa akin. Kamukha-mukha mo ang pokpok mong ina. Siya'y landi at mukhang pera. Ika'y mana sa kanya!" sigaw at nagagalit niyang sabi sa akin.

"H-Hindi po t-totoo iyan!"

Panay iling ko kahit hindi naiintindihan ang gusto niyang sabihin sa akin.

Nginisian niya ako nang nakakatakot sabay duro sa aking sentido. Hindi ko mabilang kung ilang beses niyang ginawa iyon sa akin. Kahit na nagmamakaawa na ako sa kanya.

"Walang magmamahal sa iyo na lalaki dahil kamukha mo ang iyo ina. Malandi! Pokpok! Ahas! Ika'y isang bastarda na hindi ko tanggap kailanman sa aking bahay! Tatandaan mo iyan!"

Wala akong ginawa kung hindi ang umiiyak habang pinakikinggan ang mga masasakit na salita mula kay lola.

Nadinig ko kanina na tinawag siyang Mrs.Chu ng isang sa mamà. Parehas sila ng apelido ni papa. Kaya naman, alam kong siya ang ina ni papa.

Pero bakit galit na galit siya sa akin?

Hindi ba siya masaya na makita ako?

Ilang saglit pa'y natapos na ang tatlong lalaki sa pagtatapon ng mga gamit sa labas. Halos wala nang tinira na mga gamit maski mga babasaging baso't plato.

Tanging kuwarto na lang namin ang hindi nila napupuntahan. Kaya naman nang marinig kong umiyak si Pringles. Nagmadali akong tumayo sa pagkakasalampak sa sahig at tumakbo sa loob ng kuwarto.
Nakalimutan kong nakaawang ang pinto kaya nakapasok siya sa loob.

"May isang maganda gawa pala ang aking anak.." aniya habang nakatingin sa umiiyak na si Pringles.

Ang mga tingin sa kapatid ko ay parang gusto niyang kuhanin. Kaya naman sa takot na kuhanin nga niya si Pring gamit ang aking maliliit na braso—binuhat ko ang aking kapatid. At nanginginig sa takot habang yakap siya. Lumakas ang kanyang iyak.

"Dito si ate. Di ka iiwan ni ate..." pagpapatahan ko pa.

Tumawa nang malakas si lola pero sa halip na masiyahan. Mas lalo akong nakaramdam ng takot.

"Iyo sulitin ang tira araw sa iyo kapatid. Aki'y kuha siya. At bigyan ng magandang buhay. At ika'y iwan sa iyo ina na ala kwenta."

Doon dumating si mama at nagmamakawang umalis na sila sa aming bahay.

Pero iyon ang akala ko.

Ang tagal kasi bago muling pumasok ni mama sa kuwarto. Namumula na sa sobrang pag-iyak si Pringles at medyo maitim na rin ang kanyang labi.

Wala sa loob ng bahay si Mama dahil nasa labas siya habang umiiyak na nakaluhod, sa matandang na nanakot at nanakit sa akin. Sobrang lakas nang ulan at basang-basa na si mama. Tatlong payong ang nasa kanyang harapan nguni't walang ni isang may pakialam kay mama.

Naiwan na nakaluhod si mama at nakapalibot sa kanya ang basag at sira namin mga gamit. May mga nanonood sa kani-kanilang bahay habang pinagtatawanan ang kaawa-awa kong ina.

S#1 SOMEBODY TO LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now