WAKAS

156 7 8
                                    

"Lord, I thank you for sunshine
Thank you for rain
Thank you for joy
Thank you for pain
It's a beautiful day-ay-ay-ay-ay
It's a beautiful day-ay"

Nagtalukbong pa ako ng kumot nang marinig ko ang matinis at pumipiyok na boses ni Bridgette. Oo, maganda ang bestfriend ko. Alam ko na 'yan pero 'wag na 'wag na pagkakantahin sa kahit ano'ng videoke bar. Sa halip na maganda ang iyong tulog mas gugustuhin mo na lang huwag matulog.

Pero dahil siguro epekto ito ng morning sickness ko, antok na antok pa rin ako. Speaking of, hindi ko pa nasasabi kay Dos ang tungkol dito. Hindi pa ako makahanap ng right timing dahil we thought that after the issue, luluwag na ang isked ng Synthesia at mas lalo si Dos. Sunod-sunod ang Mall Tour nila at photoshoot sa loob nang isang buwan. Full schedule ng Synthesia. Then, busy din ang banda parasa last concert nila under Star Music.
Ang huli kong balikat kay Vernice, nasa vacation leave siya dahil sa mga kinasasangkutan ng pamilya niya. At maging ang isyu niya na isang fake girlfriend lang pala siya ni Dos.

Nahatulan na si Mrs. Chu bilang guilty sa lahat ng mga ginawa niyang kasalanan. At hinatalutan nang habang buhay na pagkakakulong— kahit na nag-file request for bail ang kanilang kampo. Hindi kami nagpakita nila mama kahit noon nasa hearing pa ang kaso. Para sa ikakatahimik na lang namin pare-pareho. Ayoko na rin na magkaroon pa kami ng kahit ano'ng koneksyon sa kanilang pamilya. Nakaya namin na wala kahit ano'ng tulong mula sa kanila. Mas kakayanin namin ngayon.

Ang aming ama? Ilang beses siyang sumubok na makipag-usap sa akin pero hindi ko pa talaga kaya. Hindi ko masasabi kung kailan ang araw na iyon pero hindi pa ngayon. Pero sila mama, nakausap na siya at kahit papaano napatawad na. Pero sabi nga, napatawad man subalit ang sugat na iniwan niya sa amin. Habang buhay na malaking pilat 'yon.

Nagmulat ako nang mata at tamad na tamad na bumangon dahil napakakulit ni Brid.

"You need to wake up na, Angel Bhabes! Male-late na tayo sa concert ng Synthesia! So, hurry up!" mabilis na sabi niya.

"Huh?" naguguluhan akong napatingin sa kanya.

Doon ko lang napansin na posturang-postura ang aking kaibigan. Naka brown siyang dress na medyo litaw ang kanyang cleavage. At naka high heels na kulay itim. May hawak siya na dalawang paper bags.

Inis siyang napasinghap. "Concert, bhabes! Concert!" paalala niya pa.

Napanguso tuloy ako. Lumiit ang kanyang naka maskarang mata na pinagmamasdan ako.

"You're weird, bhabes. There's something wrong with you." nanghihinala niyang tanong pa.

Nag-iwas ako nang tingin. Nahalata ba niya? Ang bilis talaga na makatunog ng babaeng 'to!

"W-Wala ah. Ang pangit lang ng boses mo!" pag-iiba ko nang usapan.

Sasabihin ko naman sa kanya at sa iba pa. Pero gusto ko muna na si Dos ang makaalam nito.

"Bukod sa inilihim mo sa akin ang tungkol sa inyo ni Dos?" nakataas na kilay niyang pagtatanong.

Umiling lang ako.

"Fine...fine but OMG! Wala na tayong oras. Maligo ka na at aayusan pa kita, bhabes!" aniya sabay hatak sa akin papaalis ng kama.

Naaalala ko 'yong concert ng Synthesia na sinasabi niya.

"Wait, saan ba kasi tayo pupunta? Manager Tan called me last night, kinansela ang concert ngayong araw at na-move next week." kunot noo at nalilito kong tanong kay Brid.

Lumikot ang kanyang mata at pinagtutulakan ako na papalabas ng pinto. Pagkalabas, bumungad sa akin ang tahimik naming bahay. Wala si Pringles na nanood ng NBA tuwing araw ng linggo.

S#1 SOMEBODY TO LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now